Season 2-Chapter 11

9.7K 202 7
                                    

Happy 17k+ reads po. Sna dumami na din yung comment and votes para malaman ko po kung ayos lang sa inyo ang story ko.








K2-11

"Redde, mi Amicce!"Galit sa sigaw ni Ruby. Tila ba may kung anong pwersang sinasabayan ang nararamdaman niyang galit.

Tila sinasamantala din ng hangin ang galit niya. Tila ito pa ang nag-uudyok upang gawin niya ang kanyang masamang ninanais.

Umihip ang malakas na hangin at halos magdilim ang buong gubat dahil sa pag-angat ng sarisaring mga dahon sa paligid. Nakarating iyon kina Nora at Ka Berting na masinsinang nag-uusap.

"Ano ho yun?" Tanong ni Nora sa matanda. Nayakap niya pa ang sarili dahil sa kakaibang lamig na sumigid sa kanyang kalamnan. Parang pumasok din sa kanyang isip ang isang pangungusap na hindi niya maintindihan pero kakaibang kilabot naman ang hatid. Ni hindi nga niya alam kung talagang may narinig siya o ugong lang iyon ng hangin na nagdaan sa kanyang tenga.

"Si Abegail!" Anang matanda na parang siguradong sigurado sa sinasabi.

"Ho?" Naguguluhan naman niyang tanong dito. Ngunit hindi na siya nasagot ng matanda dahil bigla na lamang itong tinangay ng tila buhawi.

"Nasa libro, Nora.Gahakab hskabzva jsbabaja....

Nagawa pang magbitaw ng mga huling salita ng matanda bago ito tuluyang maglahong parang bula. Pero tanging libro lamang ang naintindihan niya sa mga sinabi nito.

"Tiyo Bertiiing." Malakas niyang sigaw. Ngunit wala na ito. Maubusan man siya ng boses sa pagsigaw ay wala na ang matanda.

Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng kubo. Yakap yakap ang mga tuhod at nag-umpisang mamalisbis ang kangyang mga luha. Hindi niya alam kung panu haharapin ang mga nangyayari. Una ang asawa niya tapos ngayon ay si Tiyo Berting na siya lamang sanang maaring makatulong sa kanya. Panu na siya ngayon? Siya lang mag-isa sa kalagitnaan ng gubat.

"Ayoko naaa..." Malakas niyang sigaw sa pagitan ng bawat paghagulhol.

Umihip ang malakas na hangin na parang nakikiramay sa nararamdaman niyang pighati.

Parang batang bago pa lamang natututong gumapang na ginapang niya ang papunta sa papag. Sobrang nanghihina siya at kailangan niyang magpahinga. Kailangan niyang makabawi ng lakas. At dahil nga sa sobrang dami ng mga nangyari ng araw ng iyon ay agad na nahimbing ang hapong hapo niyang katawan.

"Nora? Nora excitant. Venite.Venite Nora.Vinete!"

Paulit ulit na bulong ng hangin sa natutulog niyang kamalayan. Mayamaya lang kusa na siyang bumangon at dumilat. Ngunit walang emosyong mababakas sa kanyang mukha. Naglakad siya papunta sa isang silid sa kubo. Tila ba kabisado ang kabuuan ng nun. Tuloy tuloy papunta sa isang nakasarang baul. Binuksan niya iyon at tumambad ang isang malaki at lumang aklat.

"Tolle Nora. Vade, ut uccipiatte."

Muling wika ng tinig. Kumilos ng kanyang mga kamay at kinuha niya ang aklat. Walang anumang binitbit iyon. Humakbang siya palabas ng kubo at nagtuloytuloy sa paglutang ng wala ng masayarang lupa ang mga paa dahil sa nakaangat sa lupa ang kanilang kubo.

Humakbang parin siya ng humakbang sa hangin. Hanggang mula sa kung saan ay may lumitaw na liwanag. Nakakasilaw na liwanag na tumagal ng ilang minuto. Bago parang walang buhay na bumagsak ang katawan niya sa lupa.

"Hmmm... Hmmm... Hmmm..."

Anang mabining tinig na muling nagpaangat sa walang malay na katawan ng dalaga. Lumutang iyon at muling pumasok sa kubo at bumalik sa higaan.

"Hmmm... Hmmm... Hm..."

Kinabukasan ay nagising si Nora dahil sa nakakasilaw na liwanag na pumasok sa kubo. Pupungas pungas na napabangon siya. Nakita niyang nakabukas ang pinto. Malamang ay doon nanggaling ang liwanag kanina.

Bumaba siya ng kubo at bahagya pa siyang kinilabutan ng maalala ang nangyari kagabi. Napayakap tuloy siya ng di oras sa sarili. Muli na sana siyang aakyat sa kubo ng may mamataan sa di kalayuan. At parang may sariling isip ang mga paa niyang humakbang palapit sa bagay na iyon. Na nalaman niyang isa palang aklat ng siya ay makalapit.

"Aklat ng Mahika."

Iyon ang nabasa niyang nakasulat. At bigla ay naalala niya ang huling sinabi ni Ka Berting kagabi. Dali dali niya iyong binuksan ngunit nabigo siya ng makitang wala iyong laman. Isang malaki ngunit bakanteng aklat? Ano naman kayang ginagawa nun dun? Baka itinapon na ng may ari kaya andun. Muli niyang binitiwan ang libro at humakbang na palayo.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay parang naramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Iginala niyang paningin sa paligid at halos lumuwa sa panlalaki ang mga mata niya sa nakita. Yung mga puno sa paligid unti unting nagkakabuhay. At ngayon ay kailangan niya tumakbo upang makalayo sa mga ito.

"Ahhhhhhhhh..."

Puros tila niya ang maririnig sa paligid. Iwas dito takbo dun ang ginagawa niya upang wag matamaan ng mga ugat at sangang panay ang kumpas para maabot siya. Ni ayaw niyang lumingon sa takot na maabutan siya. Hanggang sa bigla na lamang siya natisod ng isang nakausling bato. Nawalan siya ng balanse at tuloy tuloy na natumb. Ngunit ang inaasahan niyang matigas na babagsakan niya ay hindi nangyari. Bagkos ay naramdaman niyang tila siya  bumagsak sa ulap. Iminulat niya ang mga mata at saka niya lang napansin nakalutang pala siya.

"Pax!"

Anang isang makapangyarihang tinig na siyang nagpatigil sa lahat. Kusang bumalik sa dati ang paligid bagama't nanatili siyang nakalutang. Lumingon siya para malaman kung sino ang may gawa nun. At nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Mukhang kailangan niya ulit tumakbo  palayo dito.

To be continued...

Ayos lang po ba ang flow ng story? Marami pong salamat sa inyong pagbabasa at sa suporta. Sana suportahan niyo rin yung iba ko pang stories. Nasa account ko po. Salamat.

Mitch

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon