"If we have souls, they're made of the love we share. Undimmed by time, unbound by death,"
Jack Harper, Oblivion (2013)
_____
Pagbaba ng pagbaba nila sa lupa at ng maramdaman na ng munting nilalang na nakayakap sa kanya na nakatapak na ang paa nito sa lupa bigla na lang siya nitong sinugod at pinagpapalo.
"Siraulo ka! Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos!" pinigil niya ang kamay nito. Hinawakan niya muli iyon. Masarap sa pakiramdam na hawak ang kamay nito. Nakakarelax.
"Saan mo ba talaga kami dadalhin?! Kung gusto mo palang mamasyal dapat sa mall tayo pumunta! Nasa gubat na naman tayo, sawang-sawa na ako sa gubat! although maganda ang gubat ninyo rito kaysa sa planeta namin! pero hindi ko feel mamasyal ngayon sa gubat, mayr'on ba kayong mall dito? Naturingan pa namang napaka-advance ninyo sa technology pero..!"
"Please shut up!" sigaw niya. Hindi pa nga sila nakakatagal sa lupa ang dami ng nasabi nito. Ganito ba talaga ito? So annoying.
Natigil ito kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hila-hila niya na naman ito.
"Alala, wala ba kayong mall dito?"
"Ano po 'yon?"
"Ano, ahm..building 'yon na malaki tapos marami kang mabibili d'on, pwede kang manood ng movie, teka may mga movie ba kayo rito?"
"Ano po ulit 'yon?"
"Napapanood 'yon sa tv, ang lalaki pa naman ng flat screen niyo rito, sarap lang manood dito ng movie, kaso mukhang wala kayong movie rito, marami nga akong napapanood na mga alien d'on parang tulad niyo,"
"Talaga po?"
"Oo, alam mo ba, ibang iba ang alien sa movie namin, hindi nga ako makapaniwala..." hindi na nito naituloy ang mga sasabihin dahil idinikit niya na ang kanyang mga labi sa labi nito. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Matagal ang pagkakadikit ng mga labi nila. Pareho silang nakatitig sa isa't isa. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito samantalang siya naman ay naging blangko ang isip. Iba sa pakiramdam ang labi nito na nakadikit sa labi niya, mas masarap kaysa sa pagyakap nito. Kusa na sanang gagalaw ang mga labi niya kaso bigla nitong inalis ang mga labi. Nakita rin niya ang pamumula ng pisngi nito.
Matapos ng ginawa niyang iyon, hindi na muli itong nagsalita. Good. Ngayon alam niya na kung pa'no ito patatahimikin kapag maingay. Two points. Advantage ng pagiging Alpha. Hum. Ha.
Pero siya naman ang hindi nakatiis, nabibingi na siya sa katahimikan tanging naririnig niya na lang ay mga yabag nila at mga tunog sa paligid. Pasimple nitong inaalis ang kamay na nahahawakan niya pero hindi niya hinahayaan 'yon mas lalo niya pang hinihigpitan, pinagsalikop na nga niya ang kanilang mga daliri para hindi na nito mabawi.
"Bakit hindi ka na nagkukwento?" hindi na niya natiis magtanong.
"Tinatamad na ako, gusto ko na sanang bumalik sa bahay ni Alican, napapagod na kasi ako," nakayukong sabi nito, nahimigan niya ang lungkot sa sinabi nito.
"Anong problema?" usisa niya.
"Wala, napapagod lang ako," pag-iiwas nito.
"Okay, sa susunod na lang natin ituloy ang pamamasyal," subalit bago pa man sila makabalik naramdaman niya na nag-iba ang wind temperature.
Agad niyang in-alerto ang Omega, "Bantayan mo ang Apolectus Unum," tumango naman ito.
"Anong nangyayari?" tanong nito.
"Dito lang kayo,"
Mabilis niyang tiningnan ang pinanggalingan ng pagbabago ng temperatura sa hangin. Impossibleng magkaroon ng ferus sa parteng ito ng gubat. Kabisado niya na ang pasikot sikot sa parteng ito kaya nga dadalhin niya sana ang munting nilalang sa isang talon subalit mukhang napagod agad ito dahil hindi ito sanay lumipad.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...