Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)

8.9K 263 3
                                    

"What is real? How do you define 'real'? If you're talking about what you can feel, what you can smell, what you can taste and see, then 'real' is simply electrical signals interpreted by your brain,"

Morpheus, Matrix

_____

(Celeste's Point of View)

"Namataan ang isang unidentified flying object sa northern part ng isang rancho sa Roswell, New Mexico sinasabing sasakyan daw ito ng mga extraterrestrial..," biglang napalingon si Celeste ng marinig ang balitang iyon. Lumapit siya sa sala para alamin kung tama ang kanyang hinala.

"Lakasan mo nga," utos niya sa kanyang bunsong kapatid.

"Inaalam pa ng mga awtoridad kung ito nga ba ay totoo o gawa-gawa lamang ng mga taong sadyang malilikot ang imahinasyon, ito po si Kuya Min na nagsasabing mag-aral ng mabuti para hindi tanga, " tapos na ang balita tungkol sa UFO pero hindi pa rin niya inaalis ang mata sa TV.

"Possible kayang..," mahinang usal niya.

"Kailan ka pa nahilig sa mga alien ate?" tanong sa kanya ng kanyang kapatid.

Tiningnan niya ito, "Ngayon lang, ikaw, naniniwala ka ba sa mga alien?"

"Oo naman, may kilala nga ako,"

"Talaga?"

Tumawa ito, "Ano bang nangyayari sa'yo ate, naniniwala ka talaga na may kakilala ako?"

Binatukan niya ito, "Siraulo ka! mag-aral ka na nga, puro ka kalokohan, tama na 'yang panonood mo ng TV,"

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Celeste ang nabalitaan kanina, hindi pa rin siya makatulog. Iniisip niya pa rin kung tama ang kanyang hinala.

"Narito ka na nga ba Abby?" usal niya. Pero kung narito na ito tatawag naman siguro iyon sa kanya. Mahigit isang taon na ang nakakalipas simula ng huli silang magkita ng kanyang matalik na kaibigan. Simula rin noon ay wala na siyang nabalitaan tungkol dito.

Bumangon siya at humarap sa bintana ng kanyang kwarto, pinagmasdan niya ang kalangitan, "Kumusta ka na Abby?" kausap niya sa mga bituin. "Sana okay ka lang diyan sa Xenica,"

Nang umalis ito nangako siyang hinding hindi niya sasabihin ang sekreto nito sa iba. Silang dalawa lang ang nakakaalam sa bagay na iyon. Ang pag-aakala ng tiyahin nito ay nasa ibang bansa na si Abby at nagtatrabaho ro'n, kaya naman natuwa ang mga mukhang pera nang ibalita niya ang bagay na iyon. Sinabi niyang hindi na nakapagpaalam si Abby sa kanila dahil biglaan. Okay lang naman daw basta padalhan sila. Noong una ay nabwusit siya dahil mas iniintindi ng mga ito ang luho kaysa sa kanilang sariling pamangkin. Siya ang nagpapadala sa mga ito buwan buwan, nagulat siya ng maubos na ang perang ipon ni Abby ay bigla na lang nagkalaman ang account nito na nakapangalan sa kanya. Tinanong niya kung saan nanggaling ang deposit, sinabi lang sa kanya na electronic transfer from Bank of America. Nakakapagtaka iyon, may mga alien kayang nandito sa mundo na kilala sila Philcan? Iyon ang bumabagabag sa kanya hanggang ngayon.

Sa malalim na pag-iisip may bigla na lang siyang narinig na kaluskos sa kanyang kwarto. Bumaling siya sa pintuan.

May aninong nakatayo roon. Sisigaw na sana siya ng may tumakip sa kanyang bibig. Nagpumiglas siya pero wala siyang nagawa dahil sa malakas ang lalaking pumipigil sa kanya.

"Easy..easy..," sabi ng isa pang lalaking malapit sa pintuan. "Hindi ka namin sasaktan,"

Bigla siyang kumalma. Dahan-dahang inalis ng lalaking nakahawak sa kanya ang kamay nito.

"Huwag mong tangkaing sumigaw dahil may mangyayaring masama sa iyo at sa pamilya mo,"

Sobrang natatakot na siya. Nanginginig na ang buong katawan niya sa takot. Tahimik na lang siyang nanalangin.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon