Season 2-Chapter 20

8.1K 184 1
                                    

Happy 45k+ reads... Salamuch po talaga sa inyong lahat dahil hanggang ngayon ay sinusuportahan niyo parin po ako. Sana po kasama ko parin kayo hanggang sa huli.


K2-20

Parang mga taong kusang nagsikilusan at nagsitayuan ang mga puno sa paligid. Isa lang ang tinutumbok nila. Ang direksyong itinuro ni Abegail. Kina Shine.

Si Abegail naman ng oras na iyon ay aliw na aliw habang pinapanood sa isang batya ang dalawang babae. Kita niyang pilit ginigising ni Shine si Nora na hanggang ngayon ay nakalutang parin at parang wala sa sariling umusal ng anito'y pangontra sa kanya. Napatingala siya. Talagang patutunayan niya sa dalawang hindi siya kaya ng mga ito.

"Phasmatos Oculacs!"Nakangisi niyang usal.

Kusang nahawi ang mga ulap na siyang nagtago ng kubong kinaroroonan nina Shine.

"Nora? Nora gising!"

Pilit paring ginigising ni Shine si Nora.

"Invisique!" Muli ay usal niya ngunit hindi na iyon umeepekto.

Muli niyang nilingon ang mga punong nagkabuhay na pasugod na naman sa kanila. Palapit na ang mga ito.

Dugdog...

Dugdog...

Dugdog...

Napakalakas ng kalabog ng kanyang dibdib. Mapapahamak sila kung hindi pa magigising si Nora. Hindi pwedeng mauwi lang sa wala ang pinaghirapan nila.

Si Abegail naman ay nakinikinita na ang kanyang tagumpay. Titig na titig sa tubig sa batya ang nanlilisik nyang mga mata. Nasasabik na siya.

Isa...

Dalawa...

Tatlong hakbang...

Inangat ng taong puno ang mga sanga nito at aktong ihahambalos sa dalawa. Lalong nanggigil sa nakikitang eksena si Abegail.

"Mamamatay kayo! Mamamatay kayo!" Gigil na usal niya.

"Noooraaa..." Isang malakas at nakakabinging sigaw ang pinakawalan ni Shine. Katapusan na nila!

Pero bago pa man lumapat sa kanila ang sanga ng mga puno at dumilat si Nora. At isang kisapmata lang ay naglaho ang mga ito.

"Ahhhhhhhhh..." Di mapigilang sigaw ni Abegail dahil sa naputol na matinding antisipasyon.

"Rooooogue!!!"

Nanginginig siya at unti unting naagnas ang katawang gamit niya dahil sa tindi ng init na lumabas sa katawan niya. Dala iyon ng matindi niyang galit.

"Rooooogue!!!" Muli ay tawag niya ng di ito tumugon.

Lalong tumindi ang galit niya ng wala paring tumutugon. Tinraidor ba siya ng lalaki? Muli pa sana siya uusal ng pagtawag ng biglang yumanig ang paligid. Ibig sabihin nasa malapit na ito. At di nga naglipat minuto at iniluwa na ito ng madawag na damuhan.

"Ipagpaumanhin mo kong ngayon lang ako nakarating, mahal ko." Hinihingal na pahayag nito.

Nagpalit anyo ito at nag-anyong tao. Gusto niyang magalit pero di niya magawa. Ano nga ba namang aasahan niya dito. Isa lang itong kalahating aswang at kalahating lobo. Pero kailangan niya ito. Pilit niyang pinahinahon ang sarili. Ipinakita niya dito ang pinakamatamis niyang ngiti bago siya nagsalita.

"Hindi na natin aantayin ang pagluha ng itim na buwan. Ngayon palang ay magsanib na tayo." Aniyang hinuli ang tingin nito.

Hipnotismo ang tanging naisip niyang paraan para mapasunod niya ito. At kusa ngang lumakad ito papunta sa kanya. Kukunin niya ang katauhan nito. Lalamunin niya ito para tuluyang maging pinakamalakas na nilalang. Hindi pa alam ni Rogue ang mga kakayahan nito. Mahina ito kung ito lang ang masusunod sa sariling katawan.

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon