Happy 54k+ reads po. At thank you po kasi maintain pong nasa rank tong kulam. Marami pong salamat ng sobra. End of season 2 na po tayo. See you po sa season 3/final season. :)
K2-23
"Riiicooo..." Ang malakas na sigaw ni Nora ang pumunit sa katahimikan ng gabi.
Mabilis na dinaluhan niya si Rico. Kinapa niya pa ang pulso nito para siguraduhing hindi ito napurohan.
"Magbabayad ka, Abegail!!!" Nanginginig siya sa galit. Literal ding nagdingas ang kanyang mga mata.
Igaganti niya ang mahal niya! Ngayon niya aamining mahal niya ang lalaki. Oo galit siya dito dahil sa ginawa nitong pagtatago sa kanya. Alam niya na ang lahat. Pero hindi parin niya maikakailang mahal niya ito.
Bumaling siya sa kinaroroonan nina Abegail. Kung kanina ay bigla itong nanghina ngayon ay nakalutang na ito sa hangin habang nakatingala.
Nasa ibaba nito ang walang malay na si Ruby samantalang nakatulala lang dito sina Nanay Shine at Ka Simon. Anong nangyayari? Bakit walang ginagawa ang dalawa?
Mabilis siyang lumapit sa bilog pero hindi pa siya tuluyang nakakapasok ay tumilapon na siya palayo. Naningkit ang mga mata niya. Shit! Kung hindi siya makakapasok tiyak na ang katapusan nila.
"Nay Shine? Ka Simon?" Tinangay ng hangin ang kanyang boses papunta sa dalawa. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala parin tugon ang mga ito.
Umikot siya sa kabilang panig ng bilog at saka niya lang nakita kung bakit. Nahipnotismo ni Abegail ang dalawa. Si Ruby na lang ang pag-asa niya. Pero anong gagawin niya? Wala itong malay.
Aalis na sana siya ng biglang may naalala. Tama! Alam niya na kung ano ang gagawin.
Humarap siya sa likuran ni Abegail kung saan nakaguhit ang mukha ng isang lalaki. Ngayon ay gagawin niya na ang lahat mapalabas lang ito.
Nag-umpisa siyang umusal ng dasal sa salitang latin. Agad naman siyang napuna ng babae. May sinabi din ito at bigla ang paglitaw ng mga tila sinaunang kawal at sinugod siya ng mga ito. Dahil dun ay nawala siya sa konsentrasyon.
Ikinumpas niya ang kamay at bumaliktad ang epekto ng dasal. Ngayon ay papunta na ang mga kawal kay Abegail. Ngunit ganun nalang ang gigil niya ng makitang para lamang itong mga usok na humalo sa hangin bago pa man makarating sa babae.
Bigla ang paglingon rin nito sa kanya. At nanghilakbot siya sa nakita. Nasaan na ang napakagandang babaeng nakita niya kanina? Bakit iba na ang anyo nito ngayon? Ito ba ang tunay na kaanyuan ng isang makapangyarihang mangkukulam na hindi pinatanda ng panahon?
Tinitigan siya nito habang may inuusal. Hindi maari. Hinihipnotismo siya nito! Gusto niyang wag makinig. Gusto niyang ipilig ang ulo upang di siya mapatitig dito. Pero bakit ganun hindi niya magawa. Patuloy lang ito sa pag-usal habang siya naman ay parang unti unti ng nililisan ang totoong mundo.
Palapit din ito ng palapit habang inuusal iyon. Hindi na kinakaya ng utak niya ang paglabanan ang mga nangyayari. Unti unti na iyon umeepekto at nanunuot sa kanyang pagkatao. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Ngunit agad din ay gulat na napadilat siya.
Anong nangyari? Nawala ang epekto ng dasal. Bigla rin ang pagbagsak sa lupa ni Abegail.
Nang tuluyang bumagsak si Abegail ay doon nasagot ang kanyang katanungan. Sa likod ito ay andun ang humihingal pang si Ruby at sa mga kamay ito ay andun ang buntot pagi na pag-aari ni Ka Simon. Dahil din sa nangyaring pagkawala ng malay ni Abegail ay nawala ang epekto ng hipnotismo kina Nanay Shine at Ka Simon.
![](https://img.wattpad.com/cover/24973679-288-k666744.jpg)