Waaaahhhh.... 8k+ na po yung reads ng story natin... Marami po talagang salamat sa inyo... :)
Umangat sa lupa na parang papel ang katawan ni Nora. Umangat din ang may tangan sa kanya at sa itaas ng mga puno sila nagdaan. Sa lugar kung saan tanging ang mga nakakalipad na nilalang lamang ang kaya silang sundan.
"Hmmm... Hmmm... Hmmm..."
Ang mabining boses na iyon ang nagpabalikwas kay Nora. Agad niyang iginala ang paningin sa paligid.Nasa loob siya ng isang kubo. Pero hindi sa kubo nilang mag-asawa. Hindi pamilyar sa kanya ang mga nakikita sa paligid. Nasan siya? Inalala niya kung panu siya nakarating doon. Siya namang pagbukas ng pintuan at pagpasok sa isang taong kilalang kilala niya. Hindi nga siya pinaglaruan lamang ng kanyang paningin. Ang taong nagdala sa kanya sa lugar na iyon ay wala ngang iba kundi si Ruby!
"Anong balak mong gawin sa akin, huh?" Matigas ang boses na tanong niya dito. Bahagya pa siyang napaatras. Natatakot siyang baka gamitan ulit siya nito ng kapangyarihang itim at wala sa sariling madala na naman siya nito kung saan nito gustuhin. Kayang kaya nitong gawin iyon dahil isa itong mangkukulam.
"Iuuwi na kita." Deklara nitong lalo niyang ikinarita.
Anong karapatan nitong pangunahan siya? Pagkatapos siyang traydorin nito? Anong gagawin nito ilalayo siya sa asawa niya at papalit ito? Hindi niya hahayaang mangyari yun!
"Bakit kelan mo ba ako naging pag-aari?" Medyo tumaas na ang mahinahon niyang boses.
"Niloloko ka lang nila Nora. Hindi mo ba naiintindihan yun?" Nag-uumpisa narin itong tumbasan ang init ng ulo niya.
"Ikaw ang manloloko, Ruby. Ikaw ang gustong maglayo sa akin sa asawa ko."
"Asawa? Hindi mo-
Hindi na natapos nito ang sasabihin dahil may bigla na lamang sumunggab dito mula sa may bubong. Lumipad ang nasabing nilalang habang tangan si Ruby. Hindi naman kaagad siya nakahuma at parang hindi pa makapaniwala sa nangyari at titig na titig lamang sa butas sa bubong na nilikha ng nilalang na tumangay kay Ruby. Aswang ba ang nakita niya? Aswang sa kahit maliwanag na? Kung sabagay ay nasa gubat sila. Sa lugar na kung saan laging natatabunan ng mga naglalakihang mga luntiang dahon ang pagsilip ng haring araw.
Samantala ay hapong hapo na si Rogue ngunit may mga uwak parin. Pero hindi na pasugod ang mga ito kundi palayo na sa kanya. Kahit hinihingal ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung ganu siya katagal nakipagtuos sa mga uwak.
"Nora tara na."
Nilingon niya ang asawa ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya.
"Noooraaa!"
Umalingawngaw sa buong gubat ang kanyang boses. Hinagilap niya ng tingin kung nasaan ang asawa ngunit wala. Gamit ang matalas na pandinig ay pinakiramdaman niya ang paligid. Nakarinig siya ng malakas na pagaspas ng mga pakpak. Aswang! Dahil sa isiping baka kinuha ng aswang si Nora ay agad nag-iba ang kulay ng itim niyang mata. Naging puti iyon at kasabay ng pag-angat niya sa hangin ay ang unti unting pagbabago ng kanyang anyo. Nang muling maglapat ang mga paa niya sa lupa ay ganap na siyang naging lobo. Ngunit hindi isang ordinaryong lobo gawa ng may lahi siyang aswang ay may pakpak siya.
Agad siyang tumingala at parang agilang bumulusok paitaas. Ngunit ng nasa itaas na siya ay wala na doon ang sinusundan niya.
"Shit!"
Mahinang mura niya habang unti unting bumabalik sa ibaba.
"Noooraaa..."
Malakas na tawag ulit niya sa asawa habang panay parin ang takbo.
Samantala.Ang aswang pala na gusto sanang sundan ni Rogue ay walang iba kundi ang pinsan niyang si Manilyn.
"Agh..."
Namilipit at halos gumapang na ito sa tindi ng tinamong pinsala mula kay Ruby na napagkamalan niyang si Nora.
Si Ruby naman ay parang walang nangyaring umalis at muling nagbalik sa kubo kung nasaan si Nora. Sigurado naman siyang andun parin ito.
Samantala. Ikot dito ikot doon naman ang ginawa ni Nora. Kanina pa siya lakad ng lakad pero hindi talaga siya makalayo sa kubo. Parang nagpapaikot ikot lang siya. Tuwing nakakalayo na siya at nakakaramdam ng pagkahapo ay nakikita niya ang kubo. Hinubad at binaliktad niya na ang damit niya pero walang nangyari. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asang makakalabas din siya doon. Dapat makalabas siya bago pa dumating si Ruby.
"Roooogue..."
Malakas niyang tawag sa asawa.
"Nora!"
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ng asawa mula sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita niya ang nakangiting mukha nito. Sinugod siya nito ng mahigpit na yakap. Yakap na tila ba sabik na sabik.Ginantihan din niya ang init ng yakap nito.
Ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya ng may tumawag din sa pangalan niya. Isang boses na kilalang kilala niya.
"Nora?" Takang napatitig ito sa kanya at sa kayakap niya. Dahil ang tumawag din na iyon ay ang asawa niya.
Pinagpalipalit niya ang tingin sa dalawang lalaki. Inipon niya ang lakas at ubod lakas na itinulak ang lalaking kayakap. Umatras siya at nalilitong pinalipatlipat ulit niya ang tingin sa dalawa. Sino ang totoong Rogue?
"Nora, wag kang maniniwala sa kanya. Ako ang asawa mo." Anang isa na inilahad pa ang mga kamay sa kanya.
Tumingin siya sa isa pa. Hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kanya. Nangungusap ang malamlam nitong mga mata.
Muli ay binalingan niya ang isa pa. Palapit na pala ito sa kanya kaya bahagya siyang napaatras.
Dugdog...
Dugdog...
Dugdog...
Parang gustong lumabas ng puso niya mula sa kanyang dibdib sa lakas ng kaba nun.
Umatras pa siya ng umatras hanggang mabangga siya sa isang puno. Puno? Puno nga ba? Parang gusto niyang magduda dahil matigas man ay mabalahibo naman ang nabangga niya.
Dahan dahan ay nilingon niya ito. Dahan dahan. Lalong nagwala ang puso niya sa sobrang kaba. Unti unti ay tumambad ito sa kanya. At doon na siya tuluyang nawala sa sarili dahil sa nakita.
To be continued...
Sorry po kung bibitinin ko po kayo ngayon. Pero sa tingin niyo ano kaya ang nakita ni Nora? Marami po ulit salamat sa pagbabasa. Pangako pag-iigihan ko pa po. Wag pong kalimutan. Vote, leave a comment and share. Tsaka pafollow narin po, huh. Yun naman ay kung pwede lang. :)
Tsaka pabasa nrin nung story ko na "Gayuma" tsaka "Sumigaw Tumakbo Magtago". Salamat.
Mitch
