Chapter Sixteen (Two Old Friend)

12.5K 405 3
                                    

"We're social creatures, and we need to interact with people. That's why relationships are so important, just so crucial for existence."

Skateboarder, Love (2011)

_____

(Abby's Point of View)

"Zion? Cerus?" hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang dalawang nakilala niya sa earth ay nasa Xenica.

Nilapitan niya ang mga ito para kumpirmahin, baka namalikmata lang siya, "Oh my God! Kayo nga! Oh No!" mga alien din pala ang mga ito. Nakayuko lang ang dalawa sa harap niya.

"Uy. Huwag niyong sabihing hindi niyo ako matandaan, pag-untogin ko kayong dalawa! Magpaliwanag kayo!" pero nakayuko lang ang mga ito, wala siyang makuhang sagot.

Lumapit sa kanila si Philcan, "Hindi ka nila sasagutin hanggat walang pahintulot sa akin,"

"Oh eh di sabihin mong kausapin nila ako,"

"Ayoko," nag-umpisa na naman magsungit ito.

"Gan'on?" bumalik siya sa pagkakaupo at hindi na muling nagsalita.

Mayamaya ay nagsalita ito, "Fine! you can talk to them," bingo. One point. Advantage ng pagiging maganda. Hum. Ha.

Humarap ulit siya sa dalawang nakaitim na lalaki.

"Kumusta na kayo, mukhang nakauwi nga kayo ng maayos sa bahay niyo ng huli tayong magkita," nakangiti siya sa mga ito.

"Kami'y mabuti Apolectus Unum, kami'y humihingi ng paumanhin sa lahat ng..,"

"Okay lang 'yon," putol niya sa sasabihin pa sana ni Zion, "Naiintindihan ko, ginagawa niyo lang naman ang inutos sa inyo, although hindi ko alam ang inutos sa inyo pero hayaan mo na ang mahalaga ligtas kayong nakabalik dito and by the way, h'wag niyo na akong tawaging apolectus ek ek, Abby lang, sa earth naman Abby tawag niyo sa akin, diba Cerus?"

"Ah. Eh. Bawal kasi rito sa Xenica na tawagin ang magiging kleinos.."

Pinutol naman ni Philcan ang sasabihin nito, "He's already a kleinos, I already accepted to be his philetor," nalaman niya kay Alala kung anong ibig sabihin ng mga iyon. Kleinos ay partner ng isang Alpha at philetor naman ay lalaking kabiyak ng kleinos. Naloka siya ng malaman iyon kaya bigla na lang siyang literal na napanganga.

"Really pare? Congrats!" Umakbay pa si Cerus kay Philcan.

"Congrats, Apolec..,"

"Abby nga!"

Tiningnan nito si Philcan, wala naman itong tugon, "Bagay kayo, kakilig lang, diba Zion?" tumango lang si Zion kahit mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi ni Cerus.

"Teka magkakakilala kayong tatlo?" tanong niya kay Philcan.

"They're my childhood best friends!" sagot nito.

Tumango siya, "Ah, mukha ngang close na close kayo,"

"Yah, pero mukhang ipagpapalit na kami ni Philtot," nakita niyang babatukan sana ito ni Philcan pero mabilis itong nakapunta sa likod ni Zion. Pa'no nangyari iyon? Hindi naman siya kumurap. Bakit di niya nakita iyon?

"Kanino naman?" patay malisya niyang tanong.

"Secret, nararamdaman ko na kasi ang kilig to the bone marrow nitong kaibigan namin," ngumisi pa ito.

"Alam mo Cerus, ang dami mong alam tungkol sa mga expression ng mga tao sa earth, matagal ba kayo sa earth?"

"Medyo, diba Zion, magsalita ka naman mapapanisan ka na naman ng laway,"

Ngumiti siya, kinurot niya ang pisngi ni Cerus, "Anong ginagawa mo?"

