Pagpasensyahan niyo na po ako kung natagalan po akong mag UD. Medyo busy lang po kasi lately. Anyways, ito na po ang final season ng kulam. Marami pong salamat sa mga sumubaybay. Nawa'y nagustuhan niyo po ang kwento.
K3-1
Two months later
Dalawang buwan matapos ang insidente tungkol kay Abegail ay naging tahimik na silang muli. Hindi man nila napagtagumpayang muling ibukod ang mundo ng mga di ordinaryong nilalang ay nalagyan naman nila iyon ng harang. Hindi na makikita ng mga ordinaryong nilalang sa paligid ang kakahuyan. Magmimistula na lamang iyong wala doon sa kanilang paningin. Ginawa nila iyon upang kahit papaano ay maging matahimik narin ang paninirahan ng mga tao sa paligid at maging ng mga nilalang na iyon sa mundo kung saan tanggap sila at di na tinutugis pa. Naging masaya na ang iba pang natitirang aswang sa nangyari dahil iyon lang din naman ang kanilang kahilingan. Si Nanay Shine naman bagama't nagluluksa parin sa muling pagkawala ng ama ay nakatagpo nman ng bagong pagtutuunan ng pansin at bagong aalagaan sa katauhan ni Ningning. Mahal na mahal nila ito.
"Oh my! As in nagpropose na siya sayo? Grabe ang bilis ni Mercy, huh." Masayang palatak ni Nora habang ibinabalita sa kanya ni Ruby ang tungkol sa lovelife nito. Magkausap silang dalawa ngayon sa phone. Muntik pa siyang mapaso ng alisin niya sa pagkakasalang ang kaserola kahit walang sapin. Nawala kasi sa isip niya iyon dahil sa sobrang excitement.
"Oo nga. Tsaka hulaan mo kung anong sagot ko." Maging si Ruby ay kababakasan din ng sobrang kasiyahan ang boses habang nagsasalita. Namiss niya ang boses nito. Matagal din kasi silang di nagkita dahil naging abala ito kay Mercylito. Gusto niyang mainggit sa kaibigan dahil magiging masaya na ito. Siya kaya kelan magiging masaya?
Habang patuloy lang sila sa pag-uusap ay hinanda niya na ang kanyang mga gagamitin sa pagluluto. Plano niyang magsigang na lamang ng bangus. Wala kasi siyang pasok at wala rin siyang kasama sa tinitirhan. Lumipat na kasi siya ng bahay. Gusto niya na kasing mamuhay ng pribado. Malayo sa maraming tao = malayo sa gulo.
Nag-umpisa na siyang magluto at hinanda na niya ang sinigang mix para ihalo ng bigla siyang mapatakip sa kanyang ilong. Parang nanuot kasi doon ang amoy ng sinigang mix pagkatapos ay nagtuloytuloy sa tiyan niya kaya nag-alburoto iyon at tila gustong lumabas lahat ng kinain niya nung agahan.
"Hoy, Nora anong nangyayari sayo?" Narinig niyang tanong ng nasa kabilang linya pero wala na siyang panahon para makasagot pa dahil nagsusuka na siya ng nagsusuka. Nabitawan niya pa ang cellphone dahil sa nangyari.
Pakiramdam niya pati ata bituka niya ay gusto naring lumabas. Sampung minuto pa ata bago siya nahimasmasan. Doon niya lang din napulot ulit ang cellphone niya.
Nang tingnan niya iyon ay wala na rin sa kabilang linya si Ruby. Napabuntong hininga na lamang siya. Muli ay tiningnan niya ang niluluto. Aktong lalapitan niya sana ulit ang sinigang mix ng biglang nangasim na naman ang kanyang sikmura. Mabilis tuloy siyang lumayo at nagtungo sa sala. Pahinamad na naupo siya sa sofa. Hinilothilot niya pa ang ulo dahil baka ang migraine niya lang ang dahilan ng kanyang pagsusuka. Ni ayaw niya na isipin na hindi naman talaga sumakit ang ulo niya kahit kunti kanina.
Di niya namalayang iginupo na pala siya ng antok. Dahil doon ay di niya napansin ang pagtalilis ng isang nilalang mula sa nakabukas na terasa ng kanyang inuupahang apartment. Mabilis ito pero maingat itong baka magising ang nahihimbing na dalaga.
...Tok...
Tok...
Tok...
Ang sunod sunod na pagkatok sa pinto ang ang naging dahilan para muli itong lumabas at wlang pagdadalawang isip tumalon mula sa terasa. Tumakbo ito hanggang tuluyang naglaho sa madawag na kakahuyan.
"Nora? Nora?" Panggigising ni Ruby sa natutulog na kaibigan. Naabutan niya kasi itong nahihimbing sa sofa. Kumatok siya kanina at labis na nag-alala ng walang nagbubukas ng pinto. Buti nalang may spare key siyang mula din dito.
"Hmmmm..." Parang nagtaka pa ito kung nasaan ng magising. Nagpalingalinga kasi ito sa paligid na parang may hinahanap. Para ngang hindi pa pumasok sa utak nito ang presensiya niya.
"Ayos ka lang ba? Ba't dito ka sa sofa natulog." Nag-aalalang tanong niya.
"Sorry di ko namalayang nakatulog pala ako." Anitong inihilamos ang palad sa mukha para marahil ay magising ng tuluyan."Buti nakapasok ka? " Anitong parang wala parin sa sariling tumayo na mula sa sofa. Siya namang pagkalaglag ng kumot na nakatabing dito kanina. Pinulot nito iyon at nagtatakang itunuon ang tingin sa kanya.
"Ikaw ba ang nagkumot sa akin?" Kunot ang noong tanong nito.
"Hindi bakit?" Maging siya ay nagtaka sa inasal nito. Naabutan niya kasing nakakumot na ito. Akala nga niya ay sadyang sa sofa ito natulog
"Sabi ko na nga ba andito siya." Halos pabulong lang na wika nito pero sakto na ang lakas nun para makarating sa kanyang pandinig.
"Sinong siya?"
"Si Rico."
To be continued...
Marami pong salamat sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow narin kung pwede.
Sana rin po suportahan niyo yung iba ko pang story.
Astray
Alindog ni EbaAt ang own version ko po ng shake rattle ang roll.
Sumigaw Tumakbo MagtagoNasa acct. ko po lahat. Feel free to visit.
