Season 2-Chapter 5

11.7K 251 12
                                    

First UD for 2015... Happy 5k+ reads... Marami pong salamat sa mga nagbabasa at sa mga magbabasa pa...

"Rico! Rico lumabas ka dyan! Ilabas mo si Ruby! Ilabas mo ang best friend ko!"

Si Nora. Nasa labas ito at sa kanya hinahanap si Ruby. Bakit? Diba hinatid niya ito sa kanila kagabi?

Agad siyang bumaba para pagbuksan ang dalaga. Sinalubong naman siya nito ng magkakasunod na suntok.

"Walanghiya ka! Pagkatapos ng ginawa mo kagabi kay Mercylito! San mo dinala si Ruby?" Hinihingal pa ito ng magsalita sa pagitan ng mga suntok nito. Pagkatapos ay bigla nalang itong humagulhol ng iyak.

"Ssshhh... Tahan na." Hinaplos niya ang likod nito bilang pang-aalo.

"San mo dinala si Ruby? Bakit wala siya sa kanila? At saka panu nagawa yun kay Mercy? Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising." Sa pagitan ng mga hikbi ay tanong nito.

Tiningnan niya lang ito bilang sagot. Hindi rin kasi nita kayang sabihin dito ang totoo. Kung bakit ganun siya kalakas. Baka pag nalaman nito ang itinatago niya. Kahit kaibigan lang ay di siya tanggapin nito. At tungkol naman kay Ruby ay parang alam niya na kung nasaan ito.

At base narin sa amoy na humahalo sa hangin ay nasa malapit lang ang mga kumuha sa dalaga.

...Togsh...

Naalarma siya ng biglang may lumagabog. Agad niyang pinakiramdaman ang piligid. May mga nakapalibot sa bahay niya. Lima sila. Agad niyang hinila papunta sa ikalawang palapag ang nagtatakang si Nora.

"Kahit anong mangyari o kahit anong marinig mo wag kang lalabas, huh. Naiintindihan mo ba ako, Nora?" Kahit nagtataka ay sunod sunod na tango lang ang ginawa nito.

Kinantilan niya ito ng mabining halik sa noo ng makitang bumalatay sa mukha nito ang takot at pag-aalala.

Isinara niya ng pinto at nilock ang labas nun para siguraduhing hindi ito makakalabas. At tiyak ding hindi ito madadamay.

Humakbang siya palayo sa silid. Patalilis na pumunta  siya sa kusina at doon nakiramdam. Malapit ng makapasok ang mga ito sa bakuran niya.

...Dugdug...

...Dugdug...

...Dugdug...

Abot abot ang kaba niya. Hindi para sa kanya kundi para sa dalagang ngayon ay itinago niya sa silid niya. Pero alam niyang kahit anong tago niya dito ay maaamoy at maaamoy ito ng mga kalahi niya.

Napakabango sa pang-amoy ng mga aswang ang isang ordinaryong tao. Tama! Maski anong gawin niyang tangi ay isa parin siya sa mga ito. Isa siyang aswang ngunit hindi puro. Ang ama niyang si Rodrigo( Tiyuhin ni Sharliene sa season 1) ay isang aswang. Ang Ina niya namang si Florcefina ay kabilang sa mga taong lobo. Ang pangalan niyang Rogue ay nakuha sa pangalan ng isa rin sa kalahi ng kanyang ama na katulad niya. Kalahating aswang at kalahating taong lobo. Ayun sa propesiya ay siya ang maghahatid na kaluwalhatian sa kanilang lahing aswang laban sa mga tao. Hindi sang-ayun doon ang kanyang Ina kaya itinago siya nito. Labing limang taon siya ng tumakas silang mag. Ina. Kamalasmalasan ay natunton sila at namatay ito sa pagprotekta sa kanya. Doon din niya nalamang may kakayahan ang kapatid niyang si Rufo na mahanap siya kahit nasaan pa siya. At ginamit niya ng kayamanang naiwan ng Ina para supurtahan lahat na luho ng kapatid wag lang siya nitong isumbong. Limang taon niya na iyong ginagawa. Limang taon naging tahimik ang buhay niya. Limang taon siyang nagpanggap bilang ibang tao. Pero ngayon ay kailangan niyang harapin na ang lahat. Lalo na at nadamay na pati ang kaibigang si Ruby. At si Nora. Hindi niya kakayanin kung may mangyayaring masama sa babae.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon