Season 2 - Chapter 7

10.5K 245 10
                                    

Happy 7k+ reads... Di ko po talaga akalaing aabot ng ganito ang mga babasa sa story ko. Thank you po talaga...






Pusang naglalakad sa kisame!

"Rooooogue?!"

Halos maputol ang mga  litid ni Nora sa pagsigaw. Masaklolohan lang kaagad ng asawa. At di nga naglipat minuto at humahangos na dumating ito.

"Bakit mahal anong nangyayari?" Tarantang tanong nito sabay yakap sa kanya upang huminahon siya.

"Mahal may pusa!" Aniyang lalong isiniksik ang sarili dito.

"Mahal naman, eh. Pusa lang naman pala. Bakit ano bang ginawa sayo ng pusa?"

"Hindi naman kasi basta pusa, eh. Pusang nakakalad sa kisame! Normal ba yun?" Nakanguso pa siya habang sinasabi yun.

Nakita niya namang bahagya itong natigilan. Nagmamadali din itong lumabas at inikot ang buong  kabahayan. Pagbalik nito ay halatang galit ito.

"Anong nangyari?" Takang tanong niya dito. Grabe kasi ang reaksyon nito.

"Nakita mo ba kung saan nagpunta ang pusa?" Kunot ang noong tanong nito sa kanya.

Nagtaka naman siya sa naging reaksyon nito. Ngunit napalitan iyon ng pagbungisngis ng may maalala.

"Bakit ka tumatawa?"

Lalong lumalim ang mga gatla nito sa noo dahil sa pagtawa niya.

"Naalala ko kasi na aso ka nga pala. Kaya di katakatakang  galit ka sa pusa."

Alam niya kasing taong lobo ang napangasawa. Wala itong inilihim sa kanya at tanggap niya iyon.

"Koreksyon misis. Lobo po ako at hindi aso." Sinamaan pa siya ng tingin habang sinasabi yun kaya lalo siyang ginanahan sa pang-aasar dito.

"Lobo? Eh diba ikaw yung kumakahol kanina? May lobo bang kumakahol?" Kunway nalilito niyang tanong dito.

"Ikaw talaga inaasar mo lang ako, eh." Niyakap siya nito ng mahigpit at pinugpog ng halik.

Namula naman siya ng husto dahil sa ginawa nito. Natakot tuloy siya bigla dito. Ang alam niya kasi ay wala pang nangyayari sa kanila mula ng ikasal sila. Naaksidente nga kasi siya at nawalan ng alaala.Pero panu na ngayon? Eh diba may naaalala na siya? Pero bakit nga ba siya matatakot kung sakasakali eh kasal naman na sila. Mag-asawa na naman silang dalawa.

Pati pala ito ay natigilan din at ngayon ay nakatitig sa kanya. Nangungusap ang mga mata. Parang gusto niyang magdasal dahil abot abot na ang kaba niya.

"Mahal..." Bulong nito sa may punong tenga niya na naghatid sa kanya ng kakaibang sensasyon.

Lalong bumilis ang tibok na puso niya. Ang mga kamay nito nakayakap sa kanya kanina ngayon ay bahagya ng hinihimas ang likuran niya. Napabuntong hininga siya dahil sa ginawa nito. Para namang naging hudyat iyon para mag-umpisa itong maging mapusok. Inangat nito ang suot niyang pantulog mula sa likod at napaigtad siya ng dumampi sa balat niya ang mainit nitong mga palad. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong naman siya ng mga labi nito. Napalunok siya dahil hindi siya marunong humalik. Napatitig tuloy siya sa nakapikit na lalaki. Tila dalang dala ito sa ginagawa. Naengganyo tuloy siyang gagarin ang ginagawa nito at ginawa niya nga. Lumalim pa lalo ang halik nito ng maramdamang gumaganti siya. Tila siya isang estudyante na sinusundan ang bawat pagkilos ng kanyang  guro upang wag magkamali.

Umalpas ang ungol mula sa lalamunan nito. Marahil ay nagustuhan nito ang pagganti at pagpapaubaya niya dito. Mas lalo pa nitong hinapit ang bewang niya dahilan para lalo siyang mapalapit dito. Napadilat siya ng maramdaman ang kahandaan nito. Ngunit dahil nilukuban na siya ng init na nararamdaman ay muli siyang napapikit. Ramdam niya ang bawat paghaplos nito at ang kakaibang dadamdaming idinudulot nun. Dahil sa nadadala narin siya ay di niya namalayang kapwa na pala sila walang saplot sa katawan. Unti unti ay inihiga siya nito sa naghihintay na papag. Abot abot ang kaba niya habang inaantay ang susunod nitong gagawin.

"Rogue..." Nanginginig ang boses na tawag niya sa pangalan nito. Natatakot talaga siya.

Parang naunawanan naman nito ang nararamdaman niya at kinantilan siya nito ng mabining halik sa mga labi. Muli niyang naipikit ang mga mata ng lumalim ang halik na nagpawala sa kanyang katinuan. Ngunit muli ay napadilat siya ng sumigid ang masidhing sakit na gumuhit sa pagitan ng kanyang mga hita. Tila hinahati sa dalawa ang katawan niya dahil sa sakit.

Samantala. Dahil abala ang dalawa sa ginagawa  ay di nila namalayang may nakamasid pala sa kanila mula sa bubong. Nanlilisik ang mapupulang mga mata nito habang tinitingnan ang mainit na eksena sa ibaba. Nang marinig niya ang paglangitngit ng papag na kawayan ay sinabayan niya iyon ng paglipad.

Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tumatanglaw sa kanyang dinadaanan. Ngunit wala siyang pakialam dahil mas matalas naman ang mata niya sa dilim kaysa pangkaraniwan.

Kinabukasan ay nagising ulit si Nora na may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Nang makita ang mga kamay ng asawa ay humarap siya dito at yumakap. Namula pa siya ng maalala ang mga nangyari kagabi. Kapag nagbunga iyon ay magkakaroon narin siya ng sariling pamilya.

Hinaplos niya ang gwapong mukha ng asawa. Nagulat pa siya ng biglang may kumalabog. Parang may nahulog. Agad siyang naging alerto.

"Rogue? Mahal may tao." Mahinang niyugyog niya ito at pupungaspungas pa ng biglang bumangon para hanapin ang sinasabi niyang tao. Hinila niya naman ito pabalik sa kama. Mukha kasing wala pa ito sa tamang hwesto.

"Ano ka ba. May tao sa labas tapos basta ka nalang lalabas?" Mahinang bulong niya sa tenga nito.

Ipinilig naman nito ang ulo.

"Aalis tayo dito ngayon din."

"Bakit?" Tanong niya kahit parang alam na niya kung ano ang nangyayari. Maaring natuntun na sila ng mga kalahi nito.

Agad siya nitong hinila palabas ng kubo. Ni hindi nito alintanang nakapantulog lamang siya. Halos kaladkarin siya nito sa pagmamadali.

"Rogue, napapagod nako. San ba talaga ang punta natin?"

Tumigil ito at humarap sa kanya. 

"Ssshhh... Wag kang maingay. Tyak nasa paligid lang sila."

"Sino?"

Hindi na nito nasagot ang tanong siya. Dahil mula sa kung saan ay bigla nalang lamang silang inatake ng mga ibon. Hindi lang basta mga ibon kundi mga uwak. Maraming uwak.

Dumampot ng mahabang kawayan ang asawa niya at bawat lumalapit ay hinahampas nito. Nakahawak lang siya sa braso nito sa takot na baka may masamang nangyari kapag nagkahiwalay sila.

Abala ito sa paghampas at pagsangga sa bawat sumusugod. Siya naman ay nagtatago sa likod nito. Hindi na lamang siya kumapit dahil nadadala siya tuwing may hinahampas ito. Napakalakas ng tahip ng dibdib niya. Kanina pa sila doon pero hindi parin nauubos ang mga uwak sumusugod sa kanila.

Dahil abala ay hindi nila namalayang may mas malaking lumilipad nilalang ang palapit din sa kanila. Nilalamon ng ingay ng mga uwak ang ingay ng bawat pagaspas ng pakpak nito. Matulin ang paglipad at tila kabisado ang daang tinatahak. Papunta sa kanya. Ngunit bago pa man siya nadagit ng nasabing nilalang ay may nauna ng humila sa kanya.  

"Rooooogue."

Nabiglang tila niya pero dahil abala ang asawa ay hindi nito iyon napansin.

"Bitiwan mo ko. Halimaw ka!"

Nagpupumilas siya panu naman kasi ay walang pakundangan siyang hinihila nito. Humarap naman ito at nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang humila sa kanya. Pero bago pa man niya mausal ang pangalan nito ay may inusal ito na siyang naging dahilan para kusa niyang ipikit ang mga mata at makatulog.


To be continued...






























Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana po nagustuhan niyo tong chapter na to. Wag pong kalimutan. Vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow kung pwede. Sana rin ay supurtahan niyo yung iba ko pang story. Yung "Gayuma" tsaka "Sumigaw Tumakbo Magtago". Nasa acct. ko po. Yung iba hindi ko muna ipapabasa kasi iniedit ko pa. Maraming salamat po ulit.


Mitch...

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon