Season 2-Chapter 9

10.6K 219 2
                                    


Happy 12k+ reads po... Ang bilis grabe... Salamat po talaga sa inyong lahat.






K2-9

Napakalas ng kaba sa dibdib ni Nora habang patuloy na umaatras upang wag tuluyang makalapit sa kanya ang isa pang Rogue. Nalilito na siya kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa ba talaga sa mga ito ang asawa niya o pinaglalaruan lamang siya ng kanyang mga mata. Umatras pa siya ng umatras hanggang manlaki ang mata niya ng may mabangga. Puno? Parang gusto niyang magduda.  Matigas man kasi ay mabalahibo naman ang nabangga niya. May puno bang mabalahibo?

Dahan dahan ay nilingon niya ito. Dahan dahan.  Lalong nagwala ang puso niya sa sobrang kaba. Unti unti ay tumambad ito sa kanya. At doon na siya tuluyang nawala sa sarili dahil sa nakita. Isa pang Rogue! Isang anyong lobong Rogue!

"Ahhhhhhhhh..."

Isang makabasag ear drum na tili ang umalpas mula sa lalamunan niya. Ipinikit niya pa ng mariin ang mga mata sa isiping wala na ang mga ito pagdilat niya. Pero lalo lamang siyang napaatras sa takot ng madilatan niyang nakatunghay ang tatlong Rogue sa kanya. Kapwa nakangisi ang mga ito na tila baga kampon ng dilim.

"Parang awa niyo na tigilan niyo na ako."

Pabilingbiling ang ulo niya sa magkabilang panig. Hanggang maramdaman niyang may isang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang balikat niya. Agad siyang napadilat at hinihingal na bumangon. Panaginip?

Iginala niya ang paningin sa paligid. Andun prin siya sa loob ng kubong pinagdalhan ni Ruby sa kanya. Pero nasaan si Ruby? Kung talagang panaginip lang ang mga nasaksihan niya ay nasaan ito?

Para namang dininig ng hangin ang kanyang katangunan at ibinulong iyon sa hinahanap niyang nilalang. Biglang umihip ang malakas na hangin na ng dumampi sa knyang balat ay bahagya pa siyang nangingig sa lamig. Napatingin siya sa nakabukas na bintana ay kitang kita niya ang pagdating ng isang uwak. At naalala niya ang mga uwak na umatake sa kanila ng asawa kanina. Dahilan para magkahiwalay sila. Dahil sa naisip na iyon ay pinulot niya ang nakitang lata sa gilid ng papag at ibinato iyon sa uwak. Ngunit hindi niya ito tinamaan dahil nakapasok na ito. At kitang kita ng dalawang mata niya. Kung panu naging isang babae ang uwak. Hindi lang basta kung sinong babae. Kundi si Ruby.

Pero kung ngayon lang nakarating si Ruby. Sino naman kaya ang pangahas na humawak sa kanya kanina? Nang balingan niya ito ay naglalakad na ito papunta sa kanya. Nahintakutang napaatras tuloy siya. Wala siyang laban dito kung sakali.

"Ano na namang ginawa mo sa akin, mangkukulam ka, huh?" Galit na akusa niya dito. 

"Nora ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit ka ba galit?" Anito sa pinakamaamo nitong boses. Pero hindi siya magpapaloko dito.

"Hindi ako magagalit basta wag mo nalang kaming pakialaman ni Rogue." Malamig ang boses na tugon niya dito.

"Nora ang Rogue na tinutukoy mo ay isang halimaw!" Iglap lang ay naging mabalasik ang boses nito. Mapagkunwari talaga!

"Bakit ikaw anong tingin mo sa sarili mo? