Season 2-Chapter 16

9.5K 231 2
                                    

Happy 30k reads! Salamat po talaga sa inyo. Sobra sobra po ang pagtanggap na ito sa iniexpect ko. Salamuch po.


K2-16

Unti unting kusang namalisbis ang mga luha sa mga ni Shine sa nakita.

"Anak?!" Mahinang usal niya pero sapat na upang makarating sa pandinig ng kanyang tinatawag.

Tiningnan siya nito at nginisihan. Ngayon niya nasiguro na hindi ang anak niya ang nakikita. Akmang lalapitan niya ito ngunit hindi pa man siya nakakagawa ng ikalawang paghakbang ay bigla na lamang itong nawala.

"Ruby!" Ang tanging nasambit niya nalang dahil sa pangungulila sa mahal na anak.

Nanghihinang napalugmok siya. Isa siyang malaking hangal na nagpalinlang sa isang tusong kagaya ni Abegail. Hindi magtatagal kapag di pa siya nakagawa ng paraan ay tuluyan narin nitong aariin ang katawan ni Ruby tulad ng ginawa nito kay Rosa dati. Babaguhin ulit nito ang anyo ng anak niya at hinding hindi niya na ito makikilala pa. Malakas si Ruby. Higit na mas malakas kesa kay Rosa pero nagawa parin itong sakupin ni Abegail. Ang mga anak niya ang nagdusa sa kagustuhan niyang matuto ng mahika.

Pero may pag-asa pa. Si Nora. Si Nora ang pag-asa nila! Dahil sa isiping iyon ay bigla niyang naalala ang dalaga.

"Brosem!"

Kailangan niya ang kanyang walis para masuyod ang gubat. Hindi niya kasi alam kung nasaan ito.

"Nora?" Malakas na tawag niya sa dalaga.

Ngunit tanging mahabang katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya.

"Nora?" Muli ay tawag niya.

Ngunit katulad ng nauna niyang pagtawag ay wala uling tugon. Nagpatuloy siya hanggang mapahinto dahil sa malansang amoy na humalo sa hangin. Dugo!

Dahil sa isiping baka napahamak na si Nora ay bumaba siya. Sinalubong siya ng mga insektong malamang ay nabulabog ng kanyang pagdating. Marami ang mga ito kaya di niya maaninag kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito kanina. Nang tuluyang mahawi ang mga insekto ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang babaeng nakataob at nadaganan ng isang malaking puno. Sumikdo ang dibdib niya. Hindi kaya si Nora ang babae? Dali dali niyang tinakbo ang pagitan nila at inalis ang nakadagan dito. Kabadong kabado siya habang unti unting itinitihaya ang babae. Para siyang hinahabol ng isang libong dwende sa lakas ng kaba niya. Unti unti ay tumambad sa kanya ang mukha ng isang babaeng hindi niya nakikilala. Hindi ito si Nora. Pinulsuhan niya ang babae. Wala na itong buhay.

"Arghhh..."

Isang daing ang umagaw pansin niya. May tao? Agad siyang napatayo. May mga tao bang nadamay sa pagwawala ni Nora? Pero kung titingnan niyang maigi ang babae ay mahihinuha niyang hindi ito ordinaryo. Nakahubo kasi ang babae. Kaya malamang ay iba ang totoong anyo nito sa anyong nakikita niya sa kasalukuyan.

"Arghhh..."

Muli ay narinig niya ang daing. Sinundan niya ito at nakita niya ang isang lalaking naipit rin sa isang kahoy. Si Rico!

"Rico, anong ginagawa mo dito?" Nag-aalalang tanong niya.

Hindi kasi niya alam na nagising na pala ang lalaki. Naisip niya tuloy na baka magkasama ito at si Nora na nagpunta sa gubat. Pero nasaan ang dalaga?

Nagpumilit makaalis sa pagkakaipit ang lalaki. At sa tuwing ginagawa nito iyon ay lalo itong nadadaganan. Dahilan marahil para dumaing ito sa sakit. Nilapitan niya naman ito at hinila ang kahoy para makaalis ito.

"Asan ba si Nora?" Hindi niya napigilang tanong habang tinutulungan ito.

Ngunit tumingin lang ito sa kanya. Tingin na parang nagpapaunawa. Parang may gustong sabihin pero hindi nito magawa.

"May sugat ka." Aniyang akmang hahawakan ito sa brasong may galos ngunit umiwas ito.

Nakita niya nalang ang sarili na nakatanaw sa palayong lalaki. Pero bago ito umalis ay kita niyang nagdingas ang abuhin nitong mga mata.

Hindi na lamang niya sinundan ang lalaki at hinanap na lamang si Nora. Di naman siya nahirapang hanapin ito. Hindi kalayuan sa pinagkitaan niya sa lalaki ay andun si Nora. Malaya itong nakahiga sa damuhan na parang sadyang inilapag doon.

"Nora? Nora gising!" Tawag niya dito na sinabayan pa ng mahinang payugyog sa mga balikat nito.

"Hmmm... Ano po nangyari?" Anitong iginala ang paningin sa paligid.

Tila nagtaka pa ito kung bakit naging ganun ang itsura ng paligid. Mukhang wala itong natatandaan. Nginitian niya lang ito. Mas maigi pa ngang ganun ang mangyari. Hindi pa ito handa. Nanghihina rin ito. Malamang ay naubos ang lakas nito sa lakas ng pwersang napakawalan nito kanina.

"Umuwi na tayo." Aya niya habang inaalalayan ito.

Hindi naman na siya nito kinulit pa tungkol sa nangyari sa paligid. Nag-uumpisa na silang maglakad ng makarinig sila ng malalakas na pagaspas ng malalaking pakpak.

"Nora, yumuko ka. Magtatago tayo." Utos niya sa dalaga.

"Invisibilia!"

Iglap lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay di na sila makita. Bagama't alam niyang ang amoy nila ang andun parin. Sigurado naman siyang hindi sila mahahanap ng mga aswang na papalapit.

"Andito si Manilyn!"

Dumako ang mata nila pareho ni Nora sa nagsalita. Sa kaanyuan nito ay halatang isa itong aswang. Bagama't nakatago na ang pakpak nito. Narinig nilang may paparating. At di nagtagal ay dalawa pang aswang ang dumating.

"Maaanilyyyn..." Malakas na palahaw ng isa sa mga ito.

Kinalong nito at niyakap ang wala ng buhay na dalagang nakita niya kanina. Kung ganun tama ang hinala niya. Hindi nga isang ordinaryong nilalang ang babae. Pero anong ginagawa nito doon?

"Pagbabayaran nila ang nangyari sayo! Kailangang mapag-isa na sina Rogue at Abegail para makaganti na tayo." Gigil na wika nito bago umangil ng malakas.

Lalong naging nakakatakot ang itsura nito. Lalong humaba ang pangil at nag-igtingan ang  mga ugat nito. Nang bigla itong matigilan. Gumala ang paningin sa paligid at huminto pagdating sa kanila. Nakita ba sila nito? Nagkamali ba siya ng akala na hindi malalaman ng mga ito kung nasaan sila?

Bigla ang pagsalakay ng kaba niya ng tumayo ito. Ngunit agad din siyang nahimasmasan ng lumkad ito palayo sa kanilang deriksyon. Pero hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito. Pumulot ito ng kapirasong kahoy at ibinato sa gawi nila. At dahil sa kabiglaan ay hindi siya nakahuma at agad noong natibag ang harang na inilagay niya. Nakita sila ng mga ito.

"Tugisin sila!" Malakas na utos nito sa mga kasama.

Malamang ang lalaking ito ang pinuno ng mga aswang. Si Rodrigo.

Mabilis namang tumakbo papunta sa direksyon nila ang dalawang aswang. Ngunit ang mas hindi niya niya inasahan ay ang sumunod na nangyari. Bago pa man makarating ang mga ito sa kinaroroonan nila ay bigla na lamang dinaluhong ang mga ito ng isang lobo. Lobong may pakpak. Tinangay nito ang dalawang aswang palayo. Dahil doon ay nakagawa siyang muli ng harang para wag silang makita. At di na sila nagpatumpiktumpik pa. Sumakay na silang dalawa ng nanghihinang si Nora sa walis at lumipad palayo.

To be continued...

Salamuch po ulit ng marami sa inyong pagbabasa. Overwhelming po talaga yung reads ng story ko. Noong una kasi sabi ko kahit sampu basta may magbasa lang ayos na. Pero ngayon ang dami. Thanks po talaga.  Magdadalawang buwan palang po akong nagsusulat dito pero may group at page po sa fb na nagsusulat ako. Hindi ko po talaga aakalain na bibigyan niyo ng time para mabasa yung story ko. Salamat po talaga.

Mitch

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon