Final Season-Chapter 3

7.4K 161 15
                                    

K3-3

"Anong nangyari? Nasaan ako?" Mahinang anas ni Nora habang sapo ang kumikirot na ulo. Painot inot na bumaba siya sa papag na kawayan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi siya pamilyar sa silid na kinaroroonan. Wala rin naman siyang matanong kung nasaan siya dahil wala siyang kasama sa loob ng kubo.

"Gising ka na pala." Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil sa labis na gulat ng may magsalita sa ibaba ng kubo. Yumuko siya at sumilip sa mga siwang ng sahig na kawayan. Nakita niya ang isang lalaki. Pamilyar sa ito sa kanya pero hindi niya maino kung sino ito dahil narin sa mga nakapagitan sa kanilang sahig na kawayan.  May kung ano itong ginawa bago nawala at sumungaw sa may pinto.

"Mabuti gising ka na, Nora." Saka niya lamang mapagsino ng lalaki ng wala na ang mga kawayang nakaharang para sila magka kilanlan.

"Mercylito?! Nasaan ako? Anong nangyari? Panu ako napunta dito?" Sunod sunod at naguguluhang tanong niya sa binata.

"Andito ka sa bagong bato, Nora." Ang bagong dating na si Nanay Shine ang sumagot sa tanong niya. Mukhang galing ito sa gubat dahil sa ayos nito at sa dalang mga dahon.

"Bakit? Panu po ako napunta dito?" Muli ay tanong niya. Inalalayan naman siya ni Mercy para muling bumalik sa papag. Nagpatianod na lamang siya dahil na din sa nararamdaman pagod. Hapong hapo siya sa hindi niya malamang kadahilanan.

"Magpahinga ka muna. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat pagkagising mo." Mahinahong wika ni Nanay Shine na ngayon ay abala na sa paghahanda sa mga dahon para ilaga. Para naman siyang de susing maynika na agad humiga at pumikit.

"Mamya pagkagising mo maayos na ang lahat." Muli ay narinig na naman niya ang mga katagang iyon. Sa tuwina tuwing kailangan niyang ipahinga ang sarili ay iyon ang sinasabi ng matandang babae sa kanya. At may tiwala siya dito kahit pa nga minsan na siya nitong binigo.

Flashback on the last part of Season 2

"Nasaan ako? Sino kayo?" Naguguluhang pinaglipat ng binatang si Rico ang paningin sa tatlong babaeng nasa harapan.

Nanlaki naman ang mata ng tatlo. Ibig sabihin walang maalala ang lalaki. Sa sobrang taranta dahil sa pagbalatay ng sakit sa mukha ni Nora ay agad ikinumpas ni Nanay Shine ang kanyang kamay. Para namang batang heneleng agad na nagbalik sa kanyang pagkakahimbing ang binata.

"Nay, ano pong nangyari?" Bumalatay ang sakit sa mukha ni Nora. Oo nga't galit siya kay Rico dahil sa ginawa nito sa kanya pero ganun pa man ay di niya maitatangging mahal niya ito. Malaya na sila. Malaya na sana sila. Pero bakit ganun kung kelan maayos na ang lahat saka naman siya hindi maalala ng lalaki.

"Magpahinga ka na muna, Nora. Paggising mo tiyak nasa ayos na ang lahat." Ang mga katagang iyon ang nagbigay seguridad sa kanya. At siya ring dahilan kaya siya nagtitiwala. Agad ay tumabi siya sa nahihimbing na si Rico. Bagama't may distansiya sa pagitan nila ay dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Nakalingon lang siya sa binata hanggang maramdaman niya ang unti unting pamimigat ng mga talukap ng kanyang mata kasabay ng pag-ihip ng mabining hangin ay ang tuluyan niyang pagkahimbing.

"Bukas magiging maayos na ang lahat." Masayang usal niya bago siya tuluyang nawalan ng malay sa anumang nagyayari sa kapaligiran.

Nang muli siyang magising ay wala na si Rico sa tabi niya. Ni walang anumang bakas na may humiga doon. Parang gusto niya tuloy magduda kung totoo ba talaga ang nangyari kanina.

"Rico?" Tawag niya sa pangalan nito ng makarinig ng kaluskos. Mukhang galing iyon sa likod bahay.

Nang walang makuhang sagot ay bumaba na siya ng papag at sumilip sa maliit na bintanang nakaharap sa dakong iyon. Ang tanging nahuli lamang ng kanyang tingin ay ang abuhing buntot ng malaking lobo na maaring si Rico. Pero bakit hindi siya nito sinagot? Bagkus ay parang iniwasan pa siya nito?

Nanlulumong muli na lamang siyang umupo sa papag.

"Oh, Nora anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Ni hindi niya namalayang nasa harapan niya na pala si Nanay Shine. Nahulog kasi siya ng maigi sa kanyang mga di maipaliwanag na alalahanin. Ni hindi na nga niya napansin ang pag-alpas ng kanyang mga suwail na luha.

"Siguro ay bigyan na lamang natin siya ng panahon. Siya narin mismo ang lalapit sa iyo kapag naging maayos na siya. Mahal ka ni Rico. Yan ang lagi mong tatandaan." Pang-aalo nito sa kanya.

Lumipas ang ilang araw na pilit iwinawaglit ni Nora sa isipan si Rico. Hanggang ang araw na iyon ay naging linggo at di nagtagal ay naging buwan. Unti unti ay nasasanay na siya. Hanggang tuluyan na ngang lumipas ang dalawang buwan hanggang umabot siya sa kasalukuyang sitwasyon.

Samantalang si Rico naman bagama't wala paring malaytao ay tanging si Nora parin ang laman ng puso at isip. Nahihiya siya. Nahihiya siya hindi lang kay Nora kundi maging sa sarili. Pakiramdam niya'y pinagsamantalahan niya ang kahinaan ng dalaga. Pero totoo namang ikinasal sila. Ang pinuno mismo ng kanilang lahing lobo ang nagkasal sa kanila. Ang bagay na iyon ay madali naman niyang maipapaliwanag. Pero panu niya sasabihin ditong may nangyari sa kanila nung nasa ilalim ito ng hipnotismo ng kanilang babaylan? Pero handa na sana siya. Inihanda niya na ang sarili para sa muli nilang paghaharap pro nangyari naman ang aksidenteng naging mitsa para muling humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. At ngayon nga ay nakatayo siya sa paanan ng sarili mismong katawan at hindi alam kung panu pa maibabalik ang sarili.

To be continued...

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon