Happy 3k+ reads... I feel so blessed...
Maraming maraming maraming salamat po sa suporta. Mahal na mahal ko po kayo. Ang chapter po na ito ay para sa inyong lahat na patuloy na sumosuporta."Nora, may lakad kami ni Rico. Sama ka, huh." Isang araw ay masayang pag-aaya sa kanya ni Ruby. Pinuntahan pa talaga siya nito sa boardinghouse. Yun nga lang ay wala talaga siyang balak sumama. Ayaw niya rin naman kasing maging sawsaw suka, noh. At tsaka maigi ng habang maaga ay sikilin niya na kung ano mang damdaming umuusbong sa kanya para sa binata.
"Sige kayo nalang. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko, eh." Nakakaguilty na ngayon ay kailangan niyang magsinungaling dito. Mas lalo pang lumala ang guilt niya dahil sa pagsalat nito sa noo niya. Napapikit na lamang siya sa takot na malaman ng best friend na nagsisinungaling lang siya. Kilalang kilala na kasi siya nito.
"Sige ikaw ang bahala. Uminom ka ng gamot, huh. Tsaka wag ka masyadong magkikikilos para gumaling ka kaagad." Anitong puno ng pag-aalala ang boses.
"Thank you sa concern, best." Sincere niyang pahayag habang nakahawak sa isang kamay nito. Ngumiti naman ito ng ubod ng tamis. At sapat na ang ngiting yun para mapawi ang kanyang nararamdaman. Naiintindihan kasi siya nito.
"Ayos lang, best. Pero ito ang tatandaan mo. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. At wag kang masyadong padadala sa mga maling inaakala mo. Minsan kasi ang mga bagay na ating pinaniniwalaan ay taliwas sa katotohanan." Masuyo pa nitong hinaplos ang kanyang pisngi habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Hanggang makaalis tuloy ito ay naiwan siyang may katanungan sa isip.
Buong maghapon siyang nanatili sa bahay na iyon. Nakaramdam tuloy siya ng pagkamiss kay Mercylito. Naassign kasi ito sa malayong lugar. Kung nandito lang sana ang binata sana may napagsasabihan siya ng problema. Alam niya rin kasi na higit kanino man tanging ito lang ang maaring makaintindi sa kanya. At mahal na mahal din nito si Ruby. Siguro kung andito lang ang binata ay di mababaling sa iba ang pansin nito. Ramdam din naman niya na nagkakagusto narin ito sa binata. Pero ang alam naman niya ay may constant communication ang dalawa. Ang sabi pa nga ni Mercylito ay malapit na daw itong sagutin ni Ruby. Pero noon yun. Nung mga panahong wala pa sa eksena si Rico.
"Tao po..." Ang pagtawag na iyon ang pumutol sa pagmumunimuni niya. Napamulagat siya. Napakapamilyar sa kanya ng boses ng dumating. Halos tumakbo siya makarating lang agad sa pinto.
"Meeercyyyy..." Malakas niyang tili sabay yakap dito. Natatawang gumanti naman ito ng yakap sa kanya. Tila dininig agad ni God ang hiling niya. Dahil andito na ngayon sa harap niya ang kanyang guardian angel.
"Aba! Mukhang tuwang tuwa ka talagang makita ako, ah." Ginulogulo pa nito ang buhok niya. Nakababatang kapatid kasi ang turing nito sa kanya. At ganun din siya na nakakatandang kapatid ang turing dito. Mas matanda kasi ito sa kanila ni Ruby ng tatlong taon.
"Namiss kasi kita." Nakangusong aniya dito. Ganun talaga siya maglambing dito.
"Ikaw talaga."
"Talaga naman, eh. Ilang buwan ka rin kayang nawala."
"Sina Mama nga pala?"
"Umalis. Baka mamaya pa ang dating nung mga yun kasi nagtagaytay."
"Naks naman sina Mama. Ikaw saan mo gustong kumain?"
"Huh? Kakakain ko lang,eh." Aniyang hinimashimas ang tiyan. Totoo naman kasing kakakain niya lang.
"Naku panu yan wala akong kasabay kumain nito? ." Kakamutkamot sa ulong pahayag nito. Tumingin pa ito sa kanya halatang nagpapaawa.
"Sasabayan nalang kita. Pero dessert lang yung akin, ah. Ayokong tumaba."
"Sure. Si Ruby nga pala baka pwede rin nating makasabay."
"Naku busy yun. Tayo nalang. Bukas mo nalang puntahan si Ruby."
"Ok. Masusunod kamahalan. Sige na magbihis ka na."
"Tama na to."
"Eh di kung ganun tayo na." Pagkasabi nun ay agad siyang umabresiete dito.
Dinala siya nito sa isang class na restaurant. Para tuloy gusto niyang manliit dahil sa ayos. Ang mga kumakain doon ay pusturang pustura samantalang siya. Nakasimpleng t shirt at tokong.
"Langya ka, Mercy. Ba't di mo naman sinabing sa ganitong lugar mo ko dadalhin. Nakakahiya." Pasimpleng bulong niya dito. Nakaabresiete siya sa binata kaya dikit na dikit tuloy siya lalo dito ng bumulong siya.
"Sabi ko naman sayong magbihis ka, diba?" Ganting bulong din nito. Para tuloy siyang magsing-irog na naglalambingan kasi habang nagbubulungan ay panay rin ang tawanan nila.
Samantala ay nasa restaurant din pala na iyon kumakain sina Ruby at Rico. At kitang kita ng dalaga ang pagpasok ng dalawang bultong napakapamilyar sa kanya. Ang kanyang best friend na si Nora at ang manliligaw niyang si Mercylito na balak niya na sanang sagutin. Tiningnan niya ang dalawa. Ang sweet ng dalawa. Nakakapit pa talaga si Nora sa braso ni Mercy. Parang may tumarak na matalim na punyal sa puso niya lalo na ng makita niyang may binulong si Nora sa binata pagkatapos ay tumawa ito. Mayamaya ay gumanti rin ng bulong ang binata na kita niyang parang nahiyang napayuko si Nora. Mga traydor! Agad na nag-alab ang mga mata niya sa nakitang eksena. Malinaw pa sa sikat ng araw na niloloko siya ng dalawa!
To be continued...
Marami pong salamat ulit sa inyong pagsuporta. Sana po suportahan niyo rin yung first completed story ko po. Nasa acct. ko po siya. It's entitled "Gayuma". Maganda po yun. Sabi ng mga nakabasa na. Thank you po ulit. Sana wag kayong magsawa. Wag pong kakalimutan. Please vote, leave a comment and share... Pafollow nadin po kung pwede...
