Happy 22k+ reads at rank #10. Marami pong salamat. Ang chapter nato ay para sayo @laizaluceno. Maraming salamat sa pag-aabang, dear.
K2-14
"Rico"
Ang tanging nasambit ni Nora ng mapagsino ang pangahas.
"Ano pong ginagawa niya dito? Panu po siya napunta dito?" Buong pagtataka niyang tanong sa Nanay Shine niya.
Ang huli niyang naalala kasi ay nagpunta siya kina Rico para hanapin si Ruby. Pagkatapos nun ay may narinig silang kalabog. Agad siyang dinala ni Rico sa kwarto nito at dun ikinubli. Ang bilis ng pangyayari nun. Hindi niya na alam kung nasaan si Rico. Ang tanging natatandaan niya ay tinangay siya ng malaking abuhing lobo.
"Bakit siya nandito? Dahil dito talaga siya nakatira." Kaswal na sagot ni Shine sa kanya.
At kung gaano ito kakaswal sa pagsasalita ay ganun din naman ang gulat na rumehistro sa mukha niya. Panu nangyari yun? Tila naman nabasa nito ang kanyang iniisip at agad ay sinagot nito ang bumabagabag sa kanya.
"Siya at ang lobong tumangay sayo ay iisa."
"Si Rico? Taong lobo?"
"Yan pa lang ang nalaman mo nagulat ka na? Panu pa kaya kung sasabihin ko sayo ang isang bagay na alam ko." Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Ano po yun?"
"Yun ang dapat mong matutunan ngayon. Ang basahin ang isip ng iba."
"Nay naman-
Hindi niya na naituloy ang dapat ay pagmamaktol dahil umalis na ito. Pinagmasdan niya ang natutulog na si Rico na ng di nagtagal ay kumilos na at anyong magigising. Sa pagkataranta naman niya sa pagdilat nito ay ang walang muwang na sandok ang nahagip ng kamay niya at inumang dito.
"Wag kang magpapalit anyo. Marunong na ako ng kulam ngayon. Baka gusto mong gawin kitang palaka." Pagyayabang niya dito kahit pa nga abot abot na ang kaba niya.
"Nora?" Anito sa mahinang boses. Parang hinang hina ito.
"Ano?" Pasitang tanong niya. Ayaw niyang maawa kasi baka kung saan na naman siya dalhin ng lobong ito.
Umupo ito sa kama at umaktong gagapang papunta sa kanya. Nasa may paanan kasi siya.
"Wag kang matakot sakin, please."
"Hindi ka magpapalit anyo?"
Aniyang panay ang atras dahil sa takot na makalapit agad ito.
"Nora."
Pilit siya nitong inaabot. Umatras naman ulit siya. Ngunit nagkamali siya ng hakbang dahilan para mawalan siya ng balanse. Napapikit siya at inantay ang pagsayad niya sa sahig na kayawan. Ngunit hindi sahig ang binagsakan niya kundi ang matitigas na bisig ng lalaki. Kitang kita niya kung panu literal na nagdingas ang mga mata nito matapos siyang saluhin.
"Salamat." Napayukong wika niya. Ngunit agad din siyang napaangat ng tingin ng may maalala.
"Teka diba nanghihina ka?"
Gusto niya sanang sabihin ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito. Nasaan na si Rico? Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala. Lumabas siya ng kubo at dun niya ito nakita. Nakatalikod ito sa kanya habang nakatukod ang magkabilang kamay sa katawan ng isang puno.
"Rico?"
Tawag niya dito. Ngunit hindi ito lumingon.
"Rico?"
Tawag niya ulit. Pero ngayon ay unti unti narin niya itong nilalapitan. Ngunit wala paring sagot mula dito.
"Rico?"
Muli niyang tawag ngunit ganun parin. Ilang hakbang nalang ay maaabot niya na ito.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
"Rico?" Aniya sabay hawak sa balikat nito.
Lumingon ito at napaatras siya sa nakita. Nag-aapoy ang mga mata niyo. Literal na nag-aapoy. Mas malala pa kaysa nakita niya kanina. Dahil sa gulat ay di siya agad nakahuma ng mabilis itong tumakbo palayo. Kitang kita ng dalawang mata niya ng unti unti itong magbagong anyo.
"Brosem?!"
Malakas niyang sigaw at iglap lang ay nakasunod na siya sa lalaki gamit ang walis. Hindi pwedeng basta nalang siya lumutang dahil mabilis ito. Iginala niya ang paningin sa kakahuyan. Nawala ata niya ito. Napakabilis naman kasi nitong kumilos.
Bumaba siya para mabistahan pa ng maigi ang kakahuyan. At para narin matunton niya ito. Gusto niya sana itong tawagin pero nagdalawang isip. Hindi kasi niya alam kung ano ba talagang nangyayari sa lalaki. Nang di parin niya ito makita ay ipinasya niya ng maglakad. Umabot na siya sa pusod ng gubat kung saan kunting liwanag na lamang ang naglalagos sa mga mayayabong na dahon ng mga punong naroon. Bahagyang nayakap niya pa ang sarili ng bigla nalang umihip ang malakas na hangin. Naglakad pa siya ng biglang makarinig siya nakakapangilabot na alulong.
"Awooooh..."
Bahagya siyang napatigil sa paglalakad. Lalo na ng nasundan ulit yun ng hindi lang isa kundi tatlong alulong pa. Mukhang kailangan niyang bumalik sa itaas.
"Brosem?!"
Tawag niya sa walis. Ngunit ilang segundo na ang lumilipas ay di parin ito lumalapit.
"Brosem?!"
Twag niya ulit. Bahagya ng nanginginig dahil sa kaba ang boses niya. Ngayon niya pinagsisihan ang pagsunod kay Rico. Lobo nga naman pala ito kaya na nito ang sarili.
"Bro-
Hindi niya na naituloy pa ang dapat ay muling pagtawag. Dahil tumalon sa harap niya ang isang malaking abuhing lobo. Napaatras siya hindi dahil sa takot dito kundi dahil sa tangan nito.
Ang walis niya. Ngayon ay nagkapirapiraso na habang tangan sa bibig ng lobo. Panu nagawa ng lobo yun ang ganun? Panu nagawa ni Ricong baliin ang spell na inilagay ni Nanay Shine niya sa walis?
To be continued...
Marami pong thank you sa pagbabasa. Next UD will be on friday. Sana basahin niyo rin po ang iba ko pang mga story.
Gayuma(Completed)
Isla(Completed)
Sumigaw Tumakbo Magtago (Completed/episode)At ang pinakabago kong story
Alindog ni Eba(on going)
