Happy 19k+ reads... Salamat po talaga sa inyong lahat. Salamat din sa mga nag add nitong kulam sa kanilang RL. Hindi ko po kayo maisaisa kaya lahat nalang po. Salamat. Pati narin sa nag add nung iha ko pang stories salamat...
K2-12
"Pax!"
Anang isang makapangyarihang tinig at iglap lang muling huminahon at bumalik sa dati ang paligid. Ngunit siya ay nanatili paring nakalutang. Lumingon siya at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita. Mukhang kailangan niya ulit tumakbo para makalayo dito. Pinilit niyang makababa ngunit walang nangyari. Unti unti ay lumalapit na sa kanya ang babae. Anong gagawin niya? Sisigaw ba siya? Pero sino naman kayang makakarinig sa kanya? Naririnig niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
"Wag kang lalapit. Binabalaan kita. Wag kang lalapit." Aniya sa nanginginig na tinig.
Ngunit wala siyang lakas kumpara dito. Iglap lang ay di na siya makahinga dahil sakal sakal na siya nito. Nagpumiglas siya. Ibinuka niya ang bibig para sana sumagap ng hangin pero sinamantala iyon ng babae. Ngumanga din ito at parang may hinihigop mula sa kaibutouran niya. Namilipit sa sobrang sakit si Nora.
Samantala.
"Waaaggg!!!" Malakas na sigaw ni Rogue.
Kitang kita ng dalawang mata niya ang nangyayari sa asawa. Kitang kita niya kung paano higupin ng isang di niya nakikilalang babae ang kaluluwa ng mahal niya. Ipinakita iyon sa kanya ng kanilang babaylan. Hanggang doon lamang ang nakita niya dahil parang nanghihinang napaupo na siya.
"Rogue, wala ka ng magagawa. Kailangan mong tanggapin ang kapalaran mo. Wala na si Nora. Wala na ang mahal mo." Anang kanyang ama sa boses na parang nakikiramay sa kanyang pighati.
"Kahit kelan hindi ako maniniwala sa inyo. Buhay pa siya. Buhay pa si Nora." Nagpumiglas siya at kung hindi pa nahawakan ng ibang mga naroon ay akmang susugurin niya na sana ang ama.
"Hangal ka Rogue. Buong angkan natin ang isusugal mo para lang sa mahinang babaeng yan. Anong alam niya para labanan si Abegail?" Bigla ay naging mabalasik ang boses nito. Pero sinamaan niya lang ito ng tingin. Hindi siya papatinag.
"Ilabas niyo ang banga."
Narinig niyang utos nito sa mga alagad. Naglulumikot ang mga matang tiningnan niya ang paligid. Pag hindi siya gumawa ng paraan para makalaya tiyak katapusan niya na. Ikinulong ng kanilang babaylan noon ang pinakaunang Rogue para ilayo ito kay Abegail. Nandun ito sa pinapakuhang banga ng kanyang ama. At ngayon ay daladala na iyon ng kanilang mga kalahi. Inilapag nila ito sa harap ng kanilang babaylan.
"Oh Bathalang aming sinasamba. Aking kahilingan ay iyo sanang pagbigyan."
Umpisa nito sa ritwal. Pagkatapos ay inusal nito ang kahilingan sa salitang Latin. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila malakas na hangin na humahampas sa katawan ng banga. Umuuga iyon hanggang unti unting nagkakaroon ng bitak.
Inipon naman niya ang lahat ng lakas niya at nagpalit anyo.
"Rrrrrrr..."
Parang walang anumang inihagis niya sa malayo ang may hawak sa kanya. Tumakbo siya ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman niya na ang paglukob sa kanya ng kakaibang enerhiya. Nagpumiglas siya sa isiping maari iyong mawala pag ginawa niya. Ngunit walang nangyari. Naramdaman niya nalang na unti unti na siyang nawawalan ng kontrol sa sariling katawan.
Sa kinaroroonan naman nina Nora.
Namilipit sa sakit si Nora. Pagkatapos ay naglabasan ang sarisaring uod mula sa bawat butas sa kanyang katawan. Halos gumulong na siya sa sakit. Ilanh minuto ang dumaan at muli siyang pumayapa.
"Nora."
Tawag sa kanya ng isang makapangyarihang boses. At kusang lumapit siya dito habang nakalutang. Nakatitig lang siya sa mga mata nito. Umusal ito ng mahinang dasal na latin. Pagkatapos ay ihinipan siya nito at kusa siyang napapikit. Ilang minuto rin itong umusal ulit ng dasal bago nito pinitik ang mga daliri dahilan para muli siyang mapadilat.
"Nanay Shine? Ano hong nangyari? Nasan ho tayo?" Nahintakutang iginala niya ang paningin sa paligid.
Ang dasal na ginawa nito sa kanya kanina ay para magbalik ang dating siya. Ang totoong Nora. Nilagyan siya ng isang babaylan ng uod para mawalan siya ng memorya at di magtagal ay maging kontrol narin sa sarili.
Hindi siya sinagot nito bagkos ay hinaplos lamang ang kanyang pisngi.
"Maligayang pagbabalik, Nora." Nakangiti nitong pahayag.
Naguluhan siya sa mga sinabi nito. Sinubukan niyang alalahanin ang lahat. At nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang malaking lobo ng siyang tumangay sa kanya.
"Nay Shine, yung lobo? Yung lobo po ang may dala sa akin dito." Ngayon ay naiiyak niyang pahayag. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ng walang kalabanlaban dahil sa wala talaga siyang maalala. Maliban sa mtanda. Tama! Yung matandang nagpainom sa kanya ng gamot daw. Nagkahalohalo sa utak niya lahat ng kanyang mga alalahanin.
"Ahhhhhhhhh..." Sumigid ang di maipaliwanag na sakit sa kanyang ulo dahil sa pagpupumilit niyang maalala ang lahat.
"Hmmm... Hmmm... Hmmm..."
Nakarinig siya ng mabining boses na naging dahilan para siya makatulog.
"Magpahinga ka ng maigi, Nora. Bukas mgbabago na ang lahat. Bukas natin uumpisan ang nakatakda. " Aniya habang hinayaang nakalutang ang babae.
Umihip ang malakas na hangin at binalot ng nakakabulag na kadiliman ang buong paligid. Ikinubli ni Shine ang sarili kasama na ang nahihimbing na si Nora. Mukhang malaking panganib ang naghihintay sa muling pagharap nila sa bagong umaga.
To be continued...
Sana po nagustuhan niyo. May UD po ulit bukas para mas malinawan kayo sa flow ng story ko. Maraming salamat po ulit sa pagbabasa. Pakibasa po ulit ng iba ko pang mga stories.
Gayuma-Completed
Isla-Completed
Sumigaw Tumakbo Magtago-Compilation of my short horror stories.