Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)

7.2K 203 2
                                    

"Team work makes the dream work."

Sean, The Darkest Hour

_____

(Abby's Point of View)

"May ibong kakanta kanta sa sanga ng punong mangga. Ang awit kay tamis tamis, ang tunog kay saya saya. Sa himig na kabit kabit ang diwa ay mahalaga, ang buhay mo raw giginhawa rin kung masipag ka,"

Kinakantahan ni Abby ang kanyang tatlong malulusog na anak habang sila lang ang narito sa kanilang kwarto. Pinagpahinga niya muna sina Alala. Nakahiga ang tatlong mumunting anghel sa malaking kama nila ni Philcan.

"Wala si Patrem, sayang hindi niya maririnig ang maganda kong boses," tumawa siya. "Pero sainyo ko lang talaga pinaparinig iyon mga baby ko," pinaglalaruan ni Gilcan ang paa nito, nahahawakan nito ang paa ng dalawang kamay habang si Arccan naman ay nasa bibig ang kamay samantalang si Lorcan ay matamang tinititigan ang kamay nito.

"Ang ibong munti walang anu-ano'y lumipad. Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat, Kahit na dukha, madali kang uunlad. Kung masipag kang lagi, may sagana ang bukas."

Napansin niya sa kanyang peripheral vision na mukhang may nakatitig sa kanyang ginagawang pagkanta. Lumingon siya at nakita niya si Philcan na nakasandig sa may pintuan. Titig na titig ito sa kanila.

Nang mapansin niya ito ay mabagal itong naglakad palapit sa kama. Niyakap siya nito ng makarating sa harap niya.

"Ang bilis namang natapos ng meeting niyo," sa pagkakaalam niya um-attend ito ng meeting ng konseho.

"Oo," tipid na sagot nito. Ramdam niyang mabigat ang dinadala nito. Mukhang hindi maganda ang naging resulta ng meeting.

"May problema ba?" mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya.

"Wala, pagod lang ako," maiksing tugon na naman nito.

Hindi na siya nakatiis, pinaharap niya ito sa kanya at hinawakan ng dalawang kamay ang mukha nito para tumingin ito sa mga mata niya, "Alam kong may problema ka, nararamdam ko, ano bang bumabagabag sa'yo?"

Hindi ito tumugon, "Philcan,"

Hinawakan siya nito sa balikat, "Okay lang ako my kleinos, lagi mong tatandaan, hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo at sa mga parvulus natin," tumingin ito sa tatlong anak bago tumingin ulit sa kanya, "ngayon lang nagkaroon ng saysay ang buhay ko at ngayon lang ako naging masaya ng ganito, hindi ko hahayaang mawala ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako nabubuhay, poprotektahan ko kayo kahit buhay ko pa ang maging kapalit," mahigpit siyang niyakap ulit nito.

"Hindi kami mawawala sa'yo, lagi lang kaming nasa tabi mo, kung ano man 'yang dinadala mo, alam kung makakaya nating lagpasan lahat ng pagsubok basta't magkasama tayo," niyakap niya rin ito. Hindi niya na ito pipiliting magsalita sa ngayon, hahayaan niyang ito ang magsabi sa kanya. Sa ngayon ang kailangan lang nito ay ang kanyang supporta at pang-unawa.

Nang mahimasmasan ito. Humiga rin ito sa kama kahelera ng mga anak. Nilaro-laro nito ang katabing mga anak. Minsan na rin siyang muntik sumuko noon sa bigat ng problema ng mawala ang kanyang mga magulang subalit nalagpasan niya ang lahat ng iyon. Ngayon pa ba siya susuko eh mayroon siyang katuwang noon nga mag-isa lang siya. Alam niyang makakaya nilang lagpasan ito. Afterall siya ang bida sa istoryang ito.

"Kantahan mo na ulit kami, ng ibong kakanta kanta sa sanga ng punong mangga, anong kanta 'yon love? Ibang genre ba 'yon?" ngumingiti ito.

"Ayoko! Nilalait mo na naman ang boses ko!"

"Of course not! You're a good singer, kaya nga in love na in love ako sa'yo," bumabalik na ang sigla nito.

"Nambola ka pa!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon