"What is the most resilient parasite? Bacteria? A virus? An intestinal worm? An idea. Resilient... highly contagious. Once an idea has taken hold of the brain it's almost impossible to eradicate. An idea that is fully formed- fully understood- that sticks; right in there somewhere,"
Cobb, Inception
_____
(Cerus' Point of View)
"Hindi kita parurusahan hindi ako gan'on," napapalatak na lang siya. Nakayuko lang sa harap niya si Vlex. "Bakit ka kasi sumunod dito? Diba sabi ko sa'yo doon ka lang sa Uttara, napakatigas talaga ng ulo mo, hindi mo talaga ako sinusunod, hay ano bang gagawin ko sa'yo? sumasakit ang ulo ko sa'yo!"
"Patawad Summus,"
"Cerus, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tawagin mo ako sa pangalan ko, hindi ako ang amo mo, naku naman!" ginulo niya ang buhok nito.
"Pa'no mo pala ako nahanap dito sa Daksina?" nagtataka siya dahil malaki ang lugar na iyon at mahirap siyang hagilapin. Ipinakita nito ang bangle locator na suot nito, iyon ang ibinigay niya rito para kung sakaling may iuutos siya ay madali niya itong mahanap or vice versa.
"Naka-off ang bangle locator ko," sinadya niya iyon para hindi siya matrack ng kahit na anong searching device.
"Kahit naka-off 'yan, basta nakaconnect sa'yo mahahanap kita," kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya na inusisa kung papaano nito nagawa iyon. Aalamin niya na lang sa sarili niyang paraan. May hinala siyang nireformat nito iyon.
"You always impress me with your talent and witty thoughts," ikinubli nito ang mukha. Nahiya ata sa mga pasaring niya.
"Summus, enough of your ambiguous remark, may mas malaki tayong problema ngayon,"
Oo nga pala, nawala na naman siya sa konsentrasyon, masyado na naman siyang nawili sa pakikipag-usap dito, biglang bumalik ang lahat ng atensiyon niya sa problemang kinakaharap nila.
"So, anong sasabihin mo sa akin? Sinundan mo pa talaga ako rito,"
ILANG oras bago ang pagkikita ni Cerus at Vlex.
"Patrem, kailangan kong bumalik sa Daksina para kumalap pa ng impormasyon, ngayong alam na natin na may nagkokontrol sa mga Akkorokamui aalamin ko kung sino ang gumagawa n'on," pagpapaliwanag niya sa kanyang ama.
"Subalit mapanganib ang gagawin mo, ayaw mo pang magdala ng back-up," hindi niya pa rin mapapayag ang kanyang ama.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, alam kong nag-aalala ka pero trabaho kong protektahan ang Uttara sa anumang banta,"
"Nand'on na ako, kahit man lang magdala ka ng mga beta, dalhin mo 'yong unit mo,"
"Kapag ginawa ko iyon, mahahalata tayo, tulad ng naunang mission, kailangan palihim nating gawin ang pag-iimbestiga, hindi natin sigurado na nasa labas nga ng Uttara ang kumokontrol sa monstrum, ikaw na rin ang may sabi na baka may mata sila rito sa loob, Patrem huwag kang mag-alala kaya kong protektahan ang sarili ko, h'wag kayong mag-alala,"
Umiling ito, "Hindi mo alam kung ilan ang kalaban na naghihintay sa'yo, bulag kang pupunta sa gitna ng guerra,"
"Patrem, baka nakakalimutan mo kaya nga tayo ang nakatalaga sa special unit ng Uttara dahil sa kakayahan natin, mabilis ko lang matatakasan sila kahit ilang monstrum pa iyon,"
"Hindi ko alam kung papayag si Vulcan sa bagay na ito,"
"Diba inatasan niya kayo na imbestigahan at alamin ang tungkol sa kung sino man ang kumokontrol sa mga Akkorokamui,"
"Bahala ka," mukhang sumuko na rin ito.
"Don't worry Patrem, I can handle this and by the way, magtalaga ka pa rin ng unit na mag-iimbestiga para mabaling doon ang atensiyon nang kung mayroon mang mata rito sa loob, subalit mauuna na akong mag-imbestiga, tayo lang nila Alpha Alican ang nakakaalam sa bagay na ito,"
Mukhang napilit niya na rin ito base sa mukha nito ngayon, "Be sure to contact me, and if you sense strange thing try to avoid it first," paalala sa kanya ng kanyang Patrem. Tumayo na ito.
Tumayo na rin siya at sumabay sa paglabas sa tanggapan nito, "Okay, I'll bear that in mind,"
"Alam ba ito ni Philcan at Zion?" bumaling ito sa kanya.
"Hindi, huwag na natin silang abalahin, marami rin silang ginagawa, abala si Philcan dahil kapapanganak pa lang ni Abby, si Zion naman ay abala sa pagmomonitor ng seguridad sa Uttara, lalo ngayon na mas hinigpitan ang seguridad,"
Napabuntong hininga na lang ito bago lumabas sa tanggapan. Napatigil ito ng may mapansin na may nakatayong Xygus sa labas ng Officium.
"Anong ginagawa ng isang omega rito?" tanong nito sa may awtoridad na tono.
Nakita niya ang panginginig ni Vlex.
"Pinapunta ko siya rito para ibigay sa akin lahat ng impormasyon sa Akkorokamui, isa siyang researcher sa research and scientific study department," sagot niya sa katanungan ng kanyang ama.
Hindi na tumugon ang kanyang ama nagmadali na itong umalis sa tanggapan nito sa headquarter.
Bumaling siya sa nakayukong si Vlex.
"Anong sabi ni Dominus Alican?"
"Mapanganib ang gagawin mo," hindi nito sinagot ang tanong niya. Mukhang narinig nito ang pag-uusap nila ng kanyang ama. Bakit gan'on sound proof ang tanggapan ah?
"Sinabi sa akin ni Alpha Alican," sagot nito sa tanong niya sa isip. Si Dominus talaga masyadong madaldal, sinabi na ngang secret lang iyon, pero may palagay siyang sinadya iyon ng kanyang Dominus.
"Summus," tumingin ito sa kanyang mga mata.
Nginitian niya ito, "Ano nga 'yong parati kong sinasabi sa'yo?" hinawakan niya ito sa balikat.
"Hakuna Matata,"
"Yown! So, sasagutin mo na ba ang nauna kong tanong?"
Umayos na ito at seryosong tumingin ulit sa kanyang mga mata, "Naisend ko na lahat ng information ng Akkorokamui sa bionic silkworm tablet mo, pinapasabi lang ni Alpha Alican na mag-iingat ka sa Daksina, malakas ang pakiramdam ni Alpha Alican na may mga nabubuhay pang mga Xygus sa timog na bahagi ng Xenica, ipinagtataka lang niya eh kung bakit nagtago ang mga ito sa loob ng mahabang panahon, inaalam pa ng research team ang lahat ng detalye, hanggang ngayon ay hindi pa buo ang puzzle of information namin," mahabang paliwanag nito.
"Good, salamat, bumalik ka na sa department niyo at ipagpatuloy ang paghahanap sa mga katanungan natin, ako naman susubukan kong tuklasin ang lihim ng mga nagtatagong Xygus sa abot ng aking makakaya," tatalikod na sana siya pero hindi pa rin kumikilos si Vlex.
"Pero Summus...,"
"Huwag ka ng humirit, sige na," pinatalikod niya na ito at itinulak ng marahan.
"Mag-iingat po kayo,"
"Okay, Gratia!"
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...