"I admire its purity. A survivor … unclouded by conscience, remorse, or delusions of morality."
Ash, Alien (1979)
_____"Let's conserve and protect our environment, to preserve our nature always remember the things that we discussed. Let us make mother earth a better place to live in, Okay po!" nagpalakpakan ang mga kasali sa seminar na ginawa nila matapos marinig ang huling sinabi ng kanilang guest speaker.
Mapapansin ang paglapit ng organizer sa stage, mukhang may sasabihin, "Once again a round of applause to our beautiful guest speaker Ms. Go," palakpakan ulit," Thank you Ms. Go for inspiring us, Okay guys! ihanda niyo na ang mga itatanim natin para sa ating gives back to nature campaign, enjoy!" nagkanya-kanya na ng alisan ang mga tao sa naturang hall na pinagdausan ng seminar at pumunta na sa maliit na garden sa lugar na iyon.
Nakasunod lamang siya sa kung anong gagawin ng mga participants, isa rin kasi siyang member ng grupo na nag-organized ng seminar na iyon.
Nakarating sila sa maliit na garden, napakaganda talagang pagmasdan ang mga luntiang halaman, nakakawala ng pagod. Nabasag ang kanyang pagkawala sa sarili ng may marinig na nagdidiskusiyon patungkol sa mga halaman. Mukhang mga participants ang mga ito.
"Zion, hindi nga 'yan euphorus, iba ang tangkay ng mga iyon," sa tanan ng buhay niya wala pa siyang naririnig na ganung halaman, saka eggplant kaya ang nasa harap ng mga ito.
"Tayo'y kumuha ng bahagi nito Cerus, mukhang kakaiba ang pagkakabuo ng halaman na ito, masisiyahan nito si Alican,"
Ang weweird naman ng mga pangalan ng mga ito. Mga mukhang alien, pero kailangan niyang pigilan ang masamang balak ng dalawang lalaking nakatalikod sa kanya.
"Ahm. Excuse," untag niya sa dalawa.
Bumaling ang mga ito ng dahan-dahan muntik na siyang mapatili sa nakita. Kay gagwapo naman ng mga ito, nasa heaven na ba siya? Hindi naman pala alien ang mga ito parang mga model lang sa sobrang gagwapo.
"Yes?" nakangiting sabi ng tinawag na Cerus kanina, maaliwalas ang gwapong mukha nito, parang ang sarap lang kurutin. Napakakinis mukhang walang pores. Ang puti-puti pa ng kutis nito saktong sakto sa perfect na katawan.
"Anong maipaglilingkod namin?" tanong naman ng kasama nito na ang pangalan ay Zion, hindi rin pahuhuli ang isang ito, may morenong balat na mukhang brazilian model. Perpekto rin ang mukha.
"Manong?"
Muntik na niyang hambalusin ng hawak na chart board ang walang pakundangang Cerus na ito. Tawagin daw ba siyang manong? Gan'on na ba siya katanda? Porke ba't mga gwapo sila. Inayos niya ang kanyang postura.
"Mga sir, ipinagbabawal kasi namin dito ang anumang pangunguha ng halaman ng walang pahintulot kung gusto niyo pong kumuha ng talong, magpaalam po kayo," paliwanag niya.
Tumayo ang dalawa, sa ginawa ng mga ito ay gusto niyang magpapicture at magselfie kasama ang mga ito. Ang tatangkad din nila, mas matangkad si Zion ng kaunti kay Cerus samantalang hanggang balikat lang siya ni Zion.
"Pasensiya na kami'y nawili lang, ipagpatawad mo sana ang aming kapangahasan," yumuko pa ito.
Ano raw? Makata ba ito? Napakunot siya ng noo.
"Ah, ang ibig niyang sabihin, we're very sorry for our action," nakangiti itong umakbay kay Zion.
Anong akala ng Cerus na ito, hindi siya marunong umintindi ng malalim na tagalog kaya in-english niyon. Hindi ba nito alam na mas mahirap ngang intindihin ang english. Nakatingin pa rin siya sa dalawa.
"Okay," mayamaya ay sabi niya.
Tumalikod na siya sa dalawang weirdo na gwapong lalaki. Samantala mukhang naguguluhan pa rin ang dalawa sa kanyang inasal.
"Ang mga tao talaga ay sobrang weweird, katulad ng isang iyon," sabi ni Cerus.
"Weird?"
"Zion naman, mag-adjust ka na nga at mag-adapt sa environment ng mga tao, ikaw pa itong nagsabi na makibagay tayo, hindi mo naman ginagawa, weird, yung hindi mo magets, gets mo? do your homework kasi, bro"
"Hindi kita maunawaan,"
"Ah basta, mukhang ito na ang umpisa ng mahirap na parte ng misyon natin, mukhang nakilala niya na tayo,"
"At sa aking palagay lahat ng nandito ay kilala na tayo, pagmasdan mo ang paligid, lahat ng mga tinatawag nilang babae ay karamihan nakatingin sa atin simula pa kanina, alam na ba nila na hindi tayo kabilang sa lugar na ito, kailangan nating mag-ingat Cerus," may pag-aalinlangang sabi nito.
"Relax bro, ngumiti ka lang, hindi nila alam 'yon, may gusto lang sila sa atin, napakagandang lalaki kaya natin, sabi sa nabasa ko ang mga tao raw ay madaling maakit sa panlabas na anyo, hindi ko alam kung anong anyo ang tinutukoy nila," sa dami ng sinabi ni Cerus, isa lang ang naunawaan ni Zion, gusto.
"Gusto? Ngunit paano mangyayari na gusto nila tayo? Ako'y walang maramdaman na humihilang pwersa sa akin papunta sa isa man sa kanila, hindi ba't gan'on tayo sa Xenica kapag ating nalaman na pinagkaisa ang ating mga katawan, walang makakapigil sa pwersang iyon," pagtataka nito.
"Kaya nga weird sila bro, halika na nga, magtanim na lang ulit tayo,"
"Kailangan na nating makuha ang DNA ni Abby, mukhang ika'y nakakalimot dahil nagsasaya ka sa iyong ginagawa," paalala nito sa kasamang mukhang nag-eenjoy sa pagtatanim.
"Makukuha rin natin 'yon sa next chapter," ngumiti ito.
"Next chapter?"
Nagkamot ito sa ulo, " Next chapter, susunod na pangyayari na inukit sa atin ng tadhana,"
"Paano kung kasalungkat ang inukit ng tadhana, hindi natin makuha, kailangang kumilos na tayo, huwag nating libangin ang ating sarili sa kung ano ang nakikita sa paligid,"
"Napakanega mo naman," naglakad ito paalis ng garden.
"Saan ang iyong punta?" usisa ni Zion.
"Hahanapin ko ang tadhana at ipapaukit ko na magtatagumpay tayo sa misyong ito,"
Nakasunod na lamang ang mga mata ni Zion habang naglalakad si Cerus paalis sa lugar na kanina'y kinamanghaan ng una.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...