Hindi alam ni Rico kung paano niya pa nagawang ihatid ng maayos si Ruby sa bahay nito. Oo nga at hindi niya alam kung saan ito nakatira pero may sarili rin naman siyang pamamaraan para malaman iyon. Isang paraang ayaw niya na sanang gamitin dahil ayaw niyang panghimasukan ang buhay ng ibang nilalang sa kanyang paligid. Tiyak niyang magugulat ang Ina ng dalaga pagnakita nitong nakahiga sa may labas ng pintuan ng mga ito ang anak.
Panihamad na inilubog niya ang buong katawan sa loob ng bathtub. Kasalukuyan kasi siyang naliligo upang lalo pang mahimasmasan. Kahit nakalubog sa tubig ay alam niya ang nangyayari sa paligid. Mas malakas ng limang beses ang kanyang pandama kaysa isang ordinaryong nilalang. Kaya ramdam niyang may nakapasok sa bahay niya. Tatlo sila. Ang isa ay nasa kusina, ang isa pa ay nasa sala at ang huli ay papunta na sa silid niya.
Dinig na dinig niya ang dahan dahang paghakbang ng lalaking papunta sa kanyang silid. Alam niyang lalaki iyon base narin sa bigat na mga hakbang nito. At ilang hakbang nalang ay nasa tapat na ito ng silid niya.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat....
Lima...
...Eeeeeeng...
Pumihit pabukas ang pinto. Agad niyang ikinubli ang sarili sa ilalim ng tubig.
"Rogue, alam kong andito ka naamoy kita. Naaamoy ko ang dugo mong napakalansa."
Ang kapatid pala niyang si Rufo ang dumating. Rogue! Kay tagal na niyang hindi naririnig ang pangalang iyon. Tama siya si Rogue. Ang pangalang kaakibat ng propesiyang kanyang tinatakasan.
"Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong niya dito.
Umahon siya sa tubig at hinayaang tumulo ang tubig mula sa hubad niyang katawan. Ito talaga siya taliwas sa imaheng pinapakita niya sa eskwelahang pinapasukan. Sabi nga ng mga schoolmate niya ay lampa siya. Pero hindi pa talaga nakikilala ng mga ito ang tunay na siya.
"Alam mo naman kung anong isinadya ko dito diba, kapatid?" Nakangising tanong nito. At tama naman ito. Alam na alam niya ang sadya nito. Pera. Pera para suportahan ang mga luho nito. Siya ang sumusuporta sa kapatid para narin protektahan siya nito. Higit kanino man kasi ito lang ang may kakayahang mahanap siya.
Kinuha niya ang kanyang cheke at inilagay ang halagang sa tingin niya ay sasapat na upang suportahan ito s buong buwan. Isang milyong piso!
Nakangising kinuha nito sa kanya ang cheke at parang walang anumang umalis. Ni hindi man lang siya nito pinasalamatan. Pero sanay na siya. Ganun naman talaga ito. Kunsabagay ay hindi naman talaga sila magkapatid na buo. Half brother niya lang ito. Kapatid sa ama to be exact.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Wala ng anumang bakas na may naging pagbabago sa katawan niya kagabi. Siya na uli si Rico. Ang lampang si Rico. Napabuntong hiningang muli na siyang nagbihis. Kailangan niya pang puntahan si Ruby para masiguradong maayos ito.
Hindi pa siya nakakalabas ng tuluyan sa silid niya ng makarinig siya ng sunod sunod na pagkatok.
Tok...
Tok...
Tok...
Tiningnan niya ang orasan. Alas sais pa lamang. Sino naman kaya ang pupunta sa kanya ng ganun kaaga? Hindi kaya natuntun na siya ng mga kauri niya? Pero kung ang mga ito nga ang dumating ay hindi na ito kakatok pa. Katulad ng kapatid niya at basta na lang ito papasok na parang pag-aari ang bahay niya. Sisilip pa sana siya sa bintana ng bigla ay hindi lang pagkatok kundi may bumabayo narin sa pinto. Naalarma siya. Pero napalitan din agad iyon ng pagtataka ng may sumigaw mula sa labas.
"Rico! Rico lumabas ka dyan! Ilabas mo si Ruby! Ilabas mo ang best friend ko! "
Si Nora! Pero bakit sa kanya nito hinahanap si Ruby?
To be continued...
Last UD for this year. Next year ulit. Hahaha... Kung makanext yera parang ang tagal pa noh. Samantalang bukas new year na. Happy New Year, everyone. Maraming salamat po ulit sa inyong suporta. Sana wag kayong magsawa. Mahal na mahal ko po kayo. Don't forget to vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow narin...
Mitch