Chapter Twenty (Despedida Part One)

12K 402 9
                                    

"One neuron, you're alive. Two neurons you're moving. And with movement, interesting things begin to happen."

Professor Norman, Lucy (2014)

_____

Nakaupo si Abby sa kusina ng isang condo unit na inupahan nila Cerus matapos ngang umalis siya sa kanyang apartment. Umalis na siya sa apartment. Bahala na kung anong isipin ng mga tao roon. Hindi pa rin sila nakakaalis sa earth dahil kailangan niya pang magpaalam sa kanyang kamag-anak, magsisinungaling siya sa kanyang tiyahin, sasabihin niyang maaassign siya sa ibang lugar matatagalan siyang makabalik, pero sasabihin niyang magpapadala pa rin naman siya. Si Celeste ang gagawa noon para sa kanya, ito ang naging kondisyon niya ng mangako ito noon dahil sa pang-iindiyan nito, sapat na  rin siguro ang kanyang ipon pangtustos sa mga ito hanggang sa makabalik siya. Kapag naubos iyon bahala na sila sa buhay nila siguro naman matagal na siyang nakabayad sa utang na loob niya sa mga ito. And speaking of ipon, saan kaya kumukuha ng pera ang mga alien na ito? At talagang afford nila ang ganito kagandang condo.

Sobrang laki ng condo unit na iyon, mukhang bahay na talaga. May tatlo itong kwarto, isa sa kanilang dalawa ni Philcan. Ehh. Kasi naman, magwawala raw ito kapag hindi sila magkatabi baka masira pa nito ang buong building kaya pumayag na lang siya. Eeh.

Hala. Lumandi na. Nakakairita lang.

Heh!

Eeh sa hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Hindi niya kasalanan 'yon. Eeh.

Isa pa. Makaexplain naman. Masyadong defensive. Tinatanong ka ba?

Leche! Murahin kita eh!

Sige murahin mo 'yong sarili mo!

Naputol lang ang pakikipag-away niya sa inner self niya ng pumasok si Philcan na half naked sa kusina. Naibuga niya ang kapeng iniinom.

"Bakit wala kang damit?!" grabe, exposed na exposed na naman ang mga abs nito. One. Two. Three. Four. Five. Six. Oh yeah.

"Anong tinitingnan mo sa tiyan ko?" nakakunot noo ito. Iniharap pa talaga nito iyon.

The innocent jerk. Shit!

Nag-iba siya ng tingin. Mabuti na lang talaga hindi nito alam na pinagnanasaan niya ito minsan. Minsan lang. Oo, minsan. Minsan lang talaga. Hay naku. Sige na, parati!

"Magsuot ka nga ng damit!"

"Ayoko mainit. Sobrang init pala rito sa earth." Umupo ito sa harap niya.

"Dito sa Pilipinas,"sabi niya. "Tapos dinagdagan mo pa," pahabol niyang bulong.

"What are you saying?"

"Nothing,"

"Nasaan ang dalawang pasaway?" tanong nito. Tinutukoy nito ang dalawang kaibigan.

"Isinama ni Celeste, nagrocery kasama rin si Alala,"

Tumango ito, "Tayo lang pala ang nandito,"

"Oo," tipid niyang sagot.

Kaya magbihis ka na dahil baka marape kita ng wala sa oras! Balak niya sanang sabihin.

"Ang bilis nilang maka-adapt sa environment sa earth," sabi nito. Nilalantakan nito ang palaman, "I like this, what is this?"

"Nutella,"

"Delicious, how about this?"

"Hotdog,"

"Philcan?"

Ngumiti ito, "Yes?"

"Hindi ganyan ang pagkain niyan, kagatin mo huwag mong dilaan. Nakakadiri ka!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon