Chapter 8

15.3K 348 10
                                    

( This chapter is dedicated to cherry1990. Thanks sa pagbabasa,dear.)


"Ba't kaya di pa lumalabas si Ruby?" Takang tanong ni Nora kay Mercylito.

"Ewan baka may sakit."

"Hindi kaya?"

"Ano?"

"May susi ka ba dyan? Natatakot ako, eh. Kasi diba sina Joboy at Zhed tapos ngayon si Ruby hindi natin alam kung ano nangyayari."

"Teka kukunin ko." Umalis ito sandali at ng bumalik at dala na ang susi. Binuksan nito ang pinto ng kwarto at bumungad agad sa kanila ang himbing na himbing na si Ruby. Nilapitan agad ito ni Nora at niyugyog ngunit napaatras agad siya ng maramdaman niyang napakalamig nito.

"Bakit?" Takang tanong ni Mercylito sa kanya.  Nang di siya sumagot ay ito naman ang lumapit kay Ruby at para itong naengkanto ng tumingin sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Agad nitong binuhat si Ruby.

"Tumawag ka ng tricycle dali." Agad naman siyang naghanap ng tricycle at sumakay doon para maitakbo si Ruby sa pinakamalapit na ospital. Agad nilang sinabi na emergency iyon para maasikaso sila.

"May vital sign, doc. Pero sobrang lamig po ng katawan ng pasyente." Anang nurse na nag-asikaso kay Ruby. Pinalabas sila nito upang doon nalang mag-antay ng resulta.

"Nora tawagan mo na si Nanay Shine para alam niya ang nangyayari kay Ruby." Ani Mercylito.

"Sige sige." Aniyang dinial ang no. ng Nanay ni Ruby.

"Hello."

Bungad ng nasa kabilang linya.

"Nay, shine si Ruby ho andito sa ospital. Kanina ho kasi di na namin siya magising tapos ang lamig pa po paghipo ko. Kya ito sinugod na po namin siya dito."

"Buti naman kung ganun. Sige ilabas niyo siya dyan at dalhin niyo dito sa Siquijor ngayon din."

"Ho?"

"Sundin mo na lahat ng sinabi ko at pumunta na kayo dito. Pagdating niyo dito saka ko ipapaliwanag. At isa pa wag na wag kayong matutulog."Anitong pinutol na ang tawag.

"Nay shine?" Tila nawawalan ng pag-asang tawag ni Nora dito ngunit wala na talaga ito sa kabilang linya.

"Ano na?"

"Kailangan daw nating dalhin si Ruby sa Siquijor ngayon din."

"Bakit daw? Tsaka wala siyang malay, eh. At tiyak din di siya papayagang lumabas ng doktor."

"Ewan ko pero tingin ko may kinalaman ito sa mga nangyayari sa ating mga kababalaghan ngayon. Pati na-

Natigilan si Nora sa dapat sana'y sasabihin ng bigla nalang silang itinurong dalawa ng pasyenteng nakawheel chair na dumaan sa kanila.

"Susunod na kayong dalawa."Anitong nagbigay ng di maipaliwanag na kilabot sa kanila.

"Kailangan na nating umalis dito. Natatakot na ako."Nanginginig na pahayag ni Nora sakto namang labas ng doctor mula sa ICU.

"She's in coma right now. Oobserbahan pa namin siya." Anang doctor bago sila iniwan. Nagkatinginan naman sila ng umalis ang doctor at tila nagkakaintindihang naghanda agad ng wheel chair si Nora at dun isinakay si Ruby. Pasimple silang pumuslit ng lab gown at walang anumang dumaan sa exit ng ospital. Pagkalabas nila ay binuhat agad ni Mercylito si Ruby.

"Boss, ano hong nangyayari dyan?" Takang tanong ng taxi driver ng makita si Ruby.

"Wag n ho kayong magtanong. Sa pier ho tayo." Pinasibad naman agad ng driver ang sasakyan kaya di nagtagal ay nasa pier na sila. Ilang oras pa ang byahe papuntang Siquijor at tiyak gagabihin sila. Pero kailangang di sila makatulog.

"Mercylito sabi nga pala ni Nanay Shine bawal daw tayong matulog ani Nora dito ng mapansing nakasandal na ito sa upuan at anyong matutulog na.

"Hindi ako natutulog. Nag-iisip lang. Sige may pupuntahan lang ako saglit." Paalam nito.

Di naman namalayan ni Nora ang paglipas ng sandali dahil tila siya untu unting iginugupo ng antok. Hanggang maidlip siyang tuluyan.

"Huh? Ano yun?" Takang napalingon siya sa paligid ng makarinig ng kaluskos. Tumayo siya para tingnan kung ano ang may likha ng ingay. Napunta siya sa may dulo ng mga upuan at dun may nakita siyang nakatalikod. Si Ruby.

"Ruby?" Tawag niya dito ngunit ganun nalang ang panlalaki ng mata niya makitang hindi si Ruby iyon kundi si Abegail. Wak2x ang dibdib at tiyan nito, walang mga mata at umabot na hanggang tenga ang laki ng bibig.  Mabilis itong nakalapit sa kanya habang sinasabihan siyang isusunod siya nito. Umatras naman siya ng umatras hanggang maramdaman niya ang malamig na bakal sa likod niya. Tumingin siya sa dagat at sa papalapit na si Abegail. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tumalon. Akala niya pagtumalon siya hindi na siya susundan nito ngunit mali siya dahil tumalon din ito at ngayon ay nakalutang na sa tubig.

"Nora, nora gising." Yugyog dito ni Mercylito ngunit ayaw n din nitong magising at malamig na ding tulad ni Ruby. Kailangan na talaga niyang makarating kaagad ng Siquijor. Isang oras pa ang lumipas at pilit paring nilalabanan ni Mercylito ang antok. Malapit na sana siyang igupo ng antok ng bigla nalang nagpatay sindi ang ilaw. Nahintakutang napahawak siya sa dalawang babaeng ngayon ay nasa magkabilang panig niya. Panay ang linga niya sa paligid ng bigla nalang tumayo si Nora. Hinila niya ito ngunit mas malakas ito. Patay sindi parin ang ilaw at kitang kita niya na pumasok ito sa isang pintuan. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Kung susundan niya si Nora maiiwan si Ruby. Pag di naman niya susundan si Nora baka kung anong mangyari dito. Nag-isip siya ng dapat gawin ng huminto naman sa pagpatay sindi ang ilaw. Tiningnan niya ang himbing na si Ruby bago sinilip ang pintong pinasukan ni Nora. Nakita niyang andun ang babae nakabulagta. Pilit niyang binuksan ang pinto. Sakto namang nagising si Nora at nakita siya nito. Piangtulungan nila ang pinto pra mabuksan. Di nagtagal ay bumukas ang pinto. Agad naman siyang niyakap ng takot na takot na si Nora.

"Wag kang lalapit sa kanya." Narinig niyang tila bulong sa kanya ng isang tinig na sumasabay lang sa hangin. Ngunit di niya iyon pinansin sa pag-aakalang guniguni niya lang iyon. Lumingon siya at nakitang andun parin si Ruby ngunit dahil sa ginawang iyon ay di niya nakita ang malademonyong pagngiti ni Nora.

To be continued...

Maraming salamat po sa pagbabasa... Please vote, leave a comment and share. Pafollow narin po.

❤❤❤ Mitch

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon