"Earth. Even the word sounded strange to me now... unfamiliar. How long had I been gone? How long had I been back? Did it matter? I tried to find the rhythm of the world where I used to live. I followed the current. I was silent, attentive, I made a conscious effort to smile, nod, stand and perform the millions of gestures that constitute life on earth. I studied these gestures until they became reflexes again. But I was haunted by the idea that I remembered her wrong, and somehow I was wrong about everything."
Chris Kelvin, Solaris
_____
(Abby's Point of View)
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nitong baliw na villain. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan kanina, isa raw siyang ano? Chimera? Isang hermaphrodite? At may immortal cells? Kung gayon hindi ba siya tao? Halimaw ba siya? Alien din kaya ang nanay at tatay niya? Galing ba siya sa itlog? Ah bahala na, basta ang mahalaga sa ngayon ay makawala siya at makatakas. Ngunit pa'no niya gagawin iyon? Pansin niyang napakalakas ng halimaw na nagdadala sa kanya. Kanina ay dumaan sila sa ibang portal at ng lumabas sila ay nasa Exiguus Societatis na sila. Iyon ang tirahan ng karamihang omega, sa ngayon ay walang kahit na sinong Xygus na naroon.
Dapat pala sumama na lang siya rito noong una pa lang para wala ng nagbuwis ng buhay. Inaalala niya si Alican, maging sina Alala at lalong lalo na ang kanyang mga anak. Hindi siya iiyak, hindi siya magpapakita ng kahinaan sa oras na ito. Kailangang kalmado pa rin siya para kapag nakakita siya ng pagkakataon magagawa niyang makatakas.
Base sa kanyang mga nalaman, ang totoong plano nitong baliw na bulag, kunin nga siya at itakas dito sa Xenica para pumunta sa ibang planeta at doon ay bubuo ito ng panibagong Xenica na mga Gamma lamang ang nakatira. Gagamitin ang kanyang cells para sa reproduction ng mga Gamma. Iniisip niya pa lang ang gagawin sa kanya, gusto niya ng magpatiwakal, parang magigi lang siyang the Queen Mother of all the Gammas. Maganda sana ang title pero juice colored hindi siya langgam 'no, bakit ba kasi ipinanganak siyang overdue at ng iluwal ata siya ng kanyang ina ay may lunar eclipse, kaya siguro nagkandabuhol-buhol ang DNA niya.
Ano nang gagawin niya?
Kunwari magpatay patayan ka kapag gan'on iiwan ka na niyan sa kung saan.
Alam mo ang chunga mo talaga. Bakit ba naging isip pa kita? Sino naman ang maniniwala sa pakulong iyon?
Ako. Ganito na lang, lumunok ka ng bato, 'Ding, ang bato' tapos sumigaw ka ng 'Darna!'
Isa pa sa katangahang iyan, namumuro ka na, pa'no ako makakakuha ng bato, hindi ako makagalaw sa galamay ng halimaw na 'to.
Naniniwala na akong galing nga ako sa'yo, patola ka rin eh. Feeling mo naman si Narda ka.
Lintik ka!
Nabasag ang pag-iisip niya ng makarating sila sa isang lugar kung saan naroon ang isang malaking cylindrical glass container. Mukhang ito ang paglalagyan sa kanya para makapunta sila sa ibang planeta.
"Nakikita mo ba ang spacetime travel machine na 'yan?" Inilapit siya ng galamay ng halimaw sa baliw na bulag.
"Ikaw ba nakikita mo?" balik na tanong niya.
"Oo,"
"Weh? Bulag ka pa'no mo makikita 'yan,"
Tumawa ito, "Witty, dearie kahit bulag ako mas malakas ang pakiramdaman ko at take note ako ang gumawa niyan," hindi siya sumagot, "and you know what, that's machine only have a one way trip kapag nakapasok na tayo r'yan at nakaalis na tayo automatic na sasabog na 'yan,"
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Ciencia FicciónSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...