"Inaalam ko lang kung totoong kutis talaga ito, diba ang mga alien nagbabalat-kayo lang sila kasi ang totoo nilang balat ay 'yong mga nakakadiring parang sa mga reptiles, gan'on, hinihintay ko nga si Philcan magtransform kagabi pero nakatulog na ako, hindi niya ginawa,"

Tumawa si Cerus, "Ang sama niyo talagang mga taga-earth, hindi kami gan'on, kapag mga vampires saka werewolves naniniwala kayong mga hot sila at may six pack abs, tapos kaming mga alien ginagawa niyong mga nakakatakot na reptiles, nasaan ang hustisya d'on?" madami talaga itong alam.

"You two please stop, you're annoying," hinihilot na ni Philcan ang noo nito.

Tinakpan naman ni Zion ang bibig ni Cerus, "Patawad Alpha, Apolectus Unum,"

Sabay na lang silang napa-haay ni Cerus, What's wrong with these two, ayaw ba ng mga ito na masaya lang, good vibes parati, kaya siguro itong si Philcan parating mainitin ang ulo dahil puro negative vibes ang nasa katawan.

Biglang dumating si Alala, "Patawad Alpha kung natagalan ako," nakita niyang sinimangutan na naman ito ni Philcan.

To the rescue agad siya,"Okay lang 'yon Alala, mabuti ngang mamatay sa uhaw itong Alpha niyong pangit," narinig niyang tumawa ng malakas si Cerus. Nakakuha tuloy iyon ng atensiyon.

"Tinawag mo siya sa pangalan?" tanong ni Cerus. Itinuro pa nito si Alala.

"Oo, bakit masama?"

"Ewan, hindi na rin naman katakataka iyon, ganyan naman ang ugali mo talaga, ang pagiging mabait mas nagtaka pa nga ako ng tawagin mo si Philcan na pangit, nakakatawa lang," tumawa ulit ito. Nakita niya na lang na umaangat na ito sa ere.

"Dude! nagbibiro lang ako!"

"Well stop doing that, I'm pissed off right now!" banta rito ni Philcan.

"Okay okay, high blood ang lolo mo!" nakababa na ito. Napapailing na lang din siya dahil kuhang-kuha talaga nito ang mga expression ng tao sa earth specifically sa Pilipinas.

"Let's go, umuwi na tayo," hinawakan na ni Philcan ang kanyang kamay, bitbit pa rin nito ang mga pinamili nila.

Naglakad na sila, "Philtot p'wede bang dumalaw sa inyo, makikipagkwentuhan lang ako kay Abby," pahabol pa ni Cerus.

"No!" sigaw nito.

"Damot! Zion halika na nga, kulang na nga tayo sa exposure hindi ka pa nagsasalita r'yan,"

"Hindi kita maintindihan,"

"Cerus!" tawag dito ni Philcan.

"Yes?" mabilis itong nakarating sa kanila. Ngayon ay alam niya na, mukhang ang kapangyarihan nito ay bilis. Wow. The Flash lang.

"Sa headquarter magkita tayo mamaya may pag-uusapan tayo, isama mo na rin si Zion,"

Ngumiti si Cerus, "Hmm..Okay," makahulugang sabi nito.

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon sa sector Qi, iniwan lang siya ni Philcan dito sa napakalaking bahay na may futuristic design. Mukhang makikipagkita na ito kay Cerus at Zion sa headquater na sinasabi nito. Ngayon ay nakakapag-isip isip siya ng mga bagay-bagay dahil sa kanyang pag-iisa.

Ilang araw na rin pala siya rito sa Xenica, hindi nga ata araw mukhang buwan na. Nalungkot siyang bigla ng maalala ang mga naiwan niya sa earth. Kumusta na kaya ang mga ito, masyado siyang nag-enjoy sa presensiya ni Philcan kaya nakalimutan niya pansamantala ang dahilan kung bakit siya nandito sa Xenica. Bumalik lang sa kanya bigla ang lahat ng makita kanina sina Cerus at Zion. Parang isinampal na naman sa kanya ang lahat ng katotohanan. Ang katotohanang bihag siya at kailangan niyang sumunod sa lahat ng ipag-uutos ng mga ito.

Matagal siyang nag-isip. Mga limang segundo. Matagal na 'yon para sa kanya. Nakapagdesisyon na siya at sasabihin niya kay Alpha Vulcan ang nais niyang mangyari.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon