Final Season-Chapter 4

6.1K 139 7
                                    

Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag UD...


K3-4

Isang walang malay na Rico ang naabutan nina Shine at Ruby ng puntahan nila ito sa baryo Manawang. Nasa pangangalaga ito ng kanilang babaylan.

"Alam ba niya ang tungkol sa bata?" Tanong ng matandang babaylan sa mga bagong dating. Ang tinutukoy nito ay si Nora. 
"Hindi." Si Nanay Shine ang sumagot.

"Hindi pa siya handa." Kapagdaka ay dugtong naman ni Ruby. "Asan ang bata?" Dagdag tanong ng dalaga.

"Nasa pangangalaga siya ng kanyang Nuno." Simpleng sagot nito na ang tinutukoy ay ang ama ni Rico na si Rodrigo. Lumabas ito ng kubo na wari'y pinapasunod sila.

"Nararamdaman niyo ba siya?" Anitong bigla na lamang pumihit paharap.

"Sinong si-

"Nararamdaman ko. Pero wala akong magawa." Putol ni Nanay Shine sa sasabihin sana ni Ruby.  Nagpalitpalit ang tingin nito sa kanilang dalawa ng babaylan. Wari may nais itanong bagama't di lamang maisatinig.

"Iwan mo muna kami." Mayamaya ay deklara ni Nanay Shine. Kahit hindi pa nasasagot ang kanyang katanungan ay umalis ng kusa ang dalaga. Pupunta na lamang siya kay Rodrigo kung nasaan ang bata.

"May magagawa ka ba para maibalik siya?" Mahinang tanong ni Nanay Shine sa babaylan ng mawala na sa paningin nila si Ruby.  Masyadong komplekado ang sitwasyon sa kasalukuyan para ibahagi niya pa iyon sa dalaga.

"Wala." Halos pahingang sagot ng matandang babaylan. Alam niya ang mga kakayahan nito kaya nagtataka siya kung bakit wala itong magawa. Bakit kinupas ba ng nagdaang panahon ang dati'y lakas nito. Tinakasan ba ito ng dating mga kakayahan kasabay ng pagtakas ng kakinisan sa mga balat nito?

"Bakit wala? Panung wala?" Di niya napigilang tanong. Panu nalang si Nora? Ang kawawang si Nora na ngayon ay nsa pangangalaga ni Mercylito.

"Wala dahil tnnging siya lamang ang tanging makapagpapabalik ng kanyang kaluluwa sa katawang lupang nilisan niya. Dahil ang mga nangyayari sa kasalukuyan ay sarili niya ring kagustuhan." Paliwanag ng matanda.

Lahat ng iyon ay umabot sa pandinig ni Rico at bumaha ang walang paglagayan na pagtutol sa kanyang mukha. Kagustuhan niya ang lahat? Isang malaking kalokohan! Panu niya gugustuhing malayo sa mag-ina niya? Ang anak niyang bagong silang na nakuha lahat ng maaring mamana sa kanya. Tulad ng sa isang lobo ay panandalian lamang itong nanatili sa sinapupunan ng kanyang Ina. Nang kanyang mahal na si Nora. Bagaman at mas maiksi nga lamang talaga kaysa pangkaraniwan ang pananatili ng kanilang anak sa sinapupunan nito kaya ngayon ay nasa loob ito ng isang tila babasaging bilog kung saan bubunuin nito ang natitirang mga araw na dapat ay nasa loob pa ito ng sinapupunan ng Ina. Muli niyang pinakinggan ang dalawa. Gusto niyang sugurin ang mga ito pero kahit anong gawin niya ay di niya magawa. Gusto niyang sabihin na may isang di maipaliwanag na pwersang siyang dahilan kaya di siya makabalik. Pero panu niya iyon gagawin kung hindi siya nakikita ni naririnig ng mga ito? Para siyang nakakulong ngayon sa isang mundo na tanging siya lamang at ang iba pang mga hindi nakikitang nilalang ang nagkakaintindihan. Oo tama may iba pang nilalang sa paligid. Tulad niya ay mga kaluluwa iyon na nilisan na ang katawang lupa. Hindi nga lamang niya alam kung patay na ba talaga ang mga ito o may pag-asa pang mabuhay tulad niya.

Samantala sa bahay naman nina Rodrigo ay pilit pinapatahan ni Ruby ang anak nina Nora at Rico, si Rino. Isang sanggol na lalaking may malaking pagkakahawig sa kanyang ama. Parang may kung ano kasi itong nakikita na hindi niya nakikita. Kung maari nga lamang sana niya itong hawakan ay ginaaa niya na. Ngunit di pa ito maaring ilabas sa kinaroroonan nito. Ang babasaging bilog na nagsilbing bahay-bata para dito.

"Ruby?..." Daing ng isang pamilyar na boses na nagbigay ng kakaibang kilabot sa kanya. Napakaimposible naman kasi ng narinig niya. Imposibleng makapunta sa kinaroroonan nila si Mercylito. Pwera nalang kung...

Umusal siya ng mabilis na dasal at kasabay ng pagkumpas niya sa hangin ay ang pagkahawi ng tabing na naging dahilan para di niya makita ang mga nilalang na nagkubli sa hangin.  Si Mercylito! Pero hindi dito napatuon ang atensyon niya kundi sa kasama nito. Si Nora! Panu ito nakalagpas sa harang? Panu nakapasok ang dalawa ng walang kahiraphirap? Pilit niyang itinabon ang kanyang manipis na katawan wag lang makita ng dalaga ang sanggol kahit pa alam niyang kanina pa nito iyon pinagmamasdan.

"Sino ang batang yan?" Mahinahong tanong nito ng dalaga.

"Huh? Ah... Eh..."

"Inuulit ko ang tanong ko. Sino ang batang yan?"

"Siya si Rino. Anak ninyo ni Rico." Si Nanay Shine ang sumagot sa tanong ng dalaga. Naramdaman ata ng mga ito ang pagpasok ng dalawang pangahas na nilalang.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nora sa natuklasan. Nawala ang mabalasik niyang anyo at napalitan iyon ng pagsuyo.

"Maari ko ba siyang hawakan?"

"Hindi pa siya maaring ilabas sa kanyang munting tahanan dahil napaaga ang labas niya mula sa iyong sinapupunan. Kailangan niya pa ng kunti pang panahon para tuluyang maging handa.

"Si Rico?" Tanong nito habang bahagyang hinahaplos ng tila bilog na salaming kinalalagyan ng anak.

"Hindi parin nagigising si Rico. At hindi namin alam kung magigising pa ba siya." Ang babylan naman ang sumagot sa kanyang katanungan. Lumingon siya dito at wari naintindihan nito ang ibig niyang mangyari. Agad ay iginiya siya nito papunta sa kinalalagyan ng katawang lupa ni Rico.

Samantala ay iba't ibang klaseng nilalang na ang nakasalamuha ni Rico sa kanyang pananatili sa anyong kaluluwa. May mga kakilala niya na matagal ng sumakabilang buhay. Pero isang lobo ang nakaagaw ng pansin niya. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang kanyang ina. Mag-isa lamang ito at wari ay tinitingnan sa malinaw na tubig ang sariling repleksyon. Wari ay hindi nito alintana ang paligid.

"Ina?" Tawag niya dito. Agad siyang nilingon nito at nakumpirma nga ang kanyang hinala ng sa harap niya mismo sa unti unting nagbago ang anyo nito.

"Anak ko anong ginagawa mo sa lugar ng mga kaluluwa? Hindi ka dapat naririto." Takang hinila siya nito na tila inilalayo iba pang mga nilalang na nakatanghod sa kanila.

"Dilekado ang pananatili mo sa lugar kung saan hindi ka pa dapat mapabilang. Maari ka nilang ikulong upang kailanman ay di na makabalik pa. Sige na umalis ka na." Anito. Saka pa lamang niya napansin ang tila lagusan. Tumingin siya doon at muling bumaling sa ina ngunit parang bulang nawala nalang ang babae.  Sa isip na baka nagkita lamang sila ng Ina para matulungan siyang makabalik ay sinilip niya ang loob ng lagusan.

"Rico, bumalik ka na." Tila hangin na dinala sa kanyang pandinig ang boses ng kanyang si Nora. Maari nga kaya? Kahit puno ng agam agam ay pikit mata siyang pumasok sa lagusan. Isang paa pa lamang ang kanyang naihahakbang ay tila papel na hinigop na siya nun. Para siya dinala sa kaitaaataasan bago siya walanh sabi sabing binagsak sa lupa. Nang maramdaman niya ang malamig na lupa sa kanyang paanan ay sinabayan iyon ng pagmulat ng kanyang mga mata.

To be continued...

Last chapter will be posted sa mga susunod na araw. Maraming pong salamat sa mga sumubaybay.

Please like my page on facebook. Just simply search my UN. :)

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon