Masayang hinimashimas ni Ruby ang lumalaki ng tiyan habang masayang nakatunghay kay Nora na habol naman ng habol sa dalawang taong gulang na si Rino. Sobrang kulit ng bata. Ang kanilang mga asawa naman ay masayang nagkukuwentuhan habang nag-iinuman. Parang kelan lang nangyari ang mga pagsubok na lubhang sumubok sa katatagan nila. Pero ngayon ay heto na sila at masayang tinatamasa ang bunga ng kanilang tagumpay. Wala ng sinumang magnanakaw sa katahimikang pilit nilang ipinaglaban ng patayan. Tumayo siya para sana puntahan ang Ina ng bigla na lamang humilab ang kanyang tiyan.
"N-nora? M-meeeerrrcyyyyy..." Isang nakakabinging tili ang umalpas mula sa kanyang lalamunan kasabay ng pagdaloy ng mainit na bagay sa kanyang mga hita. Agad namang siyang nilapitan ng mga ito at dinaluhan. Tinawagan ng kanyang Ina ang pinakamagaling na kumadrona sa kanilang bayan para siyang magpaanak sa kanya.
"Ire, iha. Sige na Ire lang." Hinihingal na ang matandang kumadrona na siyang dumalo sa kanya. Panay na ang punas nito sa tumatagaktak na pawis. Siya naman ay ginawa na ang lahat ay tila ayaw paring lumabas ng anak niya.
"Shine, dapat siguro ay dalhin na natin sa ospital si Ruby." Suhestiyon ng matanda na agad nman sanang inayunan ng kanyang Ina. Binalingan siya nito ng tingin ngunit isang iling lamang ang kanyang naitugon dahil wala na siyang natitirang lakas pa.
"Si Mercylito." Halos pabulong na lamang ang pagkakabigkas niya sa pangalan ng asawa. Pero sapat na iyon para dali daling tawagin ng kanyang Ina ang kanyang asawa na nasa labas lamang. Ayaw kasi siya nitong panooring nanganganak. Mas nanatakot pa daw to kaysa kanya.
"Mahal, ayos ka lang ba?" Di naglipat minuto at hawak hawak na ng nanlalamig na kamay ni Mercylito kanyang kamay.
"Dito ka lang pwde?" Pakiusap niya sa lalaki.
"Sige pangako dito lang ako."
"Mahal na mahal kita, Mercylito." Buong pagmamahal niyang hinaplos ang mukha nito.
"Mas mahal kita, Ruby."
Sapat na ang salitang binitawan nito para muling manumbalik ang kanyang lakas. Umire siya ng ubod ng lakas na naging dahilan para lumabas ang isang sanggol na lalaki."Lalaki ang anak niyo, Mercy. Lalaki." Masayang balita ng kumadrona na ikinakunot noo ng lalaki. Panu naman kasi ayun sa ultrasound ay babae ng anak nila. Panu nangyaring naging isang lalaki. Akmang ihihiga na sana ng matanda ang bata sa tabi ni Ruby na bigla silang makarinig ng isa pang munting iyak. Parang iisang tao na bumaling ang kanilang tingin sa may paanan ni Ruby. May isa pang sanggol. Isang malusog na sanggol na babae. Kambal ang anak nila.
"Mahal, kambal ang anak natin mahal. Kambal!" Masayang balita ni Mercy sa walang kaimik imik na si Ruby.
"M-mahal? R-ruby?" Nanginginig ang mga kamay na inibot niya ang maamong mukha ng asawa.
"Wala na siya, Mercy." Nanlulumong ani Nanay Shine sa kanya. Hawak nito sa pulso ang asawa niya habang unti unting namamalisbis ang mga luha nito.
"Hindi. Hiiiinnnndiiiii..." Parang pinagsakluban ng langit na tangis niya pero wala na. Wala na ang kanyang minamahal na si Ruby. Kahit pa anong gawin niya ay wala ng mangyayari. Inabot niya ang kambal at sabay na inakap.
"Hindi ko kayo pababayaan, pangako."
"Anong nangyari?" Anang naguguluhang si Nora. Kita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito ng makita ang wala ng buhay na si Ruby.
"Bubuhayin ko siya. Kaya ko siyang buhayin!" Ngayon ay umiiyak na pilit binabangon ni Nora si Ruby.
"Tama na, Nora." Niyakap naman siya ni Rico upang tumigil na sa pagyugyog sa babae. Napayakap nalang sya dito at dun umiyak ng umiyak.
Mabilis na lumipas ang araw hanggang kailangan na nilang ilibing si Ruby.
"Paalam, Ruby. Hindi ka namin malilimutan." Bawat isa sa kanila tumatangis na kanikanilang pamamaalam. Ayaw man nilang bitawan pa ang babae ay kailangan. Di na ito bahagi ng mundong kinabibilangan nila. Kailangan na nitong lumisan at magpunta sa lugar kung saan ito nararapat. Pagkatapos ng lahat ng pagsubok na kanilang pinagdaanan ay dun pa ito sumuko kung kelan malaya na sila. Mananatili na lamang isang magandang alaala sa kanilang buhay si Ruby. Nawala man ito ay patuloy naman nilang tatamasain ang kalayaang sabay nilang isinulong at ipninaglaban.
The end....
Pasensya na po sa sabaw na ending...
![](https://img.wattpad.com/cover/24973679-288-k666744.jpg)