Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)

8.5K 248 2
                                    

"Love is first widening my eyes a little bit and quickening my breathing a little and warming my skin and touching..."

Secretary, A.I Artificial Intelligence

_____

(Abby's Point of View)

Mabilis ang pag-usad ng mga oras sa Xenica. Hindi na niya namamalayan na nagiging kampante at komportable na siya sa pamumuhay dito sa Xenica. Pinag-isipan niyang mabuti matapos ngang manganak siya na mag-stay muna rito hindi niya kayang mawalay sa kanyang mga mumunting anghel maging sa Patrem ng mga ito. Ireready na sana siya sa panibagong psychological remediation para kung sakaling gusto niya nang bumalik sa earth ay handa ang kanyang mentality. Unang tumutol si Philcan sa isiping iyon hindi raw nito makakaya na mawalay sa kanya. Maging siya rin naman lalo pa't pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa at nagkaroon pa sila ngayon ng mga supling. Sa ngayon nga ay nakabitin pa rin ang usaping iyon sa konseho. Wala na rin namang magagawa ang mga ito dahil bahagi na rin naman siya sa pamilya ng mga Alpha. Nasa kanya na raw ang huling desisyon. Babalik naman siya sa earth pero hindi muna sa ngayon. Kapag bumalik siya sa earth isasama niya si Philcan at ang mga anak nila, pwede naman silang mag-stay ng matagal tagal doon tapos balik din dito sa Xenica. Oh diba ang saya! parang nangibang bansa lang, ay! nangibang planeta pala. Isusuggest niya 'yon sa kanyang Patrem Vulcan, hiling niya lang ay payagan siya nito.

Papunta siya ngayon sa training area ng mga beta naroon kasi ang kanyang Philetor. Mukhang nagwawala na naman ito.

"Abby! Ano bang nangyayari kay Philcan? kung gusto niyang makipag-away, huwag sa mga beta ko, may mission pa kami sa mga susunod na deibus," paghihimutok na salubong sa kanya ni Cerus.

Nagkibit balikat lang siya. Sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina marahil ito ang dahilan ng pag-aalburuto nito.

Busy si Abby sa pagkuskos ng kanyang katawan. Nasa bathtub kasi siya ngayon. Nagfefeeling reyna siya ng mga sandaling iyon, talagang nilagyan pa niya ng mga petals ng hindi niya alam na bulalak pero sobrang bango.

Buti hindi naging kulay abo ang tubig dahil sa ginagawa mong pagkuskos sa katawan mo. Hinay-hinay naman 'te, hindi 'yan tubig alat.

Tumahimik ka nga diyan. Kita mong nagrerelax. Istorbo!

Relax na pala ang tawag sa paghihilod. Sosyal sa bathtub pa talaga ginawa.

Blah blah blah. Get lost!

Che!

Naputol ang ginawa niyang pakikipag-usap sa sarili ng pumasok ang kanyang si Philcan sa bathroom. Kanyang si Philcan!? Taray! Hihihi.

"Hmmm.. my kleinos bakit hindi mo naman sinabi na maliligo ka na pala," bigla na lang hinubad nito ang mga saplot at hindi na magkandaugaga sa pagtanggal noon habang mabilis na pumasok sa bathtub.

"Sus, kailangan ko pa bang sabihin sayo,"

"Hindi naman, sungit mo naman, buntis ka na naman siguro,"

Sinipa niya ito, magkaharap kasi sila sa bathtub, "Neknek mo, walang ovum sa male's pouch ko,"

"Palagyan natin ulit," nakangiti ito.

"Ikaw kaya magpalagay, kala mo madali lang ang manganak, nasaan 'yong mga bata?" iniwan niya muna kay Alala at sa mga omega ng kanyang mga anak kanina habang natutulog ang mga ito para nga maligo dahil feeling niya kasi losyang na losyang na siya sa pag-aalaga sa mga bata.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon