The worst part of holding the memories is not the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared.
The Giver, Lois Lowry
_____Maalinsangan ang paligid. Kahit hindi pa katirikan ng araw pero mararamdaman na ang init sa paligid. Abala si Abby, Abenido Legarda, sa pagsasaayos ng mga butil ng kung anu-anong halaman na itatanim nila at ng kanyang mga kasama sa darating na save the environment campaign na ginagawa nila. Isa siyang enviromentalist, nagtatrabaho siya sa DENR sa ilalim ng Ecosystem Research and Development Service. Gumagawa siya ng mga research para pigilan ang climate change na nagdudulot ng matinding natural catastrophe sa bansa at maging sa buong mundo. Pwede na talaga siyang maging CNN hero of the year para sa kanyang malasakit para sa kalikasan.
Natigil ang kanyang pagmumuni-muni sa maliit na terrace ng kanyang apartment ng bigla na lang sumigaw ang kanilang kapitbahay.
"Hoy! Gregorio! Hayop ka! Animal ka! Impakto! Demonyo! Hudas! Umuwi ka pa! Doon ka na lang sa babae mo! Magsama kayo! Mga walanghiya!"
"Ang bunganga mo Minda! tumahimik ka nga! Nakakahiya sa mga kapitbahay!"
"Wala akong pakialam! Mabuti ngang malaman nila kung anong katarantaduhan ang ginagawa mo!"
"Wala nga akong babae, kila kumpare ako nakitulog kasi nag-inuman kami kagabi, hindi ko na kayang umuwi," mukhang nag-uumpisa ng magpaliwanag si Mang Greg. Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos ay parating ganito ang eksena ng dalawa. Minsan nga si Aling Minda na ang nagiging alarm clock nila sa lugar na iyon dahil nauuna pa ito sa manok tumilaok sa umaga.
"Hayop ka talaga! Huwag mong sabihin pati yung kumpare natin kinakalantara mo!" muntik na niyang maitapon lahat ng butil sa sahig ng marinig ang sinabi ni Aling Minda.
"Minda! Tumahimik ka na! Gutom lang yan! Mas nauna na naman ang bibig mong magsalita kaysa sa mag-isip!"
Mayamaya pa ay tumahimik na ang paligid. Mukhang natapos din ang classic na eksena ng mag-asawa.
Tumingala siya sa kalangitan, "Nay, Tay kung nasaan man kayo ngayon, sana naman huwag parati ganun ang eksena niyong dalawa," ngumiti siya. Matagal na siyang ulila. Nag-aaral pa lang siya noon sa high school ng mangyari ang trahedya sa kanilang pamilya. Dumaan ang napakalakas na bagyo sa kanilang lugar at sa kasamaang palad tanging siya lang ang nakaligtas sa kanila. Nag-iisa siyang anak, noong una ay hirap siyang tanggapin ang sakunang nangyari dahil paano pa siya makakasurvive kung wala na ang kanyang mga magulang, napakabata pa niya ng mga panahong iyon. Mabuti na lang ay tinulungan siya ng kanyang mga pinsan at malalapit na kamag-anak para makapagtapos ng pag-aaral. Kaya nga naging environmentalist siya para kahit sa konting paraan ay makatulong siya sa pagpigil ng mga maari pang mangyaring sakuna kung sakaling mapapabayaan ng husto ang kalikasan.
Nalulungkot pa rin siya sa tuwing naaalala ang mga magulang, miss na miss na niya ang mga ito, "Hay, tama na nga ang senti kay aga aga," iniligpit na niya ang mga sachet ng iba't ibang klaseng butil ng mga halaman.
Pumasok na siya sa kanyang munting apartment para maghanda ng almusal, linggo ng araw na iyon kaya walang pasok sa trabaho. Simple lamang ang buhay niya, trabaho-bahay, bahay-trabaho, or bahay-lugar kung saan maassign sa trabaho-bahay ulit. Wala siyang ibang ginagawa, hindi siya mahilig pumunta sa mall, manood ng sine o kaya magpunta sa mga disco bar, na parating ginagawa ng mga katrabaho niya.
Noon pa man bago pa siya naging fetus may feeling ang kanyang mga magulang na may mahalaga raw siyang gagampanan sa sanlibutan. Nagpahula kasi ang mga ito, mukhang nagoyo ang mapagpaniwala niyang mga magulang kaya paniwalang-paniwala ang mga ito. Pero hindi ata nahulaan na magiging half-half ang kanilang magiging anak. Siguro ito ang tinutukoy ng manghuhula na magigi siyang salot sa tingin ng iba dahil isa siyang dakilang lalaki na may pusong babae. Ito siguro ang silbi niya sa lipunan ang maging katuwaan ng iba. Ito siguro ang gagampanan niya sa sanlibutan ang kasuklaman kasama ng iba pang katulad niya.
Hindi siya katulad ng iba na nagsusuot babae, kontento na siya sa kung ano ang itsura niya, pero hindi rin naman niya kwinikuwestiyon ang gusto ng iba, ang maging babae na talaga, kanya kanyang trip nga lang daw, walang basagan.
Subalit kahit ano pang ibato sa kanya ng lipunan, mananatili pa rin siyang matatag at gagawin ang kung ano ang nararapat ng walang inaapakang tao. Sisikapin niyang maging makatao, makabayan at makabansa. Teka panunumpa sa watawat na ata 'yon.
Anyway, dapat sana pantay pantay tayo sa mundong ito kaso hindi talaga kahit anong gawin natin. Mabuti pang lumipat na lang ng ibang mundo baka dun pantay pantay ng paniniwala. Ang mga alien kaya may bading din sa kanila?
"Ano ba itong naiisip ko, gutom lang 'to! makapag-almusal na nga!"
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science-FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...