"I realized science couldn't answer any of the really interesting questions. So, I turned to philosophy. I've been searching for God ever since. Who knows, I may pick up a rock and it'll say underneath, "Made by God." The universe is full of surprises."
Chantilas, Red Planet
_____
(Abby's point of view and cross over point of view of Cerus)
"Bulaga! A-chu-chu-chu achuchuchu, ali-gun-ching gun-ching, ang baby, ang baby, Me-yaw, Me-yaw!" naririnig ni Abby ang boses ni Cerus sa may sala habang pababa siya ng mga oras na iyon.
Parang may party sa sala nila Philcan ngayon, marami kasing nagkakatipon-tipon. Naroon ang mga kaibigan nitong sina Cerus at Zion. Naroon din ang tatlong vyaktigata naukara ng kanyang mga anak at syempre ang kanyang omega na si Alala. Nagtaka rin siya dahil naroon ang kakambal nito, mukhang kasama ni Cerus si Vlex. Tahimik lang itong nakatayo sa gilid ng sala habang katabi nito ang mga omega ng kanyang mga anak at si Alala.
"Itigil mo nga 'yan Cerus, kapag umiyak ang anak ko, sisipain kita palabas ng bahay!" pagsisimula ni Philcan. Nasa harap ito ng sleek aerodynamic sleep pod ni Lorcan o sa madaling salita crib sa earth.
"Ano bang masama sa ginagawa ko, ngumingiti nga si Arccan, A-chu-chu-chu, achuchuchu, bulaga!" pambubulaga na naman nito kay Arccan.
Si Zion naman ay nahahawakan ang daliri nito ni Gilcan. Mukhang nagkaroon na ng mga sariling favorite ang kanyang mga anak. Napapangiti si Zion sa ginagawang paghawak ni Gilcan sa hintuturo nito. Himala ngumingiti ito, nakakadala talaga ang mga sanggol kahit na nga once in a blue moon lang kung ngumiti si Zion.
Lumapit siya kay Philcan, "Mukhang gising na ang mga baby ko," hinawakan siya ni Philcan sa baywang para ilapit ang kanyang kawatan dito.
"Eto kasing si Cerus, ang ingay-ingay, nagising tuloy," baling nito kay Cerus.
"May masisi lang talaga," humarap ulit ito kay Arccan, "Baby, h'wag kang gagaya sa pangit na ugali ng Patrem mo, bawas pogi points iyon, ali-gun-ching gun-ching bulaga!" ngumiti ang kanyang anak.
Tumawa naman siya sa tinuran ni Cerus, "Maiwan ko na muna kayo rito, Alala," lumapit si Alala sa kanya.
"Ikaw na munang bahala rito, sabihan mo agad ako kapag may problema ha, wala kasi akong tiwala rito sa Patrem nila," nginitian niya si Philcan. Nag-pout lang ito. Tumango naman si Alala. Pupunta kasi siya sa sector Shi mamimili siya ng mga libro. Wala na siyang mabasa kahit na nga puro informative ang mga libro sa Xenica pinagtiya-tiyagaan niya na rin.
Humarap siya sa kanyang tatlong anak, "Mga baby ko, alis lang muna saglit si daddy, may bibilhin lang ako, sandali lang si daddy, si Patrem muna ang magbabantay sa inyo saka sila Patruus Cerus at Patruus Zion, love you," hinalikan niya isa-isa ang mga anak at hinarap ang tatlong lalaking nakatunghay sa kanya.
"Kayong tatlo, huwag kayong makulit, bantayan niyo ng mabuti ang mga baby ko,"
"Sila lamang ang makulit Abby," itinuro nito ang dalawang makatabi sabay namang tumingin si Philcan at Cerus kay Zion.
"Oo nga 'no, kayong dalawa, itigil niyo muna ang pagbabangayan, baka manahin ng mga anak ko 'yon, baka tumanda pa ako ng maaga,"
"Whatever!" si Cerus iyon.
"Be sure to come back early okay," niyakap siya ni Philcan at hinalikan sa noo. Nakita niya si Vlex na nakatingin sa kanila.
"Vlex, right?"
Yumuko ito, "Opo,"
"Halika samahan mo ako, magshopping tayo,"
"Shopping?" nakakunot ang noo ni Philcan na tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Fiksi IlmiahSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...