Chapter Eighteen (Back to Earth)

11.7K 399 4
                                    

"I hope life on Earth is everything you remember it to be."

Gerty, Moon (2009)

_____

Maayos silang nakalapag sa earth. Muntik pa siyang maiyak ng makita niya ulit ang kanyang munting apartment. Sobrang namiss niya ang kasimplehan niyon, hindi 'yong amoy ha. Sa Xenica kasi ay napakahihigh-tech ng mga gamit. Minsan nga ni hindi niya magalaw ang mga gamit doon dahil baka masira, may pagkaignorante pa naman siya pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya.

"Bahay mo 'to?" takang tanong ni Philcan. "Parang bathroom lang ng kwarto ko sa laki,"

"Ang harsh mo pare!"

"Bakit totoo naman ah," nagsimula na naman itong maasar kay Cerus.

"Oh eh di wow," hindi talaga nawawalan ng sasabihin si Cerus.

Hindi niya na nga papatulan ang panlalait ni Philcan sa apartment. Napapagod na siya.

Bago pa man sila makalapag sa earth tinanggal na ni Zion ang translator device niya at ang mga ito naman ang naglagay ng translator device pati si Alala. Baka kasi marinig ng mga tao sabihin pang mga weirdo ito dahil kakaiba ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito.

Hindi pa nga siya nakakaupo ay may kumatok na sa pintuan. Mabilis na nakapunta si Cerus sa pinto para pagbuksan ang istorbong nilalang. Pagsasabihan niya nga rin si Cerus maging sila Philcan na h'wag gamitin ang kanilang kapangyarihan dito.

"Magandang gabi, nariyan ba si Abby?" narinig niyang tanong ng nasa labas.

"Abby!" tawag sa kanya ni Cerus.

Sumilip siya sa likod ni Cerus, "Oh, Aling Buding, bakit po?" ang landlady ng mga apartment nila. Ang bilis talaga ng radar nito. Paniguradong makikitsismis na naman ito, mukhang napansin nito ng pumasok silang lima sa kanyang apartment. Wala talagang pinapalampas ang matabang babae kahit diyes oras ng gabi.

Nakaready na ang nakakabwusit na ngiti nito, "Wala naman, napansin ko lang na marami ka atang kasama ngayon," eh ano naman dito. Paniguradong kalat na naman ito sa buong lugar nila bukas. Hindi na siya invisible tuloy. Ito ang iniiwasan niya sa lugar na ito kaya nga tanging si Celeste lang ang pinapupunta niya rito.

Ni-ready na rin niya ang kanyang pekeng ngiti, "Mga kaibigan ko po,"

Tumango ito, "Umalis ka pala, kahapon ko lang napansin na wala ka rito sa apartment, nalungkot nga ako baka kako matagalan ka, ikaw pa naman ang paborito ko sa mga boarder," pagdadrama nito.

HALLER! Ilang buwan na siyang nawawala dahil kinidnapped siya ng mga alien na kasama niya ngayon. Tapos ngayon niyo lang napansin. Pero pagtsismis ang bilis ng radar niyo. Gusto niya sanang isigaw sa mukha nito iyon, "Hehehe. Baka nga po matagalan ako, aalis na din po kasi ako rito," sasabihin niya sana rito bukas pa pero dahil sa narito naman na ito sasabihin niya na para matapos na.

"Aalis ka na?" gulat na gulat ito.

"Opo,"

"Ha? Bakit?"

"I don't think it's proper to ask him that, it's personal," sabad ni Philcan sa likod niya.

"Ano 'yon Hijo?"

"Ah eh Aling Buding, na-assign po kasi ako sa ibang lugar,"

Kunwari nalungkot ito, "Gan'on ba? Kailan mo babayaran ang huling renta mo rito?" bumalik ang pagiging mahadera nito.

"Meron po ba? sa pagkakaalam ko po advance po ako ng 3 months, hindi ko na po kukunin 'yong sa last month," kung tama ang kanyang kwenta mahigit 1 month pa lang siyang nawawala. So may natitira pa siyang 1 month na nabayaran niya na. Parati kasing advance siya magbayad.

Ngumiti ito. Ibig sabihin tama siya, "Salamat, sige p'wede ka ng mag-impake. Pakihatid na lang sa akin 'yong susi kapag okay na, kapag may gusto kang iwanang mga gamit akin na lang ha, Salamat," 'yon lang at umalis na ito.

Isinara niya na ang pinto.

"I can sense greediness in her, how dare her to talk to you like that!" galit na sabi ni Philcan. Nahahawakan ito ni Zion at Cerus sa magkabilang braso. Nakikita niya ang galit na galit na anyo nito.

"Anong nangyayari sa kanya?" natatarantang tanong niya.

"He can sense you're in danger that's why his acting like this, so unusual? Hindi pa naman kayo nag...oh god! did you do that thing?" nagtatakang tanong ni Cerus.

"What thing?"

"I'll explain later, try to calm Philcan first,"

"Anong gagawin ko?"

"Ahm..hug him,"

"What?!"

"Just do it! hindi na namin siya kayang pigilan, ang init na ng katawan niya!"

He did what Cerus told him to do, he hugged him, naramdaman niya ang sobrang init na katawan nito. Buti na lang ay may mga damit sila dahil kung wala napaso na siya. Unti-unting kumakalma ito. Mayamaya pa ay nakayakap na rin ito sa kanya.

"Woh! Nakakatakot talaga itong si Philtot kapag sobrang nagagalit," mukhang pinagpawisan si Cerus.

"Philcan, nais  kong ipahiwatig sa iyo na iba ang nasasagap mong motibo ng pagnanais, walang masamang gagawin ang nilalang na iyon kay A..abby, ibang pagkaganid ang nasagap mo, hindi nasa panganib si A..abby," paliwanag dito ni Zion.

"Yah, that's right bro, the species here are different, mapangkunwari sila, that's part of their defense mechanism, lalo na siguro kapag nakaharap mo pa ang mga politician dito, hindi lang greediness masasagap mo sa mga iyon, unlike Abby bro, he has this genuine and gentle heart" paliwanag naman ni Cerus.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" tanong dito ni Zion.

"Yeah," pero hindi pa rin nito inaalis ang pagkakayakap sa kanya mas lalo pa nitong isiniksik ang katawan sa katawan niya.

"Gan'on ba parati ang magiging response niya kapag nakakasagap siya ng mga kakaibang aura?" tanong niya. Marami pa namang ganid sa Pilipinas.

"Iyo'y nangyayari lamang sa tuwing nasa panganib ang isang pinapahalagahan ng isang Xygus, hindi mo kailangang mag-alala ng husto A..abby," si Zion ang sumagot sa tanong niya.

"Ang ipinagtataka ko lang, bakit nararanasan ni Philtot ang gan'on hindi pa nga kayo matagal magkakilala, masyado ng attached ang katawan niya sa katawan mo, sabihin niyo nga nagsex na kayo 'no?" muntik na siyang matumba sa tanong na iyon ni Cerus. Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip nito.

"Halika ka Cerus, lapit ka," sambit na lang niya.

"Bakit?"

"Philcan, batukan mo," binatukan nga ito ni Philcan. Kapag siya kasi ang gumawa siya lang ang masasaktan.

"Aray naman!"

"Sira ka talaga! Hindi 'no!"

"Bakit ka namumula?"

"Ewan ko sayo! Magpahinga na nga tayo,"

Tiningnan niya ang mukha ni Philcan, "Okay ka na?" tumango ito at unti-unting niluwagan ang pagkakayakap sa kanya.

"Saan kami matutulog isa lang naman ang kwarto sa taas?" tanong ni Cerus.

"Dito sa baba, kami ni Alala ang matutulog sa taas,"

"Ano?!" sabay pa si Cerus at Philcan.

"Alala, halika na, bukas mo na ulit ayusin ang mga 'yan," kanina pa kasi ito busy sa pag-aayos ng mga dala nila.

"Pero Apolectus ..Abby," nakita kasi nito ang panlalaki ng mga mata niya. Sinabi niyang bawal siyang tawagin ng kung ano ano rito sa earth.

Hinila na niya ito papunta sa kanyang kwarto. Naririnig niya pa ang pag-angal ni Philcan at Cerus.

"I can't believe this!"

"Pare, bukas nga sa hotel na tayo magstay! Uy. Zion. Anong ginagawa mo! ako riyan sa sofa!"

"You two, I'm the Alpha here! Ako diyan sa tinatawag niyong sofa!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon