Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)

10.8K 376 3
                                    

"You ever feel like when you met someone, they fill this hole inside of you, and then when they're gone... you feel that space painfully vacant?"

Ian, I Origins (2014)

_____

"Qy, again search all the coordinates!"

"No sign of  Alpha Philcan Sir, I'm sorry,"

"Zion, ano?"

"Patawad, Cerus,"

"NO!"

Niyakap na lang siya ni Alala dahil hindi na natigil ang iyak niya simula kanina. Ilang oras na nilang hinahanap ang katawan ni Philcan pero walang anumang bakas na iniwan ang pagsabog.

"Hindi p'wedeng wala!" nakita niyang sinipa ni Cerus ang upuan nito.

Tumagal pa ang ilang sandali. Nakabalik na si Zion sa Vionus pero walang kasamang Philcan. Nakayuko lang si Cerus, sinusuklay nito ang kamay sa buhok.

Linapitan ito ni Zion.

"Anong ihahayag natin kay Alpha Vulcan nito?"

"We'll figure it out, get some rest, you're exhausted,"

"Hindi ko makakayang magpahinga,"

"Alala, dalhin mo na lang muna si Abby sa kwarto niya, kailangan niyang magpahinga,"

"No!" humihikbi pa rin siya. "Dito lang ako, hihintayin ko si Philcan, alam kong babalik ang siraulong iyon!"

"Abby," nakita niya ang awa sa mga mata ni Cerus.

"Babalik siya Cerus! babalik siya! Nangako siyang poprotektahan niya ako, an Alpha never break a promise! remember!"

"Abby," si Zion naman ang lumapit sa kanya.

"Ano ba kayo? Okay lang ako. Niloloko lang tayo niyan ni Philcan," niyakap na lang siya ni Zion.

Tuluyan na siyang  napahagulhol. Kanina na lang ay ipinangako niya sa sarili na hindi na siya maniniwala sa mga hirit ni Philcan. Kahit nasasaktan siya na isipin na hindi nito kayang magmahal ng tao pero mas masakit pala na makita mismo ng mga mata mo ang taong mahal mo na nawala pero wala kang nagawa para tulungan ito. Okay lang sana na hindi nito tugunan ang pagmamahal niya basta alam niyang buhay ito. Pero hindi eh, iniwan na lang sila nito, ni hindi niya nga nasabi rito ang nararamdam niya.

Napahikbi na naman siya.

Wala ng saysay ang lahat. Lahat ng isinakripisyo niya nawalang parang bula. Hindi niya kayang magsaya sa pagkakataong iyon, alam niyang nakalaya na siya sa tunay na rason kung bakit nakilala niya si Philcan. Pero mukhang hindi na makakalaya ang puso niya sa kalungkutan. Bakit ganun kung kailan na amin mo na sa sarili mo na mahal mo ang isang tao, isang alien pala, saka naman mawawala ito?

"Unidentified object is approaching Vionus , focusing on the object,"

Nakita nilang may isang liwanag na papalapit sa Vionus. Nag-aapoy na katawan iyon. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Unti-unting nabubuhay ang kanyang pag-asang makita si Philcan.

"Hey guys!" nanginig lahat ng tuhod niya ng marinig ang kilalang boses na iyon ng kanyang sistema.

"Philcan?" biglang nagmadali si Zion at Cerus na pumunta sa kaninang kinauupuan ng huli.

"Is that you dude?"

"Yeah!"

Nakita nila na nababalutan ng apoy ang buong katawan nito. Nanghina na lang siyang bigla at napaupo sa sahig. Naramdaman niya lahat ng pagod sa pag-iyak ng nalaman niyang buhay si Philcan.

Nagmadali sina Cerus na papasukin ito sa Vionus. Nang marating nito ang command area nababalutan pa rin ito ng apoy. Unti-unti nawawala iyon at nakikita na ang sira-sirang space suit ni Philcan. Half naked na nga ito ng maalis lahat ng apoy.

"Dude!" yayakapin sana ito ni Cerus pero pinigil nito iyon.

"No! Qy, scan me,"

"Scanning, no sign of any irregularities in your system Alpha, your vitals are good, Welcome back!"

"Thanks Qy,"

"What happened dude? Pinakaba mo kami," tanong dito ni Cerus, hindi niya ito malapitan, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Bago pa man bumangga sa space ship ko ang asteriod binalot ko na ng apoy ang katawan ko, kaso hindi ko inaasahan na sobrang lakas ng impact kaya tumilapon ako ng napakalayo," pagkukwento nito.

"Pero we searched for you, we almost gave up,"

"That's because nawala ako, hindi ko alam kung saan ako nakarating matagal akong nagpalutang lutang sa space,"

"How do you find us?"

"Because of this," ipinakita nito ang wrist. Ang metal wrist band na parating suot nito.

"A bangle locator, Pa'no? Hindi nakaconnect sa system ni Qy ang bangle locator mo dahil kung nakaconnect iyon mabilis ka naming mahahanap,"

"Hindi nga dahil nireformat ko ito at isa na lang ang nilolocate nito," tumingin ito sa kanya.

"Ah," napatango na lang si Cerus.

"Yes, binilisan ko ngang makabalik agad, baka kasi umiiyak na 'yong trackee ng bangle ko," lumapit ito sa kanya. Nakatayo na siya ng mga oras na iyon.

"Hey, missed me?"

Walang anu-ano sinapak niya ito, kamao talaga ang ginamit niya, pero wala man lang epekto iyon.

"Why did you do that?"

"Gago ka!" naiiyak na naman siya, "Mamatay ka na! Nakakainis ka!"

"Hey," masuyong sabi nito. Niyakap siya nito.

"Bwusit ka! Gusto mo palang magpakamatay! Sana hindi ko nakikita!" Pinagpapalo niya ang dibdib nito. Wala na itong sinabi hanggang sa kumalma siya.

"Sa susunod huwag mo na ulit gagawin iyon,"

"Promise, tahan na,"

Matagal silang nasa gan'ong ayos. Yakap yakap niya ito. Ayaw niya na itong pakawalan. Silang dalawa na lang ni Philcan ang naroon sa command area. Tanggap niya na, na kahit hindi masuklian nito ang pagmamahal niya, masaya na siya sa mga ipinapakita nito. Mas mabuti na iyon para kung sakali mang bumalik na siya sa earth unti-unti niyang makalimutan ang nararamdaman dito. Hindi niya na rin ipagtatapat dito ang kanyang nararamdaman.

"Philcan?"

"Hmmm.."

"Amoy usok ka,"

"Natural, ikaw kaya mag-apoy buong katawan,"

Humiwalay siya sa pagkakayakap at binatukan ito.

"Aray! Ano na naman?"

"Nagsusungit ka na naman, at speaking of sungit," nakatikim pa ito ng isa pang batok kahit hindi ito nasasaktan, "bakit hindi mo ako pinapansin kanina? Ha!"

Nagkamot ito sa ulo, "Because I want you to missed me,"

"Ano?!"

"And its effective, Cerus is so genius,"

"Ano?!"

Bigla na lang siyang nagwalk-out. Kung anu-ano ng naiisip niya kanina. Napaamin pa siya na mahal na niya ito. Tapos nag-eexperimento lang pala ang mga ungas na ito.

"Hey, my kleinos, don't be mad," nakasunod lang ito sa kanya.

"Heh! Huwag mo akong kausapin! Magsama kayo ni Cerus!"

Mga walang hiya. Nakakainis. Bahala sila. Gan'on pala ah. Pwes manigas ka Philcan. Hindi talaga kita kakausapin.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon