Chapter Four (Mission Accomplished)

16.3K 516 24
                                    

"In my practice, I've seen how people have allowed their humanity to drain away. Only it happened slowly instead of all at once. They didn't seem to mind... All of us — a little bit — we harden our hearts, grow callous. Only when we have to fight to stay human do we realize how precious it is to us, how dear."
Dr. Miles Bennell, Invasion of the Body Snatchers
_____

Hapon na ng matapos ang environmental campaign na ginawa nila. Pauwi na siya ngayon sa Maynila, sa Laguna kasi ginawa ang naturang seminar kaya ngayon nahihirapan siyang makasakay pabalik ng Maynila. Nagkanya-kanya na kasi sila matapos ang event, hindi na rin siya sumabay sa sasakyan ng mga kasama niya dahil mas lalong mapapalayo ang kanyang biyahe. Subalit hindi niya akalain na mahirap palang mag-abang ng bus sa lugar na ito.

Hanggang sa may bigla na lang sumulpot na itim na sasakyan sa harap niya, muntik na siyang mapatalon sa kaba. Naisip niya kasing baka barilin na lang siyang bigla sa lugar na iyon o kaya naman ay dukutin para gahasain.

Feeling mo naman gagahasain ka talaga. Naroon na naman ang echo ng kanyang konsensiya o mas akmang sabihin ang panirang bahagi ng kanyang isip.

Eh, sa gan'on ang mga napapanood ko sa balita, bakit ka ba nangingialam. Huwag mo nga akong kausapin. Tugon niya sa panirang bahagi ng kanyang isip.

Naputol ang kanyang pakikipag-usap sa sarili ng bumukas ang bintana ng sasakyan, lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman niya. Kapag nakita niyang tututukan siya ng baril ng kung sino man ang nasa loob magpapaka-ninja moves siya. Iiwasan niya ang mga bala. Pero marunong ba siya n'on?

Nawala lahat ng halu-halong narararamdaman niya ng makilala kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Ang lalaki kanina sa seminar na sinita niya, nakangiti ito.

"Want a ride?"

Hindi siya sumagot. Nakita rin niya ang kasama nito na siyang nagdadrive, magboyfriend kaya ang dalawang ito? Sayang! Super gagwapo pa naman. Kanina sa seminar matapos ang insedente sa pagitan nilang tatlo, hindi na naalis sa paningin niya ang dalawang ito. Kinikilig nga ang mga babaeng participants na nagpapapansin sa dalawang ito na deadma rito. So confirmed. May relasyon nga sila kasi hindi nila pinansin 'yon mga babae.

Marami na siyang naisip pero hanggang ngayon ay matamang tinititigan din siya ng lalaking sa pagkakaalala niya ay Cerus ang pangalan. Mukhang naghihintay ito ng sagot niya.

"Salamat na lang, may dadaan na rin namang bus," sumagot na siya dahil naiilang na siya sa pagkakatitig nito.

"Nakapagtataka, ang lapit lang ng distansiya natin pero ang tagal makarating ng sinabi ko sa'yo, ilang light years kaya nagtravel yung sound bago makarating sayo?" takang tanong nito.

Ano raw? Kanina pa kaya niya narinig, hindi lang siya sumagot. Ano kayang iniisip nito?

Bumaling ito sa kasama, "Zion, mabilis mo ba akong marinig?"

Tumango ang katabi nito.

"So ibig sabihin sa bahaging iyan na kinatatayuan niya ay mabagal ang vibration ng sound, kaya hintayin na lang natin bago siya magsalita ulit, doon lang natin malalaman kung nakarating na sa kanya ang mga sinabi natin," nangalumbaba itong nakatitig sa kanya.

Napakunot na siya ng noo. "Ano bang pinagsasa...,"

"Ayan! dumating na!" pumalakpak pa ito.

"Teka nga! ano bang...,"

"Ang galing Zion, mabilis na ngayong nakarating sa kanya ang sinabi ko!" putol na naman sa sasabihin niya.

Napalapit na siya sa bintana ng sasakyan, "Kayong dalawa kung ano man yang trip niyo sa buhay! Huwag ako ang pagtripan niyo kasi pagod ako, kaya please lang umalis na kayo!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon