Season 2- Chapter 1

18.7K 339 7
                                    


Bagong buhay, bagong pag-asa, bagong mga kaibigan, at bagong paaralan. Kailangan nilang lumipat ng ibang university upang maiwasan narin ang pangungutya at panghuhusga ng mga tao sa kanila. Kalat na kasi sa school nila ang mga nangyari sa kanilang mga kaibigan. Sila ang sinisisi ng mga ito. Totoo daw talagang mangkukulam sila kaya sila lang ang nakaligtas. Dalawa na lamang sila ngunit mas matatag na sila ngayon. Ikaw ba naman ang pagtangkaang ialay sa aswang at magkaroon ng kaibigang mangkukulam, diba? Kung di ka pa ba naman magiging matapang.

Maraming man nawala sa kanilang magkakaibigan at siguradong hindi nila malilimutan ang mga ito na siyang  naging dahilan din para ligtas silang makapamuhay sa kasaluluyan. Si Nora ay nasa boarding house parin. Si Ruby naman ay kinuha na ni Shine at nasa bahay na rin nito nakatira. Bagama't hindi parin sinasabi ni Ruby ang dahilan ng paghihiwalay nito at ng Ina ay hindi na lamang nila iyon hinalungkat total maayos na naman din ang lahat.

Ngayon ay kasalukuyan na namang nasa canteen ang magbestfriend na Nora at Ruby. Nakakalungkot lang isipin na sila na lamang dalawa ang natitira.

"Alam mo, Nora kahit ganun si Abegail namimiss ko siya, eh." Pag-amin ni Ruby sa nararamdaman. Ilang gabi narin kasi siyang dinadalaw sa panaginip ng mga masasayang araw na kasama nila ito.

"Ako nga rin, eh pero siguro talagang ganun ang buhay. Anyway makakahanap pa naman tayo ng magiging friend pa natin, diba." Pagbibigay assurance sa kanya ni Nora na naging dahilan para manumbalik ang ngiti niya.

"Kunsabagay tama ka. Pero sana yung hindi na mangkululam, huh." Nakalabing wika niya.

"Nagsalita ang hindi mangkukulam." Nagkatinginan silang dalawa at sabay na bumulanghit ng tawa. Oo nga pala mangkululam din siya. Good nga lang hindi tulad ni Abegail na bad witch. Napairap siya ng di sinasadya dahil sa naisip. Sakto namang napatingin sa gawi niya si Nora.

"Ba't  mo ko inirapan?" Nakairap din na wika nito habang nanunulis pa ang nguso. Sasagot sana siya ng bigla niyang maramdamang may malamig na bagay na dumaloy mula sa ulo niya pababa. Napatayo siya sa gulat ng lumapat sa balat niya ang lamig. Nagtawanan naman ang mga kasama nilang kumakain sa canteen.

Agad namang tumayo din si Nora at pinunasan ang nabasa niyang damit.

"Lampa talaga tong si Rico!"

"Ang tanga tanga!"

"Poor girl. Siya pa ang naging biktima ng lampang si Rico."

Ilan lamang iyon sa mga narinig nilang sinasabi ng mga nasa paligid. Lumingon naman siya sa likuran niya at nakita niya ang isang binatang yukong yuko na tila ba hiyang hiya sa kanila. Para namang may kung anong humaplos sa puso niya ng makita ito. Out of the blue ay bigla niya nalang hinawakan ang kamay nito. Nagulat ito at agad hinila ang kamay. Pero ngayon ay nakatingin na ito sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya, eh." Mapagpakumbabang hingi nito ng tawad. At sa di malamang kadahilan ay tila takot na takot itong tumingin man lang sa kanila.

"Rico ang pangalan mo, diba?" Malumanay niyang tanong dito. Parang gusto niya kasing kunin ang loob ng binata.

"Oo." Kiming sagot naman nito.

"Halika bili kita ng bagong juice. Treat ko." Nakangiting hila niya dito. Napatingala naman ito at bakas ang pagtataka sa mukha dahil sa inaasta niya. Ang inaasahan ata talaga nito ay magagalit siya. Kunsabagay, sino ba naman ang di magagalit, diba? Ang haba pa kaya ng araw tas basang basa na ang uniform niya dahil sa sabi nga nila ay katangahan nito.

Nagpatianod naman ito sa panghihila niya. Napuno tuloy ng kantiyawan ang buong canteen. May mga kinikilig at may nakataas ang kilay.

"Hindi ka galit?" Anitong tiningnan pa siya nito ng tuwid sa mga mata habang nagsasalita. Para bang binabasa nito ang kanyang saloobin.

"Kung galit ako magwawala ako." Tatawatawang sagot niya dito. Tila naman nahimasmasan ito dahil sa sinabi niya at sumilay ang malapad na ngiti sa maamo nitong mukha. Oo maamo ang mukha nito. Yung tipong di makabasag pinggan ang peg.

"Ako ng manlilibre sayo. Sa inyo ng kaibigan mo." Bahagya pa itong namula ng banggitin si Nora. At hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. Kaya naman nagkaroon agad siya ng hinala na baka may gusto ito sa kaibigan niya.

"Type mo si Nora, noh?" Kantiyaw niyang lalong ikinapula ng lalaki. Parang gusto niyang matawa dahil tila hiyang hiya ito sa nalaman niya.

At para mawala ang hiya nito ay siya pa ang umabresiete dito at hinila ito papunta sa counter. Lalo namang  napuno ng hiyawan ang canteen. Pero wala na siyang pakialam. Ang importante ay magkakalovelife na sa wakas ang bestfriend niya.

Samantalang si Nora naman ay nagtatakang napaupo nalang ulit sa pwesto nila ni Ruby. Nagtaka siya kung bakit hindi ito nagalit. Pero likas din naman talagang mabait si Ruby kaya lang ay ito kasi ang tipong ayaw ng may nakakapansin dito kaya nagtaka pa siya kung bakit hinayaan nitong kantiyaw kantiyawan ang mga ito ng kanilang mga schoolmates. Inangat niya ang kanyang baso niya ng softdrink para uminom pero wala na pala iyong laman. Natawa na lamang siya sa sarili. Di pala niya namalayang naubos niya na iyon. Panay parin ang hiyawan at bulungan ng mga estudyante sa paligid. Tumayo na siya. Sa labas na lamang niya aantayin si Ruby.

"Hep hep... Saan ka pupunta?" Sakto namang dating ni Ruby at pinigilan siya nito. Pagtingin niya ay kasama parin pala nito ang lalaki kanina. Nakayuko parin ito kaya di parin niya makita ang mukha nito.

"Antayin nalang kita sa labas." Alanganing wika niya dito.

"Anong aantayin? Ang aga pa kaya. May mahigit isang oras pa tayo, oh. Upo ka." Napasunod na lamang siya sa kagustuhan nito. Napabaling naman ulit ang mukha niya sa binatang wala paring imik. Ano ba to, pipi? Medyo nakataas ang kilay na tanong niya sa sarili.

"Ay oo nga pala Nora si Rico. Rico, si Nora best friend ko." Masaya pakilala ni Ruby sa lalaki. Dun lamang nag-angat ng tingin ng binata at dun narin niya nabistahan ang mukha nito. Bahagya pang sumikdo ang dibdib niya sa nabistahan pero binalewala niya iyon. May usapan kasi sila. Ang kay Ruby ay kay Ruby at ang kay Nora ay kay Nora. Pero may isang bahagi ng pagkatao niya ang tila tutol sa kanyang iniisip. Ang kanyang puso. Ang puso niyang hindi  niyang parang gustong lumabas at magpasikat sa harap ng binata para mapansin nito. Kay Ruby lang kasi nakafucos ang atensyon nito na para bang hindi siya kasama ng mga ito. Pero di nagtagal ay napapansin niyang panay ang nakaw ng sulyap nito sa kanya. Di niya tuloy maiwasang magtaka. Sino ba talaga sa kanila ni Ruby ang gusto nito. Salawahan!

Nasundan pa ang pagsamasama ng binata sa kanila. At sa tuwing nangyayari iyon ay tila naman unti unti siyang nahuhulog dito. Mas nakikilala narin kasi niya ito. Mabait, maalalahanin, at nalaman niyang mayaman rin pala to. Sa madaling salita ay good catch ito. Pero yun ang pinaka dapat ay pigilan niya sa lahat. Ayaw niyang magkasira sila ng dahil lamang sa isang lalaki.

To be continued...




Beginning of season 2 na po tayo. Psensya na po ngayon lang nakapag UD. Alam niyo na magpapasko medyo busybusyhan. :)

Sana po suportahan niyo ang pagpapatuloy ng kulam.

Please vote, leave a comment and share. Pafollow nadin po kung pwede.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon