(Ang chapter na ito ay para sayo @basbasjin. Maraming salamat sa pagbabasa at pagvote, dear)
Dalawang oras pa ang lumipas at nasa Siquijor na sila. Pinagtulungan nilang dalawang buhatin ang walang malay na si Ruby at isinakay sa dyip na maghahatid sa kanila sa baryo bagongbato.
"Bagongbato na, ho." Anang driver sa kanila.
"Bumaba na sila ng dyip at tinulungan pa sila ng driver na ibaba si Ruby. Pasimpleng lumapit din ito kay Mercylito. "Mag-ingat ka sa kasama mo. Hindi na siya ang inaakala mong siya." Bulong nito.
"Ano yun?" Takang tanong ni Nora sa kanya.
"Ah wala sabi lang niya wag daw nating iwan si Ruby."
"Ah ganun ba? Sige tara na dun. Baka nag-aantay na si Nanay Shine."
"Mauna ka na ako ng bahala kay Ruby."
"Nanay Shine?"Tawag ni Nora dito akmang kakatok pa sana ito sa pintuan ang para itong napasong napaurong.
"Bakit?Katukin mo na."
"Nay Shine andito na ho kami." Si Mercylito naman ang tumawag dito at bahagyang itinulak ang pinto na hindi naman pala nakasara.
"Tara Nora."
"Huh? Ah eh sige susunod ako."
"Bakit ayaw mong tumuloy? Hindi ka ba makapasok sa pamamahay ko Abegail?" Galit na saad ni Shine na nakangising humarap kay Abegail.
"Anong abegail? Si Nora ako hindi niyo ba nakikita?" Wika nitong tumitig ng matalim kay Shine.
"Sila maloloko mo pero ako hindi. Revertere nunc ad tuum verum forma. Bigla namang namilipit si Abegail na ngayon ay nasa katawan ni Nora at nagbitiw ng isang nakakapangilabot na panaghoy na tila nagmula sa pa kailaliman ng lupa. Unti unti namang nagdilim ang paligid ngunit kitang kita parin kung paano ito nagbagong anyo. Hindi ito basta naging si Abegail kundi naging nakakapangilabot pa ang itsura nito. Kulukulubot ang balat nito, mahahaba ang nangingitim na kuko, halos lamunin narin ng purong itim ang mga mata nito at ng ngumisi ito ay kita ang nangingitim nitong ngipin at gilagid sa laki ng bibig nito. Umusal din ito ng dasal at iglap lang ay sakal sakal nito ang walang kalaban laban na si Mercylito.
"Rigescent!" Saad naman ni Shine na naging dahilan para mabitiwan ni Abegail si Mercylito at ito naman ang sumasakal na ngayon kay Abegail habang inuusal nito ang dasal ng pagpapaalis nito sa katawan ni Nora.
Ngunit napatigil siya ng sabayan siya ni Abegail.
"Bakit Shine akala mo ba magagamit mo sa akin ang mga bagay na sa akin mo rin natutunan?" Anitong nakangisi. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay parehong mangkukulam ang dalawa at si Abegail ang siyang nagturo kay Shine upang maging ganap na mangkukulam ngunit dahil hindi gustong makapanakit ng iba ni Shine ay iniwan niya si Abegail na taliwas ang prinsipyo sa kanya. Bumaliktad naman ang sitwasyon. Ngayon ay si Shine na ang sakal sakal ni Abegail. Kitang nahihirapan si Shine dahil may lumalabas ng mumunting dugo sa mata,bibig,ilong at maging sa tenga nito.
"Det mihi protestatem obtinere eam adversario corporis nostri."
"Ahhhhhhhhh....." Isa na namang nakakapangilabot na sigaw ang kumawala mula kay Abegail bago tuluyan itong lumabas sa katawan ni Nora na ngayon ay tila lantang gulay na basta nalang napabulagta sa lupa. Dinaluhan naman agad ito ni Mercylito at dinala sa loob ng bahay.
"Lapastangan!" Galit na wika nito sa nagising na palang si Ruby na siyang may gawa kaya lumabas siya sa katawan ni Nora. Akmang susugurin niya sana ito ng di niya maigalaw ang katawan at unti unti at nanunuot sa kanyang kamalayan ang inuusal na dasal ni Shine na nasa kanyang likuran.
"Ngayon na, anak." Ani Shine ng masigurong di na makakalaban pa si Abegail.
"Infinitum Encantatum. Perduc ad infernum originem mulier." Usal nito na siyang naging dahilan para mamilipit sa sakit si Abegail. Kitang kita nilang unti unting naagnas ang katawan nito hanggang tuluyan na itong humalo sa hangin. Nagyakap ang mag-ina dahil sa wakas nagapi narin nila si Abegail. Naibalik narin nila ito kung saan ito nararapat sa impyerno. Pumasok sila sa loob ng bahay para puntahan sina Nora at Mercylito. Naabutan nilang inaalo ng binata ang takot na takot na si Nora.
"Nay Shine!" Agad na sumugod kay Shine ang dalaga ng makita siya nito. Nanginginig ito sa takot at kailangan niyang gumawa ng paraan para pakalmahin ang dalaga.
"Ssshhh... Wag kang mag-alala, Iha magiging maayos na din ang lahat." Aniya habang dahan dahang hinaplos ang buhok ng dalaga hanggang igupo uli ito ng antok at unti unting lumutang sa hangin ang tulog nitong katawan.
"Bukas babalik na sa dati ang lahat." Nakangiting wika niya habang nakatingin sa manghang manghang si Mercylito.
Tapos na po ang season 1 ng kulam. Abangan niyo po sa susunod na mga araw ang season 2.
Maraming salamat sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share. Pafollow nrin po kung pwde...
❤❤❤ Mitch
PS: Pabasa narin ng isa ko pang story. SUMIGAW TUMAKBO MAGTAGO po ang title niya. Collection po siya ng mga one shot stories ko...