Season 2-Chapter 13

10.1K 210 7
                                    

Happy 21k+ reads. At tsaka marami pong salamat dahil nasa #12 na rank po ang story ko. Kayo po ang dahilan ng lahat ng yun. Salamuch po talaga.







K2-13

"Nay Shine, ano pong ginagawa niyo?" Usisa ni Nora dito ng makitang nagsisiga ito. Lumalaki na ang apoy kaya mukhang kanina pa ito doon.

"Naghahanda para sa ritwal." Kaswal na sagot nito.

"Para ho saan?"

"Para ipaghiganti ang anak ko."

"Ho? Ano hong ibig niyong sabihin?"

Nagtaka siya sa tinuran nito. Anong ganti? Bakit naman nito ipaghihiganti si Ruby? At saka kanino?Parang nakuha naman agad nito ang gusto niyang malaman. At nag-umpisa na nga itong magkwento.

"Galit si Ruby sa akin. Iyon ang dahilan kaya hindi kami magkasama sa isang bubong. Ako ksi ang sinisisi niya sa pagkawala ng ate niya." Anito habang patuloy parin sa paglalagay ng mga tuyong dahon at sanga sa siga.

"Yung tinutukoy niyo ho ba ay yung nagbigay sa kanya nung maynika?"

"Oo. Malapit kasi silang dalawa. Ang hindi niya alam ay kaya nawala ang ate niya ay dahil sa kagagawan ni Abegail. Pumapasok si Abegail sa kahit kaninong katawan niya maibigan. At habang nagtatagal siya sa katawang iyon ay unti unti niyang sinasakop ang sistema nito. Hanggang aariin niya ng kanya ang katawan at maging kaanyuan nito ay isusunod niya narin sa naisin niya. At kailan man ay hindi mo na ito makikilala pa." Pagpapatuloy nito.

Sumulyap ulit sa kanya ang may edad ng babae bago muling nagsalita.

"Noong una akala ko napatawad na ako ni Ruby kaya siya sumama sa akin. Pero habang tumatagal ay nararamdaman kong may kakaiba. Pakiramdam ko may ibang komokontrol sa kanya. Bakit ko alam? Dahil ganun din ang nangyari noon kay Rosa. Ang panganay ko."

"Ibig pong sabihin ay hindi na po si Ruby ang kasama natin?"

"Siya parin si Ruby pero si Abegail na ang komokontrol sa kanya."

"Panu po nangyari yun? Eh diba sabi niyo naibalik niyo na siya sa mundo kung saan siya mas nararapat."

"Hindi ko rin alam. Hindi ko alam ang hangganan ng kanyang kapangyarihang. Nalinlang niya ako noon dahil sa kagustuhan kong matuto ng mahika. Ginawa niya iyong tulay para makuha ang tiwala namin at makuha maging ang aking si Rosa. Ang katawang ginamit niya ng kayo ay magkasama ay katawan ng anak ko. Ang totoong anyo niya ay hindi ko pa nakikita."

"Ano pong gagawin natin?"

"Matanda na ako, Nora. Hindi ko na kaya. Kaya ikaw, ikaw ang napili kong turuan para magapi siya." Anitong bakas ang kasiguraduhan sa tinig.

"Ako? Wag naman ho kayong magbiro ng ganyan. Wala ho akong alam dyan." Umiiling na napaatras siya.

Atras hanggang tumakbo na siya palayo dito. Hindi niya kakayanin ang responsibilidad na iaatang nito sa balikat niya. Pero umusal lang ito ng di niya maintindihang salita at kusa na siyang bumalik sa harap nito.

Nginitian siya nito bago may kung anong iginuhit sa lupa.

"Andito na tayo Nora. Ikaw nalang ang pag-asa namin nina Ruby at Rosa."

"Pero-

"Ignis!"

Hindi niya na natapos ang dapat sana ay pagtutol dahil nag-apoy na ang bilog na may dalawang pyramid sa gitna na iginuhit nito.

"Ayyy..." Napatili pa siya ng muntik ng mapaso sa apoy na malapit sa kanya.

"Hahahaha..."

At kasamaang palad ay pinagtawanan lang siya nito.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon