Pasensya na now lang po ako nakapag UD. Nagkaproblema po kasi ang wattpad acct. ko. Parang may nangialam ng di niya dapat pinapakialaman. Ang nangyari deleted lahat ng natype ko na at iuupdate sana. Tapos ilang araw ko pa siyang di mabuksan. Sorry po for the inconvenience. Anyways. Happy 40k+ reads... Thanks po ulit sa support.
K2-17
"Evocatio Spiritualis de Rogue...Evocatio Spiritualis de Rogue...Evocatio Spiritualis de Rogue..."
Napahawak sa kanyang ulo si Rico. Ang sakit. Parang mabibiak sa sakit. Ilang ulit pang umalingawngaw sa kanyang tenga ang mga salitang iyon na parang siya lamang ang nakakarinig bago niya natagpuan ang sariling papunta na sa pinanggagalingan ng boses. Siya ba ang Rogue na tinutukoy nito? O baka naman ang Rogue na ngayon ay pilit na komokontrol sa katawan niya at pilit inaagaw ang kanyang katauhan.
Kanina ay inipon niya lahat ng natitira niyang lakas at pinaglabanan ang pwersang komokontrol sa kanya para matulungan sina Nora at Nanay Shine. Nagawa niya. Nagawa niya ngunit di nagtagal ay di na naman niya kontrolado ang sarili.
Ngayon nga ay kusa niyang sinusundan ang hanging may dala sa kanya ng makapangyarihang boses na iyon. Ayaw niya. Hindi niya gusto pero ang katawan niya ay kusang kumikilos.
Di nagtagal ay nakita niya ang isang babae. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya agad maino kung sino ang babae. Palapit siya ng palapit dito. Palapit hanggang matuklasan niyang dito nanggagaling ang pagtawag. Nasa gitna ito ng isang nagliliyab na bilog na may dalawang pyramid sa gitna. Ang isa ay nasa ayos at ang isa ay pabaligtad. Sa madaling salita ay nasa loob ng isang pentagram ang babae. Umuusal ito ng di niya mawawaang salita. Gusto niyang umatras. Gusto niyang lumayo ngunit di niya magawa. Masyadong malakas ang kapangyarihang humahatak sa kanya papunta sa bilog. Palapit na siya. Ilang hakbang nalang ay nasa bilog na din siya. Ramdam na niya sa kanyang balat ang nakakapasong init na nagmumula doon. Pinilit niyang huwag humakbang pero ayaw makinig ng kanyang mga paa. Nakita niya na lamang na isang hakbang nalang at nasa loob na siya.
Dugdog...
Dugdog...
Dugdog...
Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Gusto niyang paglabanan. Ayaw niyang pumasok. Ayaw niyang magpaalipin. Pero kusang umangat ang paa niya at humakbang papasok.
...Bogsh...
Lumikha ng malakas ng ingay ang paglapat ng katawan niya sa isang puno. Nagtagumpay siya! Hindi siya nakapasok ng tuluyan sa bilog. Bago pa siya tuluyang makapasok ay tumalsik na siya palayo. Laking tuwa niya dahil sa nangyari. Pero agad ding napalis ang kanyang mga ngiti ng may mapagtanto. Kung andito siya. Sino ang lalaking kasama ng babae sa loob?
"Ang katawan mo ay nasa loob. Kaluluwa mo lang ang nanatili dito sa labas, Rico."
Isang babae ang nagkusang sumagot sa kanyang mga katanungan. Tila nabasa ng babae ang iniisip niya. Lumingon siya at nakita ang pamilyar na itim na mga mata at maamong mukha.
"Ruby?" Agad ay nanulas sa kanyang mga labi ang pangalan nito.
"Magkapareho tayo, Rico, Rogue o kung ano pa man ang totoong pangalan mo." Anitong humakbang palayo sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Aniyang hiniwakan ito sa balikat para pigilan.
Pero napaatras siya ng tumagos lamang ang kamay niya dito.
"Anong ginawa mo sa akin?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya dito.
"Wala akong ginawa. Tulad mo ay biktima rin ako. Biktima rin ako ng propesiya ninyo." Anitong di naitago ang pait sa boses.
"Hindi. Hindi pwede. Kukunin ko ang katawan ko. Hindi pwedeng matuloy ang gusto nila."
Humakbang siya paatras palayo sa babae at palapit naman sa dalawang nilalang na gumagawa ng ritual. Tumigil siya at lumingon sa dalawa. Hindi siya magpapatalo. Hindi siya basta susuko. Tinakbo niya ang distansyang natitira papunta sa mga ito. Pero isang dipa pa lamang ang layo niya ay tumalsik ulit siya palayo. Tumayo naman siya at akmang susugod ulit ngunit pinigilan na siya ni Ruby.
"Masasayang lang ang pagod mo." Walang emosyong anito.
Nakatitig pa ito sa kawalan na wari'y iyon ang nagdidikta ng mga sasabihin nito.
"At anong gusto mong gawin ko? Manood?"
"May isa pang paraan para mapigilan natin sila."
"Ano yun?"
"Kailangan natin ng katawan."
****
"Tui Gratia Sit Cura!"
Parang papel na inihimlay ni Shine ang walang malay na katawan ni Nora matapos niya itong gamutin. Malaking pinsala ang naidulot dito ng paglabas nito ng malakas na kapangyarihan. Di ito kinaya ng dalaga at sobra itong nanghihina. Kailangan nitong magpahinga.
"To sumbolaion diakoneto moi, o turanne phlogos!"
Mga salitang humalo sa hangin at dinala sa pandinig ni Shine. Bigla ang pagdilim ng paligid.
"Nag-uumpisa na!" Mahinang sambit niya.
"Invisique!"
Hindi siya maaring matunton ng mga ito. Hindi pa handa si Nora. Ito na lamang ang tanging pag-asa nila. Nagkaroon ng mga ulap at tumabon iyon sa kanilang kubo. Dahilan para hindi ito makita o matunton ninuman. Pumunta siya sa nakabukas na bintana at pinagmasdan ang nangyayari sa labas. Wari'y gabi na dahil sa kakaibang kadilimang bumalot sa dakong iyon ng kagubatan. Alam niyang nag-uumpisa na ang ritual.
"Epinogegetho, phlox kathorseos, romphaia phologine!"
Kita niyang nagdingas ang gubat. Bawat himaymay ng mga ugat niya ay nanginig sa nakita. Pero hindi pa siya maaring magpakita. Masyadong malakas ang may gawa nito. Hindi niya ito kakayanin mag-isa.
Bukas ng gabi na ang nakatakdang pagluha ng itim na buwan. At bukas na rin mangyayari ang pagsasakatuparan sa propesiya. Prosesiyang siyang magpapahamak sa mga tao. Dahil alam niyang hindi totoo ang sinabi ni Abegail na layunin lamang nitong magkaroon sila ng kasarinlan. Ang nais nito ay masakop ang buong sanlibutan. Pag-iisahin nito ang espiritu nilang dalawa niya Rogue upang maging mas malakas. Pareho lamang ang dalawa. Sakim sa kapangyarihan.
"Rheusanton pur kai theion, a epephlegon-
Tumalikod siya at naglakad palayo sa bintana. Hindi niya kayang makitang tinutupok ng gahiganteng apoy ang gubat. Kung pipigilan niya naman ang nangyayari tiyak pareho silang mapapahamak ni Nora.
"Ex Sommo Exsistal Exunduns Undina Inimicum Immergat in Alveum Vinctus Aquarius!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. May komontra! Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nakita niya ang nakalutang na si Nora. Naliliyab ang mga mata nito sa galit. Napangiti siya at naglaho ang pangamba na kanina ay unti unti ng lumalamon sa kanya. Handa na ito. Handa na si Nora para harapin si Abegail.
To be continued...
Another UD bukas. Promise babawi po ako sa mga pagkukulang ko nitong mga nakaraang araw. Salamat parin po sa inyong suporta. Pasensya na po talaga.