Season 2-Chapter 10

9.8K 208 2
                                    

Hala ang bilis! Ilang araw lang akong hindi sumilip 15k na yung reads? Salamat po sa pagbabasa, huh. :)
Happy 15k reads... Pasensya na kung ngayon ko lang madudugtungan. Medyo busy po kasi. Salamat din po sa mga nag add ng story ko sa kanilang reading list. Sana'y di po kayo nagsisi.  Enjoy reading...

K2-10

"Tiyo Berting?!"

Malakas na tawag ni Nora sa matanda. Kulang nalang ay wasakin niya ang pinto upang mapagbuksan agad siya.

Sa loob naman ay pupungaspungas ang nagising na matanda.

"Nora? Anong nangyari?" Takang tanong niya dito ng mabungarang tila tarantang taranta ang babae.

"Si Rogue po!" Anito.

At kahit pangalan pa lang ng kanyang pamangkin ang nababanggit nito ay agad siyang namutla. Nangyari na!

"Ito na nga ba ang kinakatakutan ko."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Kinuha nila si Rogue para matupad ang isang propesiya."

"Propesiya?"

"Naniniwala silang si Rogue ang magiging susi ng tagumpay ng mga aswang laban sa mga tao."

"Panu niyo po nalamang aswang ang ang kumuha sa kanya? Wala pa naman po akong sinasabi, ah."

"Ineng, may mga bagay bagay talagang mahirap ipaliwanag" Nakangiti nitong paliwanag sa kanya.

Lalong nangunot ang noo niya habang nakatingin sa matanda na nakatanaw na ngayon sa malayo. Hanggang mag-umpisa itong magkwento.

"Halos isangdaang taon na ang lumipas simula ng mag-ibigan sina Abegail at Rogue."

"Abegail? Parang pamilyar ho ang pangalang Abegail." Aniyang pilit inaalala kung saan nga ba niya narinig ang pangalang Abegail.

"Isa siyang mangkukulam nung aming kapanahunan. Sila ang pinakamakapangyarihan nung panahong iyon. Nagawa niya pa ngang pag-isahin ang mundo ng mga tao at mundo naming mga hindi ordinaryong nilalang. Doon nagsimula ang mga pagtugis. Inilayo sa kanya si Rogue dahil sakim siya. Pilit niyang kinukuha ang buong kapangyarihan at mapasakanya ang sanlibutan. Nang maghiwalay sila ni Rogue ay nagawa niyang gawing mas malakas ang kanyang kapangyarihan. Hindi siya tumatanda. At nakakapagpalit anyo siya."

"Palit anyo? Ang dati ko pong kaibigan na si Ruby ay kayang gawin yan."

Lumingon sa kanya ang matanda bago uling nagsalita. Nakabadha sa mukha nito ang takot at pagkabigla.

"Kung ganun meron nga siyang tagapagmana!"

Samantala... Si Ruby ay wala paring malay sa lugar kung saan siya iniwan nina Rogue at Nora. Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag-itim ng kalangitan at pagdalaw sa kanya ng isang pangyayaring kanya ng nakalimutan.

"Yan ba yung transferee?"

Dinig niyang bulungan ng mga kapwa estudyante sa paligid niya. Lalo tuloy siyang napayakap sa kanyang hawak na maynika. Takot na kasi siyang mapagtripan. Lagi nalang kasi siyang napapagtripan. Nakayuko siya habang yakap yakap ang maynika ng bigla na lang siyang matalisod.

Pag-angat niya ng tingin ay mga babaeng mukhang ang sososyal ang kanyang nabungaran.

"May party mamayang gabi sa auditorium. You should go. Para magkaroon ka naman ng mga kaibigan." Anitong inilaglag sa harap niya ang isang sulat. Malamang ay isang invitation.

Tinitigan niyang maigi ang papel. Tama! Baka iyon na ang maging susi para magkaroon siya ng mga kaibigan.

Kinagabihan...

"Oh anak, ba't ganyan ang bihis mo san ka ba pupunta?" May halong pagtatakang tanong ng knyang Ina. Katakataka nmn kc talaga ang suot niya. Nakahalloween outfit siya sa kalagitnaan ng summer season.

"May party po kc sa school, Ma. Costume party po at ito ang naassign na costume para sa akin. Bakit pangit po ba?"

"Hindi nmn anak. Nag-alala lang ako. Talaga bang costume party yun at kailangang yan ang isuot mo?"

"Oo nga po. Tsaka promise ma mag-iingat po ako."

Nag-aalala talaga ito para sa kanya. Tranferee kc siya  at biktima ng bullying sa dating pinapasukan. Pro sana nga ay totoong magkakaroon na siya ng kaibigan.

"Alis na po ako, Ma."

Nagtaxi siya papunta sa school nila. Dyahe nmn kcng magjeep sa ayos niya. Excited na kinakabahan siya sa party dahil first time niya yun. Pagbabang pagbaba niya ng taksi ay sumalubong agad sa kanya ang maingay na musika mula sa loob ng auditorium na siyang pagdadausan ng party. Kinakabahang pumasok na siya kahit nagtataka sa reaksyon ng mga nakakasalubong niya.

"Ba't ganyan ang ayos mo ineng?"

Di napigilang tanong ng kanilang school janitor.

"Eto po kc ang nakaassign na costume ko manong." Nakangiting sagot niya.

"Aba'y akala ko ba masquerade party ang mngyayari ngayon? Costume party pala?"

Napalis ang ngiti niya dahil sa sinabi ng matanda. Kaya pala siya tiningnan at pinagtatawanan kanina. Nakahalloween costume pala siyang pumunta sa isang masquerade party.

"Guys, I found her?" Narinig niyang anunsiyo ng nasa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay napagtanto niyang siya ang tinutukoy nito. Dumating ang iba pang mga kasama nito at pinilit siyang ipasok sa loob ng auditorium.

"Attention everyone! May early Halloween treat kami para sa inyo. Eto pagdamutan niyo." Malakas na pahayag ng lalaking may hawak sa kanya sabay tulak sa kanya sa mga estudyanteng nandun. Pinagpasapasahan siya ng mga ito. Tinadyakan, dinuraan, minura,ininsulto at kung anu ano pa.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ba ako ginaganito?"

"Ang kasalanan mo ay dahil pangit ka."

"At di ka lang basta pangit. You're freak."

Nagpaulit ulit ang mga salitang iyon. Tila pilit ipinapasok na isa siyang freak. Nagpabilingbiling siya hanggang humihingal na nagising. Literal na nag-apoy ang mga mata niya sa naalala. At parang wala sa sariling bumigkas ng mga salitang latin. Mga salitang kusang humalo sa hangin at tila alam ang sariling daan na nagtuloytuloy hanggang sa makarating sa pandinig ng pinaparatingan.

"Redde, mi Amicce!"

To be continued...

Maraming salamat po sa pagbabasa. Natatandaan niyo po ba ang eksenang naalala ni Ruby? Hmmm... Siguro. :)

Sana po suportahan niyo din yung iba ko pang stories.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon