"Your baby is the miracle the whole world has been waiting for."
Jasper, Children of Men
_____
"Are you alright?" nakikita niya sa mga mata ni Philcan ang pag-aalala. Katatapos lang niya kasing magsuka ngayong umaga. Nanghihina na naman siya. Ngayon ngang nagsisimula na ang kanyang hormonal changes dahil naglalabasan na ang mga pregnancy symptoms lalo na sa umaga nararanasan niya ang ganito. Minsan naman sobrang hirap siyang bumangon. Ito na ba ang tinatawag nilang morning sickness. Ngayon niya lang narealise na maswerte pala talaga ang mga lalaki dahil hindi sila nakakaranas ng ganito. Pero once na nalaman na sa earth na p'wedeng magbuntis ang mga lalaki. Naku magbubunyi ang mga beki. I mean makakahinga ng maluwag ang mga babae.
"Anong gusto mong kainin?" lumuhod ito sa harap niya. Nakaupo kasi siya sa dulo ng kama.
"Hindi ko alam," nahihirapan din siyang pumili ng pagkain. Sinusuka niya kasi lahat ng kainin niya.
"Kailangan mong kumain kahit konti," umiling siya.
"Please, my kleinos, kahit konti lang, gusto mo bang ipagluto kita?"
"Marunong ka ba?"
Nag-alangan ito, "I'll try basta kumain ka lang,"
"Okay, magluto na lang tayo, tuturuan kita, baka sakaling bumalik ang appetite ko,"
Bumaba sila at pumunta sa kusina.
Nadatnan nila roon ang kanilang Patrem Vulcan, "Bonum Mane, mga filius!" nagweweirdohan pa rin talaga siya sa ipinapakita nitong kabaitan. Pero kahit na gan'on na nga ito ay may awtoridad pa rin ang tono. Kaya ayaw niya minsan kasama ito sa eksena. Nakakatakot. Baka bigla na lang siyang makunan. H'wag naman sana.
"Bonum Mane Patrem Vulcan!" bati niya sa nanghihinang boses.
"You seem too tired Abby, are you alright? hindi pa rin ba nawawala ang tinatawag ni Alican na morning sickness mo?"
Si Philcan na ang sumagot sa kanya, "No and it getting worse day by day, did Mater experience the same too?"
"No, your Mater is strong, parati niya lang akong inaaway noong pinagbubuntis ka niya, kaya ayan sobrang tigas ng ulo mo,"
Kumunot ang noo nito," Gan'on ba 'yon? Makapagconclude ka naman agad Patrem,"
Tumawa ito, "Sana ang magiging nepotem ko hindi maging sintigas ng ulo mo, sana kasing bait ni Abby,"
"Patrem, anak mo ba talaga ako?"
"Kung p'wede nga lang hindi eh,"
"Pati ako nawalan na rin ng gana sa sagot mo,"
Nagsimula na naman ang mag-ama. Hinawakan niya ang kanyang tiyan.
Kinausap niya ang kanyang anak. H'wag kang gagaya sa dalawang 'yan. Mga baliw iyan. Mga alien. Hehe. Love you baby.
Tumayo na ang kanilang Patrem Vulcan, "Mauna na ako, see you two later," hinalikan nito ang ulo niya tanda ng pamamaalam. Eeee. Hindi talaga siya sanay sa gesture nitong mabait, "Kapag may naramdaman kang kakaiba, contact me, darating na rin mamaya 'yong medical beta na titingin sayo," tumango na lang siya. Napapagod talaga siyang magsalita.
"Philcan, bantayan mong mabuti itong peter et filius mo kapag may nangyari sa kanila, hindi ....,"
"Lang parusa ang matitikman ko, kundi itatakwil niyo na ako ng tuluyan, sa bawat mane ba wala kayong ibang bilin, kabisado ko na iyan," sansala rito ni Philcan.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Science-FictionSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...