Happy 46k+ reads...Salamuch po... Enjoy reading...
K2-21
Naramdaman ni Shine na may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran.
Gising na si Nora. Gising na ito pero huli na.
"Magiging huli lamang po ang lahat kung wala tayong gagawing hakbang, Nanay Shine." Anitong ikinapanlaki ng mata niya.
Panu nito nalaman ang iniisip niya?
"Nora?"
Dahan dahan niyang kinalas ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya at humarap siya dito. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Hindi siya makapaniwala. Si Nora nga ba ang kaharap niya? Nagbunga ang tiyaga niyang turuan at gabayan ito.
"Nora?"
Muli ay usal niya bago niyakap ng mahigpit ang babae.
Kita naman ni Abegail na kanina pa nagmamasid sa kanila ang nangyayari. Napangisi ito sa nakitang tanawin.Tiyak matitigil na ang kadramahan ng dalawa pag nagawa niya na ang gusto niya. Dapit hapon na. Malapit ng lumabas ang itim na buwan. Magiging pinakamalakas na siya at siya na ang nagmamay-ari sa buong sanlibutan. Nagpalit anyo siya. Naging isang itim na lobong may pakpak at lumipad palayo sa lugar na iyon.
Narinig naman ng dalawang babae ang pagaspas ng kanyang malalaking pakpak.
"Ano yun?" Kinakabahang iginala ni Shine ang paningin sa paligid.
"Si Abegail." Walang anumang sagot ni Nora.
"Anong-
May sasabihin pa sana si Shine ng muli ay umalingawngaw ang boses ni Ruby na sumisigaw.
"Ruuubyyy!" Ganting sigaw niya kahit di siya sigurado kung makakarating iyon sa pandinig nito.
Malapit ng gumabi. Kailangang magkakasama na sila para mas mapadali ang paggapi nila kay Abegail. Muli niyang sinulyapan ang katawan ng anak na nilisan nga ni Abegail ay kalunoslunos naman ang kalagayan. Parang naagnas ng bahagya ang balat nito dahil nagtuklapan iyon.
Ipinilig niya ang ulo. Pupuntahan nila ang anak niya.
"Hmmm...Hmmm...Hmmm...Hmmm..."
Nag-umpisa siyang humuni dahilan para lumutang ang katawan ng dalawa. Kasabay din nun ay ang paghilom ng balat ni Ruby.
"Nora?" Nilingon niya ang babae ngunit tanging katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya.
"Kayo na po ang bahala sa inyong kaligtasan, Nay. Susundan ko po si Abegail. Ililigtas ko ang mundong ginawa para sa tao at hindi para sa kanyang masamang elemento."
Sumabay sa hangin ang mabining tinig ni Nora at nakarating iyon sa kanyang pandinig. Kung ganun ay siya na lamang pala ang maghahanap kina Ruby at Rico. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Nora pero mukhang disedido na ito. Mukhang kailangan niya narin talagang magmadali para matulungan ito.
"Brosem!" Parang kidlat sa bilis na nakarating agad ang kanyang tinatawag.
Sumakay siya dito at iginiya ang dalawang katawan para sumunod sa kanya.
Samantala...
"Ahhhhhhhhh..."
Paos na sa kakasigaw si Ruby. Kanina pa sila pinaglalaruan ng mga puno. Pinagpapasapasahan sila nitong dalawa ni Rico. Si Ka Simon naman ay mahigpit na hinawakan ng isa sa mga ito. Mukhang marunong din mag-isip ang mga puno. Halos di na makagalaw ang matanda dahil parang iginapos ito.