"Battle is the Great Redeemer. It is the fiery crucible in which true heroes are forged. The one place where all men truly share the same rank, regardless of what kind of parasitic scum they were going in,"
Master Sergeant Farell, Edge of Tomorrow
_____
Bago pa man nagkaroon ng mga Sarcina mayroon munang limang kulay ang Xenica. Ang Sapheda o ang mga Alpha, ang Kala o ang mga Beta, ang Lala o ang mga Gamma, ang Blu o ang mga Delta, at ang pinakahuli ay ang Hara o ang mga Omega.
Sa pag-unlad ng Xenica, umusbong ang sibilisasyon. Ito ang naging dahilan kung bakit kailangan ng magkaroon ng pinuno para sa kaayusan ng lahat. Napili ang mga Alpha para pamunuan ang itatatag na apat na Sarcina sa bawat sulok ng Xenica.
Subalit hindi nagustuhan ng mga Gamma ang naging pagpili ng mga mamumuno kaya nag-aklas ang mga ito. Sumama sa kanila ang mga Delta.
Ilang anno nagkar'on ng matinding alitan sa pagitan ng mga Alpha at Gamma na nauwi sa isang guerra. Tinawag itong 'Autem Proelium ki Sapheda va Lala' o 'The Batte of White and Red'. Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Alpha at Beta samantalang ang mga Gamma at Delta naman ang nagkampihan sa guerra. Nahati naman ang mga Omega sa dalawa dahil sa sila ang may pinakamarami pagdating sa bilang.
Pinamunuan ni Alpha Tican ang apat na lahi ng mga Alpha kasama ang lahat ng lahi ng Beta maging ang mga sumamang Omega. Nakabuo sila ng isang malakas na pwersa laban naman sa mga Gamma na pinamunuan ni Gamma DemoEldar kasama ng lahat ng lahi ng mga Delta at mga sumamang Omega.
Naganap ang huling sagupaan sa hilagang bahagi ng Xenica na ngayon ay Uttara, natalo si Gamma DemoEldar sa huling sagupaan na iyon. Tinawag itong 'Autem Girana kiGammaDemoEldar' o 'The Fall of Gamma DemoEldar'. Nang matapos ang huling laban ni Alpha Tican at Gamma DemoEldar nabuwag ang alyansa ng mga Gamma at Delta kasama ang ibang mga Omega. Subalit imbes na sumuko ay ginawa ng mga natitirang buhay ang tinatawag na seppuku o pagpapakamatay gamit ang isang cutting blade. Ginusto nilang mamatay kaysa sumuko sa mga Alpha. Tinawag itong 'Autem Mauta ki autem Mille Hanikara Anima' o 'The Death of the Thousand Sacrificial Soul'. Matapos ng pangyayaring iyon ay nagkaroon na ng kapayapaan sa buong Xenica at naitatag na ang apat na sarcina.
"Farria, may nakaligtas ba sa pangyayaring iyon?" tanong niya sa katabing tutok pa rin sa computer ang mukha.
"Aling pangyayari? Ang daming nangyari sa epic battle sa Xenica, buti na lang pala hindi ako ipinanganak ng mga panahong iyon kung nagkataon, mabilis lang ang existence ko sa universe, at buti na lang kumampi ang mga ninuno ko kila Alpha Tican, mautak din pala ang mga ninuno ko," hindi na nito sinagot ang tanong niya.
Inulit niya ang tanong, "May nakaligtas ba d'on sa epic battle na sinasabi mo?"
"Hindi ko alam, maging sa mga babae at mga batang kakampi ng mga Gamma na hindi sumali sa guerra ay walang nakaligtas dahil sila mismo ay nag-seppuku, mga praning pala sila eh! mabuti na ang sumuko kaysa mamatay! patatawarin naman sila ni Alpha Tican for sure, tingnan mo ngayon, maayos na ang Xenica dahil sa pamumuno ng magaling na anak ni Alpha Tican," tinutukoy nito ay si Alpha Vulcan.
"Nakasama ba sa namatay ang anak ni Gamma DemoEldar?, wala rito sa listahan ng mga DNA nila, ang kanyang ina lang ang narito, hindi ba't magkasama sila ng mga panahong iyon?" tinitingnan niya pa rin ng maigi ang listahan na nasa transparent computer glass wall sa harap nila.
"Search mo kasi, nagrarandom ka lang eh, syempre nandiyan 'yan," sinunod niya ang sinabi nito.
"Wala," pa'nong nangyari iyon.
"Pa'nong nangyari iyon?" pagsasatinig nito sa naisip niya, "Baka hindi lang nila na isama, syempre mapapansin pa ba nila 'yon, eh ang daming namatay!"
Hindi p'wede iyon. Maingat ang mga forensic beta pagdating sa bagay na iyon. Isa iyong high profile kumbaga dahil anak ito ni Gamma DemoEldar. May kutob siyang may mali rito. Aalamin niya kung ano iyon.
"Ano ang pangalan ng anak ni Gamma DemoEldar?" tanong niya.
Tiningnan nito ang profile ng pamilya ng mga Gamma na kinabibilangan ni DemoEldar,"DemoGorgon, nakakatakot naman pala ang pangalan ng anak ni DemoEldar diba ang ibig sabihin ng pangalan na 'yan ay the 'Grim Demon', destroyer na destroyer pangalan pa lang,"
Hindi na niya pinansin ang mga huling sinabi nito, "Hindi kaya siya ang kumukontrol sa mga Akkorokamui?" hindi niya isinatinig iyon.
"Ano ang kakayahan ng mga Gamma?" tanong niya kay Farria.
Nakakunot na ang noo nito, "Bakit parang interesadong interesado ka sa pananaliksik tungkol sa mga Gamma, magtapat ka nga Vlex, ano bang natuklasan mo?"
"Sasabihin ko sa'yo lahat pero sa ngayon alamin na muna natin kung ano pa ang kayang gawin ng mga Gamma?"
"Bahala ka nga, oh heto," may pinindot ito sa glass computer at nag-appear doon ang information tungkol sa mga Gamma, "Sabi rito, ang mga Gamma ay may natatanging katalinuhan, sila ang nakakagawa ng mga natatanging sandata, mga experiment at mga discovery. Sa kanila nagmula ang lahat ng concept ng mga sandata, sasakyan at kung anu-ano pang may kinalaman sa teknolohiya na ngayon nga ay nagagamit na sa Xenica," huminga muna ito ng malalim at nagpatuloy ulit sa pagbabasa, "Sila ang tinatawag na 'the walking brain' 'the geniuses', nagagamit nila ng higit pa sa 10% ang kanilang brain, wooh! genius nga, sayang naman! kung ginamit lang nila sa tama ang nagawa nila eh di sana hayahay ang buhay!"
"Ako na nga ang magbabasa, marami ka pang side comment na nalalaman," itinulak niya ito para siya ang humarap sa computer.
"Aray ha! tapos na rin naman, wala ka ng makikita r'yan, basta sila ang nag-enhance ng mga gadgets, devices at maging lahat ng ginagamit natin ngayon kaya advanced na advanced tayo compare sa ibang lahi rito sa universe,"
Wala na ngang ibang nakalagay doon. Naroon na lang ang mahabang listahan ng mga sandata na sinimulang pag-aralan ng mga Gamma at ngayon nga ay nagkaroon na ng mga improvement at nagagamit na ng mga Xygus sa anumang mission.
"Nagmana kaya sa kanila si Alpha Alican, genius din kasi ang isang 'yon, pahumble lang," wala sa sariling sabi ng katabi niya.
Ngayon ay mas lalong lumakas ang kanyang paniniwala na may kinalaman dito ang mga Gamma.
"Sa palagay mo, kung nabubuhay pa ang mga Gamma at hindi sila naging makasarili saang sarcina kaya sila ngayon?"
"Ako ba ang tinatanong mo?" hindi kasi siya nakaharap dito.
"Hindi, 'yong computer!" binatukan siya nito dahil sa pabalang niyang sagot.
"Umayos ka!"
"Kasi naman magtatanong pa alam mo naman na tayong dalawa lang ang nag-uusap,"
"Heh!"
"So, saan nga?"
"Hmmm. tingin ko sa Purva,"
"Bakit?"
"Iyon kasi ang parte ng Xenica na may pinakamahaba ang dilim, isa pang katangian ng Gamma ay ang kakaibang mata, mas nakakakita sila ng mabuti sa dilim,"
"Kaya siguro natalo sila rito sa Uttara dahil dito ang may pinakamahabang mane,"
"Isa siguro iyon sa dahilan...hoy! Vlex! saan ka pupunta?! Hoy! tatakas ka na naman isusumbong kita kay Alpha Alican!" mabilis na kasi siyang naglalakad paalis ng research lab.
Pupuntahan niya si Cerus. Ipapaalam niya lahat ng natuklasan dito.
_____
Credits
Photo
Transparent Computer Glass Wall
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Fiksi IlmiahSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...