"I was only a kid when I left Earth, and I had no idea what the universe had in store for me."
Peter Quill, Guardians of the Galaxy
_____Nasaan ka nang kailangan kita? Iyon ang katanungan ni Abby sa kanyang ever loyal friend na si Celeste ng mga oras na iyon habang mag-isa siyang naglalakad pauwi sa kanyang apartment, naindian na naman kasi siya ng kanyang butihing kaibigan. Napag-usapan na nilang magkikita kanina pagkatapos ng kanya-kanyang trabaho pero ang nangyari siya lang ang tumupad sa usapan. Nanggigigil siyang naglakad ng mabilis.
"Makikita talaga ng babaeng tutubi na 'yan! Kukurutin ko ang balunbalunan niya!" bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi pa nga siya nakakapaghello ng unahan na siya ng nasa kabilang linya.
"Hello, Friend pasensiya na kailangan ko lang talagang mag-OT, pasensiya na talaga, sorry," pahayag ng nasa kabilang linya.
"Sino ka?"
"Friend naman, ako ito, 'yong kaibigan mong ubod ng ganda at nakakahiya mang sabihin ubod din sa sex appeal at..,"
Pinutol na niya ang sasabihin nito bago pa siya lalong mainis, "Celestina Asuncion Borje! Kung hindi ka naman pala pupunta eh di sana nagtext ka para hindi na ako nagmukhang tanga sa kakahintay sayo!"
Narinig na lang niya ang paghagulhol ng kanyang kaibigan, "Uy Celeste! Anong nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"
Narinig niyang suminga ito, "Galit ka nga, Binanggit mo pa ang buo kong pangalan, magtetext naman sana ako, kaso naubusan talaga ako ng load, ngayon lang ako nakapagload, tumukas nga lang ako sandali para nga tawagan ka, patawarin mo na ako, promise gagawin ko ang lahat ng gusto mo, mapatawad mo lang ako,"
Ngumisi siya kahit hindi nakikita, "Talaga?" paninigurado niya.
"Oo, kasalanan ko naman kaya dapat lang na magkaroon tayo ng ganitong kasunduan pero huwag naman 'yong sobrang hirap friend, babae ako remember," talagang idiniin pa nito ang pagiging babae.
"O sige, mag-iisip pa ako ng ipapagawa sayo sa ngayon bye bye na, nasa kalsada ako baka mahold up ako nito mas lalong madagdagan ang kasalanan mo,"
"Okay, Your majesty, love you friend!" sobrang bait talaga nito, matapos siyang indianin ngayon naman ay binabaan siya, minsan tinatanong niya sa sarili paano niya kaya naging kaibigan ito.
Sinabi mo kayang ibaba na! Siraulo ka rin! bigla siyang luminga linga sa taas pagkatapos bumaling sa kanyang cellphone. Ang akala niya ay naroon pa ang kanyang kaibigan pero naka-off na iyon. Grabe naman pati ang isasagot ng kaibigan niya kung sakali ay nag-eecho patunay lamang ito na gan'on na lang niya ito kakilala na pati ang kanyang subconscious mind ay nagugulo nito.
Medyo madilim na sa lugar na iyon papasok sa kanila kaya mabilis siyang naglakad. Feeling niya kasi bigla na lang siyang makakakita ng mga kakaibang nilalang sa bahaging iyon.
"Tingin mo, hindi kaya mali lang si Alican sa kanyang hypothesis?" usisa ng isang 'di nakikilalang nilalang sa tabi ng malaking puno sa madilim na bahagi ng lugar na kanina'y pinagtataguan ng mga ito upang hindi sila makita ng maliit na species na pinasusundan sa kanila nitong mga nakaraang araw. Narito sila ngayon sa tinatawag na planetang earth at ang species kanina ay ang tinatawag na tao.
"Kailanman ay hindi nagkamali si Alican sa kanyang mga sapantaha at nais kong ipabatid saiyo na hindi iyon sapantaha kundi isang siyentipikong pag-aanalisa at paglalahad ng mga nakalap na impormasyon base sa kanyang obserbasyon," paliwanag ng kasama nito.
"Hmm..may point ka naman,sige na nga hindi na ako magdududa pero pano tayo makakakuha ng DNA niya?"
"Kailangan nating makalapit sa kanya, iyon naman ang misyon natin dito, ilang araw na rin nating pinag-aaralan ang mga nilalang dito sa tinatawag nilang mundo, madali lang sa atin ang makasalamuha sila sapagkat hindi naman tayo iba sa kanila," ng sabihin sa kanila ang kanilang misyon sa planetang ito ay hindi sila nagdalawang isip dahil para naman ito sa kapakanan ng planetang Xenica. Noong unang dating nila sa planetang ito ay namangha siya dahil parehong-pareho ito ng kanilang planeta, pareho rin sila ng tao, ang akala niya noon ay wala na silang katulad sa buong kalawakan. Ngayon ay napatunayan niya na isa talagang napakalaking misteryo ang sanlibutan.
"Kaya ba natin makisalamuha sa kanila? Although magkapareho ang ating mga katawan at ng tao pero may pagkakaiba pa rin sila sa atin," agam-agam ng kanyang kasama.
Malaki ang punto nito, silang mga Xygus ay may kakaibang kakayahan. Siya ay biniyayaan ng lakas samantalang ang kanyang kasama naman ay bilis. Hindi man sila hybrid gaya ng kanilang kababata biniyayaan naman sila ng mga bituin ng kakaibang kapangyarihan na bukod tangi sa planetang Xenica.
"Pansamantala muna nating huwag gamitin ang kakayahang iyon, makibagay tayo at gawin natin ang mga nakakamangha nilang ginagawa, kailangan nating matapos agad ang misyong ito,"
"Namamangha ka sa ginagawa ng mga tao? Sila'y mga nilalang na hindi ko maintindihan, ngunit tama ka kaibigan kailangan nga nating matapos ng maaga ang misyong ito,"
"Kung magkagayon umalis na tayo sa lugar na ito at paghandaan ang susunod nating gagawing hakbang,"
"Okay, gorabels na akech,"
Tiningnan niya ito ng may pagtataka.
"What? Sinasanay ko lang ang sarili ko sa kanilang paraan sa pagsasalita, narinig ko kanina ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay tayo'y umalis na kung tama ang aking pagkakaintindi,"
Paalis na sila sa lugar na iyon patungo sa kanilang sasakyan, ang Vionus 3X-P1130-HG. Isang highly engineered spacecraft.
"At kanino mo naman nakalap ang mga salitang iyon kung iyong mamarapatin," usisa niya.
"Doon sa dalawang nag-uusap na may kakaibang pananamit, katulad sila ng mga flamingus sa atin,"
"Hindi ba't ang tinutukoy mo'y mga tao bakit katulad sila ng isang hayop sa himpapawid,"
"Itigil mo na nga 'yang pag-uusisa, bumalik na tayo sa sasakyan natin nagugutom na ako," at mabilis na itong nawala sa paningin niya.
Siya naman ay inihanda na ang sarili para tumalon ng napakataas hanggang sa marating niya ang kanilang spacecraft, luminga linga muna siya para makasiguro na walang nakatingi sa kanya bago tuluyang pwinersa ang buong katawan.
BINABASA MO ANG
My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]
Ciencia FicciónSi Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyang mahiyain, mabait at matulungin sa kanyang kapwa pero itinuturing pa rin siyang salot sa lipunan ng mga taong makikitid ang utak na nagkuku...