Chapter Forty-Four (Round One)

8K 209 5
                                    

"Make love to me. Make me make love to you."

Maria, Code 46

_____

(Abby's Point of View)

"Kumusta?" bati niya kay Philcan ng sumandig ito sa headboard ng kama. Katatapos lang magpalit nito ng damit pantulog at ngayon nga ay magpapahinga na sila. Maghapon itong busy dahil na nga sa naging kaganapan kaninang umaga.

Hinawakan nito ang kanyang kamay, "So far, everything is stable for now, nakita namin sa surveillance camera ang lalaking lumapit sa'yo, lumabas siya sa banyo mga ilang sandali bago kayo nakaalis," pinahilig siya  nito sa dibdib at sinuklay suklay ng kamay nito ang buhok niya.

Hinalikan siya nito sa ulo, "I'm so mad at myself that I couldn't protect you, I could almost lose you, I'm sorry, I'm really sorry," naramdaman niya ang mahigpit na yakap nito.

"Hey," tumingin siya sa mga mata nito. Nakita niya ang lungkot doon, hinawakan niya ang mukha nito, "Hindi mo kasalanan, don't be hard on yourself, okay, everything will be alright," tumango ito pero malungkot pa rin ang mukha nito.

"I love you," senserong sabi nito.

"I love you too," senserong tugon niya naman.

Hinalikan siya nito sa mga labi, napawi ng mga halik nito ang lahat ng pag-aalala at pangamba niya. Alam niyang kapag nasa tabi niya lang si Philcan malalampasan nila ang kinakaharap nilang pagsubok. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para lumaban. Ito ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa para magpatuloy. Ipaparamdam niya rin kay Philcan na kahit anong mangyari ay hindi niya ito iiwan.

"Matulog na tayo," sabi niya matapos ang halik.

Yumakap ito sa kanya at inipit nito ang katawan niya ng mga binti nito. Ganito ang nagiging posisyon nila sa tuwing may malalim itong iniisip o di naman ay may tampo siya rito.

"Kleinos," nahimigan niya ang makahulugang tawag nito. Alam na niya ang nais nito.

"Oh?" kunwari ay inosente siya.

"Isang round lang, promise hindi ako hihirit ng ilang round, gusto ko lang ibalik ang peace of mind ko,"

"Okay,"

"Ayos!"

"Huwag ka ngang maingay baka magising ang mga bata," tumingin siya sa dulong bahagi ng kama. Naroon kasi ang sleek aerodynamic sleep pod ng tatlo nilang anak. Tulog na tulog ang mga ito.

"Sorry, bilisan na natin para makarami," nakangisi ito.

"Anong makarami! Sabi mo isa lang!" mahinang sabi niya at hinampas ang braso nito.

"Ikaw naman love, hindi na mabiro!"

Dali-dali siya nitong sinunggaban at pinagtatanggal ang kanyang mga saplot kasabay ng pagtanggal ng mga saplot din nito.

"Huwag kang maingay! Hinaan mo lang ang boses mo!"

"Opo, ikaw nga ang humahalinghing diyan eh!"

"Anong ako! itigil na natin 'to!"

"Joke! I love you!"

Nasa kalagitnaan na sila ng biglang umiyak ang isa nilang anak. May palagay siyang si Lorcan iyon.

"Hugutin mo na," utos niya kay Philcan.

"Huh?"

"Anong huh? Hindi mo ba narinig umiiyak si Lorcan," nakita niyang nagkamot ito sa ulo.

"And'on na eh!"

"Alisin mo na!" sunod-sunod na ang iyak ni Lorcan. Magigising na nito ang mga kapatid.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon