Happy 43k+ reads. Malaking achievement po talaga sa akin to. Thanks po talaga sa suporta niyo. Mula umpisa ng umpisahan ko to may rank na agad. Until now ok yung ranking. Salamat po talaga. Malapit na pong magtapos ang story na to. Sana suportahan niyo rin po yung iba ko pang story. Enjoy reading...
K2-19
Walang ibang mapagpipilian si Ruby. Kahit labag sa kalooban ay kailangan sa batang babae na iyon nalang siya sumanib. Kaysa naman gumaya siya kay Rico na sa sobrang pagkadesperadong mailigtas ang bata ay sa nakitang aso sumanib.
"Pasensya na."
Hinging paumanhin niya bago pikit matang sumanib sa bata. Pagdilat ng mga mata niya ay ramdam niya ang kakaibang lakas na binigay sa kanya ng kanyang sinanibang katawan. Naisip niyang maaring hindi rin ordinaryo ang bata. Tumayo siya mula sa pagkakalupagi at naghandang labanan ang mga aswang na ngayon ay pasugod na lahat sa kanila.
"Awooooh..."
Umalulong ulit ang asong sinaniban ni Rico. Lumapit ito sa kanya na parang sinasabing kaya nilang dalawang gapiin ang mga kalaban.
"Rrrrrrr..."
Umangil ng malakas ang mga pasugod ng aswang. Nginisihan niya lang ang mga ito. Ngayon pa ba naman siya matatakot kung kailan may katawan na siya.
"Levitato!" Malakas niyang usal.
Pero nagbago ang timpla niya ng malapit na ang mga ito ay wala paring nangyayari.
"Levitato!" Muli ay usal niya.
Bahagya na siyang umatras. Tumingin naman sa kanya si Rico na may halong pagtataka. Ano bang nangyayari? Palapit na ang mga ito.
"Levitato!"Muli ay lumabas sa bibig niya ang isang ungol.
Parang gusto niyang magmura at magwala. Kaya pala hindi umeepekto ang dasal niya dahil walang anumang salita ang namutawi sa knya. Wala dahil pipi ang batang nasaniban niya. Nasabunutan niya ang sarili dahil sa katangahan. Panu ngayon to? Eepekto lang ang dasal niya pag narinig iyon mismo ng kanyang pinararatingan.Ipapahamak niya maging ang batang sinaniban niya kapag nagkataon.
Lumakas ang kalabog ng kanyang dibdib. Nakakabingi dahil tanging iyon na lamang ang kanyang mga naririnig. Napakatahimik na ng paligid. Bakit biglang tumahimik? Nalingat lang siya saglit dahil sa kanyang naisip.Nasan ang mga aswang? Bakit bigla nalang nawala ang mga ito?
"Kung sino ka mang masamang ispiritung sumanib sa apo ko lubayan mo siya. Lumabas ka at lisanin mo ang katawang lupa niya." Narinig niyang usal ng isang matanda sa kanyang likuran.
Napakunot ang noo niya. Sinong masamang ispiritu?
Dahan dahan siyang lumingon at unti unting tumambad sa kanya ang isang matandang may tangang buntot pagi. Anong nangyayari? Nanlaki ang mga mata niya ng aktong ihahambalos ng matanda sa kanya ang hawak nito.
"Waaaag!"
Malakas siyang napasigaw kasabay ng paglisan niya sa katawan ng bata. Parang lantang gulay naman na basta nalang nalugmok ang katawan ng bata. Nagkusa na siyang umalis dahil baka kung mapano pa ang bata pag tinuloy ng matanda ang paghambalos nito.
"Ningning?!" Twag dito ng matanda.
Niyapos pa nito ang tinatawag na Ningning at kinalong. Di naman nagtagal ay nagising narin ang bata. Pinanood niya na lamang na muling pumasok sa isang kubo malapit doon ang dalawa. Ni hindi niya na narinig ang sinabi ng matanda. Ang tanging pumasok kasi sa isip niya ay napagkamalan siya nitong masamang ispirito. Sa ganda niya? Akalain mo yun?