Final Season-Chapter 2

7.7K 171 10
                                    

Pasensya na po now lang ako nakapag UD. Nawala na po kasi yung free wattpad... Dun lang po kasi ako umaasa. hehehe... Ngayon po free wifi kung meron. hahaha... Anyways, marami pong salamat sa mga nagvote at nagcomment sa last chapter. Para po sa inyong lahat ang chapter na ito.

















K3-2

"Rico? Pinuntahan ka ni Rico?" Mahinang usal ni Ruby pero sapat na para marinig ng tuliro paring si Nora.

Naglakad naman si Ruby papunta sa harap nito at niyugyog sa balikat ang dalaga. Nagdududa kasi siya kung talagang gising na nga ang kaibigan. Mukha kasi talaga itong wala sa sarili. Pero pumiksi ito dahil sa ginawa niya kaya bahagya siyang napaurong.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong nito bago marahas na kinuha ang kamay na hawak parin niya.

"Panu mo nasisigurong nagpunta si Rico dito kanina? Nakita mo ba siya? Na-

"Bakit ba ganyan ka kung makapagtanong? Ano bang meron?" Putol nito sa sasabihin niya pa sana. At wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sabihin dito ang katotohanan.

"Nora, imposibleng nagpunta dito si Rico." Mahinahon niyang wika. Tiningnan niyang maigi ang reaksyon ng dalaga. Kumunot ang noo nito na parang nag-aakusa.

"Pan-

"Naaksidente si Rico. Nabangga ang sasakyan niya habang papunta siya dito. Nadaan ko nung papunta rin ako dito." Kitang kita niya kung panu nanlaki ang mata ng kaibigan sa nalaman. 

"Ano?" Iiling iling si Nora habang sapo ang sumasakit na ulo. Palagi na lamang bang ganito? Bakit kung kelan maayos na ang lahat ay saka naman siya magkakaproblema? Pero imposible! Hindi kaya niloloko lang siya ni Ruby? Dahil sa naisip ay biglang nanumbalik ang kanyang lakas.

"Saang ospital siya dinala?" Agad ay tanong niya dito.

"Hindi siya sa ospital dinala." Nagpalakad lakad ito sa harap niya habang nagsasalita. At sa di niya malamang kadahilan ay parang kating kati siyang kantihin ang kaibigan. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Baka kasi hindi siya makapagpigil.

"Ano? Bakit?" Naguguluhang tanong niya dito. Ipinilig niya ang ulo ngunit tuwing mapapadako siya sa mukha ni Ruby ay parang may nag-uutos talaga sa kanyang saktan ito.

"Nasa Manawang siya. Hindi siya maari sa ospital dahil tiyak malalaman ng mga doktor na hindi siya ordinaryo . Baka hindi na siya makalabas ng ospital at maisipan pa ng mga ito na pag eksperimentuhan siya."

Nanlumong muling napaupo si Nora. Isa kasi sa spell na inilagay ni Nanay Shine ay ang pagbabawal sa kanya na makapasok pang muli sa baryo. Tanging ang mga ito lamang ang maaring makapasok. Sina Rico, Nanay Shine at Ruby. Pero ni isa sa mga nasa loob ay di maaring lumabas. Ikamamatay nila kung pipilitin nilang makalampas sa harang.

"Ako ang nagdala sa kanya doon." Agad ay parang nanlaki ang mga tenga niya sa narinig. Parang di na siya makakapagtimpi pa.

"Dapat dito mo nalang siya dinala. Tsaka alam kong siya yung nagpunta dito kanina. Naramdaman ko ang presensiya niya." Humarap na siya dito habang nanlalaki ang mga mata.

"Impo-

"Pwede bang tigilan mo na ako sa kakasabi mo ng imposible! Sawang sawa na ako sa kakakontra mo sa desisyon ko, Ruby!" Talagang hindi niya na kayang pigilan ang sarili. Parang may kung anong bagay na gustong humulagpos mula sa kanyang kalooblooban.

"Nora wag ngayon."

"Anong wag ngayon? Kung di dahil sa paglilihim mo sa tunay mong katauhan sana wala tayo sa sitwasyong to!" Ikinumpas niya ang kamay at tumilapon papunta sa babae ang mga paso na nasa terrace ng apartment. Pero iniwasan lang iyon ni Ruby. Mas pinili niyang pagpasensyahan ang kaibigan. Ayaw niya rin itong saktan. Sigurado siyang nabigla lang ito at naguguluhan. 

Si Nora naman ay talagang hindi niya maintindihan kung bakit napakasarap sa pakiramdam niya ang makapanakit. Gusto niyang saktan ang dalaga. Marahil dahil ito ngayon ang nasa harapan niya.

"Ahhhhhhhhh..." Sumigaw siya ng napakalakas. Naging dahilan iyon para matangay ng malakas na pwersa si Ruby at magtuloy tuloy sa may terasa ng di parin lumalaban. Sinundan  naman niya ito ng makita niyang mahulog ang dalaga. Yumuko siya para tingnan ito.

"Levitato!" Lumutang ang katawan nito at bumalik papunta sa kanya. Nakamata lang ito sa kanya kaya lalo siyang napikon. Inilapit niya sa mukha niya ang dalaga at ubod lakas na sumigaw. Kitang kita ng dalawang mata niya kung paanong naging abo at humalo sa hangin ang hawak.

"Clone!" Naiinis na sambit niya. Lalo tuloy siyang nanggigil. Lumutang siya pababa ng bigla nalang may kung anong tumilapon papunta sa kanya. Tumama iyon sa kanyang tiyan dahilan para maging siya ay tumilapon.

Naramdaman niya ang pagsigid ng kakaibang kirot sa bahagi niyang tinamaan papunta sa puson hanggang sa pagitan ng kanyang hita. Mayamaya lang ay naramdaman naman niyang parang may gustong lumabas doon. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita kung ano ang lumabas mula doon na siyang dumaloy papunta sa kanyang mga hita ng tumayo siya. Dugo!

"Ahhhhhhhhh..." Muli siyang napasigaw ng biglang humilab ang kanyang tiyan. Parang may gustong lumabas mula doon. Kitang kita niyang may gumagalaw sa loob ng kanyang tiyan.  At lalo pa siyang napasigaw ng may kung anong bagay ang sumabay sa dugong umaagos mula sa pagitan ng kanyang hita. Naramdaman niyang may sumalo sa kanya kasabay ng tuluyan ng pagkabuwal at pagkawala ng kanyang malay tao.

To be continued...






Marami pong salamat sa pagbabasa. Once a week na lamang po ang UD ko. Please vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow narin.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon