Chapter Nine (The Outrageous Alpha)

13.2K 433 3
                                    

"Human, you have two options. You can come with me and survive, or you can join the rest of your race in oblivion, It's your decision,"

Centauri 7, Hunter Prey

_____

Pagmulat ni Abby ay nasa isang tanggapan na siya. Hindi iyon barangay hall kundi isang open space.  Mabilis silang nakapunta sa lugar na iyon dahil sa pagteteleport ni Alican. Pinagmasdan niya ang paligid. Nakatayo sa gitna ng platform na bato ang isang lalaking nakaputi. Nakataas ang dalawang kamay nito, may mga kuryenteng nangagaling doon. Nasa pagitan naman ito ng dalawang lalaking nakaitim na nakafuturistic suit. Habang sa sa gilid ng tatlong lalaki ay naroon naman nakaluhod si Alala. Nahahawakan ng dalawa ring nakaitim na lalaki ang balikat ni Alala. Sa baba ng platform na bato may mga squad din na nakaitim.

"Vulcan! Narito na siya," pahiwatig ni Alican. Nakahawak ito sa balikat niya.

Nagbaba ng tingin ang lalaking nakaputi. Marahil ito si Vulcan. Ang pinuno na sinasabi ni Alala at ang kapatid ni Alican.

Pinagmasdan siya nitong maigi. Magkamukha ito at si Alican pero mas nakakatakot ang anyo nito. Makikita rito ang pagiging isang leader. Sa mga titig nito ay kakabahan ka talaga, makikita kasi rito na kapag hindi mo nasunod ang gusto nito ay wala itong sasantuhin. Mukhang ngang sobrang makapangyarihan ito. After all his the Alpha.

"Earthling, nais kong malaman ang dahilan kung bakit mo ginawa ang bagay na ito," dumagundong ang boses nito na nakapagpanginig sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita bigla na lang siyang napaiyak.

"Magsalita ka!" utos nito ng hindi siya tumugon.

"Vulcan, 'yon ang instinct nila, tayo rin naman gan'on, once na alam natin na nasa panganib tayo unang unang gagawin natin ay tumakas kapag wala tayong laban, hindi ba?" mahinahong sabi ni Alican. Inaalo siya nito sa pamamagitan ng paghagod sa likod. Alam nito talaga kung pa'no ang mga gestures ng tao.

"Akala ko ba ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat," mababakas pa rin ang awtoridad sa boses nito.

"Hindi pa, ang alam niya pa lang ay dinala natin siya rito, pinapagpahinga ko lang muna siya dahil sa alam kong hindi pa siya nakakarecover masyado," paliwanag ulit ni Alican. Mabuti na lang talaga ay nandito ito dahil kung hindi kanina pa siya nagpatiwakal sa sobrang takot.

Matagal bago ulit ito nagsalita, "Palalampasin ko ang lahat ng ito, dalhin sa kulungan ang Vyaktigata Naukarani," nakita niyang itinayo si Alala.

"Sandali, anong gagawin niyo sa kanya?" nilakasan niya na ang kanyang loob kahit hindi niya maaninag masyado ang mga ito dahil sa puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata.

"Parurusahan siya dahil hindi niya nagawa ang kanyang tungkulin," pahayag ni Vulcan.

"Pero wala siyang kasalanan, ako ang nagkusang tumakas," tiningnan niya si Alican. Pero mukhang wala itong magagawa, malungkot itong tumango sa kanya.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan," hindi pa rin ito nagpapatinag.

"Pero..," lumapit siya papunta kay Alala subalit hinarang siya ng dalawang lalaking nakaitim na nagmula sa squad.

Tiningnan niya si Alala. Walang bakas ng anumang pagtutol sa mukha nito mas lalo tuloy siyang nakonsensiya. Nakita niyang may parang kutsilyo na nakasukbit sa tagiliran ng lalaking humarang sa kanya. Mabilis niyang hinugot iyon at itinutok sa leeg niya.

"Kapag hindi niyo siya pinakawalan, hindi niyo ako mapapakinabangan," banta niya.

Nagulat ang lahat, maging si Alican ay mabilis na napalapit sa kanya.

"Lumayo kayo!"

"Abby, stop it!" saway sa kanya ni Alican.

"No! Pakawalan niyo si Alala!" tiningnan niya si Alala, mababakas din sa mukha nito ang pagkagulat.

"Cronus!" tawag ni Vulcan sa lalaking nasa kanan niya. Umiling ang lalaki.

"Pakawalan ang Vyaktigata Naukarani," pahayag ni Vulcan.

Nakahinga siya ng maluwag, mabilis na nagtungo si Alala papunta sa kanya, pero hindi siya nakakasiguro na totoong pinakawalan na nga ito.

"Pa'no ako makakasiguro na pakakawalan n'yo nga siya," nakatutok pa rin sa leeg niya ang kutsilyo.

"Hindi nabubuwag ang salita ng Alpha Abby, okay na, ilayo mo na 'yang cutting blade," mahinahong sabi ni Alican.

Itinapon niya ang kutsilyo, sobrang nanginginig na ang kanyang tuhod kaya napaluhod na lang siya. Maagap na inalalayan siya ni Alala.

"Matapang ka para sa isang maliit na earthling," matamang siyang tinitigan ni Vulcan. Bumaling ito sa lalaking nasa kaliwa.

"Search Unit, Disperse!" pahayag ng lalaki.

Bigla na lang humangin ng malakas at mabilis nagsipagwalaan ang mga lalaking naroon. Nakita niyang tumalon ang mga ito, pero hindi ordinaryong talon iyon dahil ang taas niyon para na ngang lumipad ang mga ito. Natira na lang ay ang dalawang lalaking humarang sa kanya kanina.

"Sila ang magiging bantay ng Apolectus Unum," pahayag ng tinawag na Cronus kanina.

Tumango lang si Alican.

"Vulcan, sa bahay ko na lang muna siya tutuloy," sabi ni Alican.

"Bahala ka, pero kailangan niyang pumunta sa bahay, tayo na!" sabi nito sa dalawang kasama. Matapos ng sinabi nito bigla na ring tumalon ng mataas ang tatlo. Lahi kaya sila ng mga grasshopper?

Naiwan silang apat nila Alican sa lugar na iyon.

Pagdating sa bahay ni Alican, agad siya nitong pinagpahinga sa kwartong nakalaan para sa kanya. Nakaalalay pa rin si Alala sa kanya hanggang sa makapaglinis siya ng katawan at makapagpalit siya ng damit na puti na naman. Wala bang ibang kulay dito?

Nasa labas naman ng pintuan ang dalawang bantay na itinalaga para sa kanya.

"Wala ka na bang ibang kailangan?" tanong sa kanya ni Alala habang nagpeprepare na siya para matulog.

"Wala na, salamat," tugon niya.

"Sige, lalabas na ako,"

"Alala, sandali!" pigil niya rito. Bumaling ito sa kanya, "Patawarin mo ako, nang dahil sa akin napahamak ka pa tuloy, Sorry,"

"Hindi mo kasalanan iyon, nahihiya nga ako saiyo dahil ipinagtanggol mo ako, ngayon lang nangyari iyon, bilang isang omega nagpapasalamat ako sa ginawa mo, nangangako ako simula ngayon iaalay ko ang buhay ko bilang mabuting tagapaglingkod mo," ngayon lang ito nagpahayag ng mahaba.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon, sapat ng buhay ka," niyakap niya ito. Naalala niya dito ang kaibigang si Celeste, kumusta na kaya iyon, namimiss niya na ito. Hinahanap na kaya siya ng kanyang kaibigan.

"Salamat," may butil ng luha na pumatak sa mga mata nito.

"Sige na, magpahinga ka na rin," nginitian niya ito.

"Ikaw din, para may lakas ka bukas, sasabihin na raw ni Alpha Alican lahat ng gusto niyo pong malaman," umalis na ito sa kwarto niya.

Matagal na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya makatulog, bukas ay malalaman na niya kung ano talaga ang kailangan ng mga ito sa kanya. At may isa pang bumabagabag sa kanya, ang lalaking tumulong sa kanya sa gubat. Binalikan kaya siya nito? Naalala niya na muntikan na silang maghalikan kung hindi lang kumidlat. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Napangiti siya hanggang sa dinalaw na siya ng antok na inaalala ang gwapong mukha ng lalaki.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon