Ang chapter po na ito ay para sa mga nagvote nung previous chapters. Maraming salamat po...
Kinabukasan ay isang mahina at impit na iyak ang nagpagising sa natutulog pang mga boarders. Isa isa silang nagsilabasan para tingnan kung sino yun. Nakita nila si Sharliene na nasa sala at umiiyak.
"Sharliene, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong ng nag-aalalang si Abegail dito.
"Patay na daw si Nanay." Umiiyak na tugon nito na ngayon ay nakayakap na kay abegail.
"Huh?Naku kelan pa? Si Ruby nmn ang nagtanong na lumapit din at hinagodhagod pa ang likod nito. Ang iba nmn ay nakapalibot lang sa kanila. Kapwa nalulungkot sa nangyari.
"Kagabi lang. Atake sa puso daw."
"Oh eh pano yan uuwi ka?" Tanong naman ni Mercylito.
"Sana. Kaso wala nmn akong perang pamasahe." Lalong naiyak na turan nito.
"Bakit san ba ang sa inyo?" Tanong naman ng nagtatakang si Joboy.
"Sa Siquijor."
"Siquijor?" Magkapanabay na react ng walo.
"Bakit may problema ba?"
"Pwede ba akong sumama?" Napatingin silang lahat sa nagsalitang si Abegail.
"Sasama ka? Anong gagawin mo dun?" Takang tanong ni Lynne.
"Makikiramay. At magbabakasyon?"
Nagliwanag naman ang mukha ng iba pa ng marinig ang salitang bakasyon.
"Ako, pwd din ba akong sumama?" Nagniningning ang mga matang tanong ni Nora.
"Akala ko ba uuwi ka sa inyo?" Tanong ni Ruby dito na pinanlakihan pa ng mata.
"Ngayon lang naman, eh."
"Sige itaas ang kamay ng gustong sumama." Suhestiyon ni Joboy para matigil na sa pagtatalo ang dalawa. Nagtaas lahat ng kamay liban kay Ruby na ng makita ni Mercylito ay nagbaba din ng kamay. Napatingin sila sa mga ito.
"Ano? Hindi talaga kayo sasama?" Kunot noong tanong ni Zhed.
"Sumama ka na Ruby, please." Pakiusap ni Nora dito. Alam nmn ksi niyang pagsumama ito ay sasama narin si Mercylito.
"Ayoka talaga. Dito nalang ako."
"Sige bahala ka. Kayo lang ni Mercylito ang maiiwan dito." Pananakot nmnni Lynne dito.
"Wag niyo na siyang pilitin kung talagang ayaw niya." React nmn ni Abegail.
"Sige sasama na ako." Sumusukong pahayag niya.
"Ayan tinakot mo kasi." Pang-aasar nmn ni Deak kay Lynne.
"Bayaan mo na. Eh sa natakot, eh."
"Tama na nga yan. Pupunta tayo dun para makiramay, ok. Hindi para sa kung anu ano lang." Seryosong tanong ni Mercylito .
"Akala ko ba hindi ka sasama?" Pang-aasar naman ni Zhed dito.
"Oh mag-aasaran na naman, eh. Sige na kung sino gustong sumama maghanda na kayo." Saway ni Joboy sa kanila.
Naghanda na sila isa isa at ng makaalis na. Sila narin ang nag-ambagan para sa pamasahe ni Sharliene. Alam nilang lamay ang pupuntahan nila doon pero di parin nila mapigilang maexcite parepareho kasi sila na unang beses makakapunta sa mystique island. Samantala sa bahay naman ng mga Esler ay di nmn talaga totoong patay na ang ina ni Sharliene. Naghihingalo pa lang ito. Kailangan lang nilang sabihing patay na ito dahil tradisyon na sa kanilang tribo ang pagpapasa ng responsibilidad nila sa isa sa natitira pang kaanak. At dahil panganay si Sharliene. Siya ang magmamana sa maiiwang responsibilidad ng Ina.
"Welcome to the Mystique Island of Siquijor"
Anang ng malaking sign na sumalubong sa kanila. Makikita ang mga taong abala sa kanya kanyang ginagawa sa paligid. May mga bata ring naglalaro sa may pier. Maraming turista ang kasabay nilang bumaba ng roro.
"Sha, malayo pa ba yung sa inyo?" Tanong ni Lynne na halatang hirap na hirap sa mga dala. Pano nmn ksi halos dinala na ata nito lahat ng damit. Samantalang ilang araw lang naman sila dun.
"Isang sakay pa ng dyip."Sagot nito na pinara agad ang nakitang dyip. "Mama, sa baryo Manawang po." Narinig nilang sabi nito sa driver.
"Naku neng hindi ako naghahatid ng pasahero dun. Pasensya ka na."
"Marami nmn ho kami, eh. Siyam ho. Hindi nmn ho namin kayo babaratin sa pamasahe." Singit ni Nora.
"Sige pero hanggang junction lang, huh." Ayon ng driver na parang nagdadalawang isip pa.
Umayon nmn si Sharliene kaya sumakay na sila. Nag-uumpisa ng maglakbay ang dyip sa malubak na daan. Tahimik lang sila hanggang sa mapadaan sila sa napakalaking lubak dahilan para magkauntog untog sila. Siya namang hinto ng dyip.
"Oh Junction na." Sigaw ng driver.
Nagsibabaan na sila at pareparehong nagtaka ng makita ang lugar. Walang katao tao. Diba dapat maraming tao sa junction? Agad nmng umalis ang dyip pagkatapos nilang bigyan ng pamasahe.
"Ba't walang kataotao dito?" Takang tanong ni Abegail.
"Mdyo malayo pa kasi dito yung amin."
"Eh ba't dito tayo ibinaba nung driver? Ang lawak naman ng daan,oh." Kunot noong tanong naman ni Deak.
"Oo nga pwd nmn niya tayong ihatid, eh. Nakakapagod kayang maglakad, duh." Angal din ni Lynne.
"Lynne, kung di mo ba naman kasi dinala yung buong bahay eh di sana hindi ka napapagod ngayon." Masungit namang sabi ni Mercylito dito.
"Sungit!"
"May sinasabi ka?
"Ano ba naman kayong dalawa. Tigilan niyo nga yan. Ang mabuti pa nag-umpisa na tayong maglakad. Alas kwatro na, oh. Baka tayo gabihin sa daan." Sita nmn ni Joboy sa dalawa.
Nag-umpisa na nga silang maglakad. Makalipas ang isang oras ay wala parin silang napapansing bahay.
"Ba't wala pring bahay? Napapagod nako, eh." Nakasimangot ng angal ni Ruby.
"Oo nga. San ba talaga ang sa inyo, sha? Si Nora nmn.
"Malapit na. Hindi ko na kasi kayo idinaan sa mga kabahayan. Mas malayo kasi kung dun pa tayo dadaan kaya dito nalang tayo dumanan." Paliwanag ni Sharliene sa kanila.
"Yun oh may nakita akong kubo. Yun na ba yun?" Turo ni Zhed sa d kalayuan.
"Oo."
"Tra bilisan natin. Ang lapit nalang pala, eh." Nakangiting nagmadaling naglakad si Abegail.
Mayamaya ay pagod na narating nila ang may kalakihang kubo. May ikalawang palapag iyon na yari sa kawayan. Kunti lang ang taong nandoon. Agad namang pinaakyat si Sharliene sa itaas pagdating nito. Isang babaeng nagngangalang Manilyn ang nag-asikaso sa kanila.
"Nay?!" Agad niyakap ni Sharliene ang ina.
"Anak." Napaatras siya ng magsalita ang ina.
"Buhay po kayo?" Nalilitong tanong nito.
"Hindi ako pwdng mamatay hangga't hindi ko pa nasasalin sa iyo ang responsibilidad anak."
"Ayoko po, Nay."
"Kailangan mong tanggapin ang kapalaran mo, Sharliene."
Nanlilisik ang mata ng Ina niya ng hawakan siya nito. At pilit ibinuka ang kanyang bibig. Nagbagong anyo ito para mas maging malakas kaya nagawa siya nitong pangangahin ng walang kalabanlaban. Lumabas ang mahabang dila nito at ipinasok sa bibig niya na tila may inilalagay doon. Tinitigan siya nito hanggang unti unting nagbago ang anyo niya. Ibig sabihin napasa na nito ang responsibilidad at pwd ng magpahinga. Humiga ulit ito at pumikit at tuluyan ng nawalan ng buhay.
"Sharliene?" Tawag sa kanya ng mga kasamang nasa baba na walang kaalam alam sa nangyayari.
To be continued...
Please vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow nrin po kung pwde...
<3 <3 <3 Mitch