Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)

14.9K 459 4
                                    

Every generation has a legend. Every journey has a first step. Every saga has a beginning.
Star Wars Episode I: The Phantom Menace

_____

Napakaputi ng paligid. Wala siyang makita kundi puro liwanag. May mga mumunting tinig siyang naririnig. Nararamdaman niyang lumulutang ang kanyang katawan ngunit nakatapak naman ang kanyang mga paa sa puting sahig. Nasaan na siya? Ito ba ang tinatawag nilang kawalan? Hihingi siya ng saklolo pero walang lumalabas na tunog sa kanyang sinasabi. Wala siyang boses. Sumigaw siya ng napakalakas!

Napabalikwas si Abby sa pagkakatulog, pawisan siya at habol habol ang hininga, hinilot hilot niya ang kanyang noo, sumakit ang kanyang ulo sa masamang panaginip na iyon. Akala niya ay totoong nasa ibang dimension siya at may mga alien na kasama. So lahat pala ng iyon ay panaginip lang pati yung nagsasabing mga alien sila, nakahinga siya ng maluwag.

"Grabe parang totoo," humiga ulit siya at pinagmasdan ang dingding.

Unti-unting nagslow motion ang kanyang mga kilos ng mapagtanto na hindi iyon ang dingding niya sa bahay. Dahan-dahan siyang nagmasid sa paligid. Hindi iyon ang kwarto niya, napakacozy ng kwartong iyon at pangmayaman. Ngayon lang din niya naramdaman na sobrang lambot ng kanyang higaan at hindi iyon ang kama niya. Oh no!

"Gising ka na ulit," dahan-dahan siyang bumaling sa nagsalita sa kanyang gilid. Nakita niyang nakatayo doon ang magandang babae sa kanyang panaginip.

"Waaah!" sumigaw siya sa sobrang gulat. Kanina pa ba ito roon? Bakit hindi niya napansin ito?

Hindi man lang ito nataranta sa pagsigaw niya, nakatayo lang ito ng parang gustong ipahiwatig na okay-go-ahead-mahimatay- ka-ulit.

"Mamaya ay pupunta ulit dito si Alpha Alican para kausapin kayo," pahayag lang nito.

Pinilit niyang tumayo kahit gulat na gulat pa rin siya. So, totoo talaga ang panaginip niya, hindi nga pala panaginip dahil totoo talaga, kung totoo man lahat ng nalaman niya pwes gusto na niyang umuwi dahil kapag nagtagal pa siya rito ay mababaliw na talaga siya.

"P'wedeng pakisabi sa Alpha mo o kung sino mang Poncio Pilato na gusto ko ng umuwi dahil may pasok pa ako sa trabaho buka...teka anong oras na ba?"

"Sandali po," yumuko muna ito sa harap niya bago umalis.

Pinagloloko talaga siya ng mga ito, "Alien daw, eh gesture 'yon ng mga koreans na ginawa lang niya!"

Mayamaya pa ay kasama na ng babae ang lalaki sa panaginip niya. Hindi nga pala panaginip totoo nga pala. Note to self: huwag tanga.

"Handa ka na bang makinig?" tanong sa kanya ng nagpakilalang si Alican.

"Handa na akong umuwi," sagot niya.

"Halika, maglakad lakad tayo sa labas," mataman niyang tinitigan ito. Inaarok niya kung ano ang nasa isip nito.

"Huwag mo na akong ihatid sa sakayan kaya kung umuwi mag-isa," hindi siya nito pinansin.

"Tara na," sabi lang nito. Sumunod na lang siya gusto na rin niya talagang umuwi.

Lumabas sila sa napakalaking bahay na iyon, namangha siya sa ganda nito karamihan ay glass at dalawang kulay lang ang nakikita niya. Black and white. Nakasunod lang sa kanila ang babae.

Nang makalabas sila sa bahay mas lalo siyang namangha sa ganda ng paligid as an environmentalist masasabi niyang naalagaan ng husto ang kalikasan sa parteng ito ng mundo. Saan kaya 'to?

Mataas na ang araw pero hindi maalinsangan ang panahon. Napakasariwa ng hangin at ang init na nagmumula sa araw ay hindi masakit.

"Anong lugar 'to?"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon