Chapter Eleven (A Mess Mind)

13.2K 427 4
                                    

"Love is the one thing we're capable of perceiving that transcends time and space,"

Brand, Interstellar (2014)

_____

(Philcan's Point of View) *Para sa ikauunawa ng lahat minabuting isalin sa akmang salita ang mga pinagsasasabi ni Philcan dahil wala namang translator device na nakadikit sa kanya, katulad ng ginawa ng may akda sa prologue, nais ding ipaalam ng may akda na bago niya mapilit si Philcan na magPOV, nakatanggap muna siya ng sandamukal na pagbabanta*

Hindi makatulog si Philcan. Naaalala pa rin kasi niya ang lalaking may maamong mukha na nakita sa gubat kanina.

Tumakas siya kanina dahil ipapakilala na raw sa kanya ang Apolectus Unum, ang magdadala ng magiging anak niya. Nang malaman niyang may kinuha sa earth na isang nilalang para maging carrier dahil nagmatch daw ang mga DNA nila bigla siyang nag-alsabalutan. Matagal na siyang tutol sa kagustuhan ng kanyang ama. Alam niyang pagiging makasarili ang kanyang gagawin dahil siya lang ang makakapagpunla ng bagong Xenica. Pero hindi rin ba naisip ng mga ito ang kanyang nararamdaman. Hindi niya kayang manggamit ng nilalang sa earth o maging sinuman para lang masunod ang gusto ng mga ito. Nakakakonsensiya iyon lalo na kung labag din sa loob ng magiging Apolectus Unum.

Ngunit hindi ito maunawaan ng kanyang ama, gusto nitong ipilit ang bagay na mahirap para sa kanya. Wala siyang magawa dahil utos iyon ng Alpha at kapag inutos ng Alpha hindi mo pwedeng buwagin. Subalit dahil sa isa siyang anak ng Alpha, binabalewala niya lang ang mga sinasabi nito. Kaya nga minsan natitikman niya ang galit ng kanyang ama.

Dumapa siya ng higa pero mayamaya ay tumihaya rin, isinuklay niya ang kamay sa buhok, "Shit!" hindi pa rin mawala sa isip niya ang maamong mukha ng lalaki. Nasaan na kaya ito? Bakit hindi siya nito hinintay? Ayaw tuloy siyang patahimikin ng kanyang konsensiya. Naaalala niya kasi ang takot sa mga mata nito. Bakit gan'on na lang ang nararamdaman niya dapat wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa munting lalaki. Pero bakit hindi niya maiwasan.

"Stop thinking about him!" kausap niya sa sarili. "Ano naman kung hindi ka makaganti dahil nasira nito ang mga plano mong tumakas,". Naalala na naman niya ang napurnadang plano.

"Pa'no kaya nalaman ni Patrem na balak kong tumakas hindi niya ba talaga maintindihan na hindi pa ako handa sa mga bagay na gusto n'yang mangyari," mabilis siyang tumatakbo patungo sa gitna ng kagubatan, ililigaw niya ang mga beta para mabalikan agad ang munting lalaking naghihintay sa kanya malapit sa lawa.

Lumipad siya at nagtago sa taas ng puno. Sunod-sunod pa rin ang pagtapon ng mga kidlat, alam niyang sobrang galit na galit na ang kanyang ama sa mga oras na ito. Babalik naman siya sa bahay nila, magpapalipas lang naman siya ng ilang diebus, kailangan niyang lang mag-isip. Kailangan ba talagang ipahanap siya? Gan'on ba ka importanteng makilala ang Apolectus Unum.

Alam niyang magagaling ang searching team na binubuo ng mga skilled beta, dapat dobleng ingat ang kailangan niyang gawin. Nakita niya ang mga liwanag ng searching device na ginagamit ng mga ito. Kung p'wede nga lang niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Sinunog na niya ang bahaging ito ng gubat pero magagaling ang mga beta kaya may palagay siyang matatakasan ng mga ito iyon.

"Copy that," narinig niyang may nagsalita sa baba.

"Unit! nasa lawa raw, let's go," bigla siyang kinabahan sa narinig. Lawa?! Doon niya iniwan ang munting lalaki, makikita ito ng mga beta.

Maririnig ang mabibilis na tunog ng pagtalon, mukhang tatalon na ng mataas ang mga beta papunta sa lawa, isang ability ng lahat ng beta at maging alpha ang tumalon ng napakataas na animo'y lumilipad. Mabilis na makakarating ang mga ito sa lawa. Kailangan niyang magmadali.

Sinundan niya ang mga beta mabuti na lang ay kaya niyang lumipad. Isa sa tatlong kapangyarihan niya ay hangin. Isa siyang Nativus o may kakayahang kontrolin ang mga elemento. Kagaya ng kanyang ama lahat ng alpha ay may tatlong kakayahan.

Mabilis na nakarating sa lawa ang mga beta.

Pero hindi rin nagtagal ang mga ito, hindi niya alam kung anong nangyayari pero wala na siyang balak na alamin iyon dahil kailangan niyang puntahan ang munting lalaking iniwan niya kanina. Hindi niya alam kung bakit sa unang pagkikita nila ay may kung ano siyang naramdaman ng tumitig ito sa kanyang mga mata. Aalamin niya kung sino ito at kung ano ang ginagawa nito sa gubat.

Mabilis siyang bumaba at hinanap ang munting lalaki.

"Peregrinus!" tawag niya. Walang sagot.

"Peregrinus! sumagot ka! Nasaan ka!" wala pa ring sagot.

Nakita ba ito ng mga beta, pero hindi maaari magkasunod lang sila ng mga beta at hindi niya nakita na may kasama ang mga ito.

"Munting lalaki! Sumagot ka!" tawag niya ulit. Iniwan ba siya nito? Diba sabi niya babalik naman siya, wala ba itong tiwala sa kanya. Ito pa mismo ang nagsabing hihintayin siya nito. Naniwala naman siya dahil nakita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. 'Yon pala'y kasinungalingan lamang.

"Humanda ka sa akin kapag nagkita tayong muli!" dahil sa sobrang inis bumalik na lang siya sa bahay nila. Haharapin niya na lang ang galit ng kanyang ama.

Subalit ng marating niya ang kanilang bahay ay wala pa d'on ang kanyang ama. Hinahanap pa rin kaya siya ng mga ito. Magkukulong na lang siya sa kanyang kwarto.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinagagalitan ng kanyang ama. Hinihintay niyang pumasok ito sa kanyang kwarto nang nalaman niyang dumating na ito pero hindi nangyari. Hinayaan niya na lang. Bukas niya na lang haharapin ang galit nito.

Mas bumabagabag sa kanya ngayon ang munting lalaking may maamong mukha. Ngayon lang kasi may kakaibang atraksiyon siyang naramdaman sa buong buhay ng pagiging Xygus. Alam niya naman ang tinatawag na 'gusto ng tadhana' sa buhay ng isang Xygus. Iyon ang pagsasama ng dalawang pinaglapit ng pwersang bumabalot sa sangkalawakan katulad ng kanyang ama at ina. Iyon kaya ang naramdaman niya? Impossible.

"Grrr..please leave my head alone!"

Concentrate. Concentrate. Relax. Close your mind. Iyon ang kanyang ginawa hanggang sa makatulog siya.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon