Prologue

44.9K 667 44
                                    

"Oh anak, ba't ganyan ang bihis mo saan ka ba pupunta?" May halong pagtatakang tanong ng ginang sa anak niyang dalaga. Katakataka naman kasi talaga ang suot nito. Naka-halloween outfit ito sa kalagitnaan ng summer season.

"May party po kasi sa school, ma. Costume party po, at ito ang na-assign na costume para sa akin. Bakit pangit po ba?"

"Hindi naman anak. Nag-alala lang ako. Talaga bang costume party 'yon at kailangang 'yan ang isuot mo?"

"Oo nga po. Tsaka promise ma mag-iingat po ako."

Nag-aalala talaga ang ginang para sa anak. Tranferee kasi ito, at biktima ng bullying sa dating pinapasukan. Pero sana nga ay totoong magkakaroon na ito ng kaibigan.

"Alis na po ako, ma."

Nag-taxi ang dalaga papunta sa school nila. Dyahe nmn kasing mag-jeep sa ayos niya. Halos manggitata sa ketchup ang mukha niya at sabog-sabog ang kaniyang may kakulotang buhok. Excited na kinakabahan siya sa party dahil first time niya 'yon. Ni minsan kasi ay wala siyang naging kaibigan sa mga eskwelahang napapasukan. Pagbabang-pagbaba niya ng taksi ay sumalubong agad sa kaniya ang maingay na musika mula sa loob ng auditorium na siyang pagdadausan ng party. Kinakabahang pumasok na siya kahit nagtataka sa reaksyon ng mga nakakasalubong niya.

"Ba't ganyan ang ayos mo, ineng?"

Di napigilang tanong ng kanilang school janitor.

"Eto po kasi ang naka-assign na costume ko, manong." Nakangiting sagot niya.

"Aba'y akala ko ba masquerade party ang mangyayari ngayon? Costume party pala?"

Napalis ang ngiti niya dahil sa sinabi ng matanda. Kaya pala siya tiningnan at pinagtatawanan kanina. Naka-halloween costume pala siyang pumunta sa isang masquerade party.

"Guys, I found her!" Narinig niyang anunsiyo ng nasa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay napagtanto niyang siya ang tinutukoy nito. Dumating ang iba pang mga kasama nito at pinilit siyang ipasok sa loob ng auditorium.

"Attention everyone! May early Halloween treat kami para sa inyo. Eto pagdamutan niyo." Malakas na pahayag ng lalaking may hawak sa kanya sabay tulak sa kanya sa mga estudyanteng nandoon. Pinagpasa-pasahan siya ng mga ito. Tinadyakan, dinuraan, minura,ininsulto at kung anu-ano pa.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ba ako ginaganito?"

"Ang kasalanan mo ay dahil pangit ka."

"At di ka lang basta pangit. You're freak."

"Loser!"

Di pa talaga nakuntento ang mga ito. Pinagtulungan siyang buhatin ng mga ito at itinapon sa tambakan ng basura.

"Yan d'yan ka nababagay. Sa mga katulad mong basura. Pwee!"

Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang umiyak. Wala naman siyang kasalanan para siya ganituhin. Simula pagkabata ay lagi nalang siyang binubully. Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at kumulog din ng malakas. Pinilit niyang maglakad pauwi ngunit di pa siya nakakalayo sa gate ng school ay may rumaragasang sasakyan na biglang bumunggo sa kanya. Tumilapon siya dahil sa nangyari.

" Pinapangako kong pagbabayaran niyo lahat ng kaapihang ginawa niyo sa akin." Yun ang tanging nasambit niya bago pa man siya mawalan ng ulirat.

Sa kailaliman naman ng gabi at kitang-kita kung paano pinaso ng isang babae ang mata ng hawak niyang maynika.

"Yan 'yan ang nararapat sayo. Sumbongera ka kasi. Dapat wala kang pinagsabihan sa mga nakita mo. Tingnan mo tuloy ang nangyari sayo." Tila baliwng kausap ng babae sa maynika bago niya tinusok ng karayom ang nagbabagang nitong mga mata. Isang nakakabinging tili ang maririnig pagkatapos ay isang mahabang katahimikan.

Isang mahigpit na PAALALA:

NO TO COPY + PASTE

PLAGIARISM IS STRICTLY PROHIBITED...

KULAM is an original story by flyingsnow23. No part of this may be reproduced or transmitted in any form without a prior permission from the writer. Please respect.

Copyright © 2014 by flyingsnow23

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon