Chapter Forty-Five (Recrudescence)

7.7K 204 5
                                    

(Someone's Point of View)

During the Battle of White and Red.

"Filius, natalo ang Patrem mo sa digmaan," malungkot na balita sa kanya ng kanyang mater. Nasa secure facility cube sila kung saan naroon ang mga babae, matatanda at mga bata na wala pang kakayahan at wala nang kakayahang lumaban sa digmaan.

Bigla na lang tumigil ang kanyang sistema sa narinig. Alam niyang wala na ang kanyang Patrem. Hindi lang kayang sabihin ng kanyang Mater ang bagay na iyon sa kanya subalit nauunawaan niya ang lungkot sa mga mata nito. Kung may kakayahan lamang siya ngayon para lumaban ay gagawin niya para maipaghiganti ang kanyang Patrem ngunit masyado pa siyang bata para magawa iyon.

Mabilis ang pagkilos ng kanyang Mater, binibihisan siya nito ng katulad ng sa mga Omega, ano ang nais nitong mangyari?

"May palagay akong papunta na rito ang mga Sapheda, kailangang tumakas ka," hindi niya ito maintindihan, ano ang gusto nitong mangyari. Kung papunta na rito ang mga sapheda malukod nilang tatanggapin ang kanilang pagkatalo. Magpapakumbaba sila at kung papatayin man sila ng mga ito ay malukod din nilang tatanggapin.

"Tumakas ka, darating ang panahon, maipaghihiganti mo rin kami ng iyong Patrem, kunin mo ang mga data na ito," may ibinigay ito sa kanyang isang kwentas na may micro chip sa loob ng locket. "Nariyan ang lahat ng p'wede mong malaman tungkol sa mga unfinished experiment ng iyong Patrem, darating ang sandali mauunawaan mo rin ang lahat ng iyan, tandaan mo mahal na mahal ka namin ng iyong Patrem," niyakap siya ng kanyang Mater ng mahigpit.

Mabilis siya nitong inalalayan papunta sa sasakyan na magdadala sa hindi niya alam na lokasyon, "Sa takdang panahon, ipaghiganti mo kami ng iyong Patrem at ang lahat ng alyansa natin, sa ngayon ay nanaig sila pero darating ang panahon na ikaw ang magpapabagsak sa mga Sapheda, patawad anak sa gagawin kong ito pero ito lang ang paraan para hindi ka makilala ng mga Sapheda," pagkatapos ng mga sinabi ng kanyang ina ay inilabas nito ang isang cutting blade at binulag siya. Sumigaw siya sa sobrang sakit pero hindi matutumbasan noon ang sakit na dulot ng pagkawalay niya sa kanyang Mater at ang pagkamatay ng kanyang Patrem.

Nakaalis siya sa lugar na iyon na hindi alam kung saan tutungo. Bumagsak ang kanyang sinasakyan sa isang lugar, hindi niya iyon maaninag. Umiyak siya ng umiyak ngunit hindi luha ang lumalabas sa kanyang mga mata kundi dugo.

"Pion!, madali ka! may isang batang omega!" anang tinig.

"Anong..,"

"Tulungan natin siya, duguan siya Pion mukhang nadamay siya sa digmaan! Madali ka!"

After the Battle of White and Red.

Doon nagsimula ang kanyang bagong buhay. Pinalaki siya ng dalawang 'destined soul' na mga omega at itinuring siya nitong parang tunay na anak. Lumaki siyang malayo ang loob sa lahat ng mga Xygus. Dahil sa kanyang kondisyon sinikap niyang matuto ng walang paningin. Pinag-aralan niyang maging bihasa kahit wala siyang nakikita.

Sumukbo ang kanyang galit ng malaman niya ang ginawang pagpatay ng mga Sapheda sa mga walang kalaban laban na mga Xygus, nakabilang doon ang kanyang Mater. Kumalat ang balita sa buong Xenica na nag-seppuku ang mga natitirang buhay sa kanilang hanay pero ang totoong kuwento ay pinatay sila ng mga Sapheda at mga Kala. Humingi raw ng kapatawaran ang  mga Lala pero hindi ito pinakinggan ng mga lahi ng Sapheda at Kala. Simula ng malaman niya ang katotohanan ipinangako niya sa kanyang sarili na ipaghihiganti niya ang kanilang lahi. Papatayin niya lahat ng mga natitirang Xygus.

Lumipas ang maraming anno. Nagkaroon na ng mga sarcina sa Xenica. Napabilang sila sa sarcina ng timog ang Daksina. Pinamunuan ni Alpha Felixena and Daksina, ang magiting na babaeng mandirigma ng mga Alpha. Lumipas ang panahon at pinalitan si Alpha Felixena ng kanyang anak na babae na si Polyxena. Sa pamumuno ni Alpha Polyxena napabilang siya sa grupo ng mga researcher dahil sa kakaiba niyang angking galing pagdating sa mga research at experiment. Sinimulan niyang pag-aralan lahat ng mga unfinished experiment ng kanyang Patrem habang nasa laboratory siya sa Daksina. Palihim niya itong ginagawa, walang makakapansin sa kanya dahil itinuturing siyang mahina ng mga nar'on dahil sa wala siyang paningin. Ang hindi alam ng mga nar'on wala man siyang sense of sight nagagamit niya naman ng pangkaraniwan ang kanyang ibang senses kaya parang normal na rin ang kanyang pakiramdam. Hindi niya sinubukang magpa-eye transplant dahil malalaman ng mga ito ang kanyang tunay na breed. Kailanman ay hindi siya nagpapakuha ng dugo o anumang pagkakakilanlan niya.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon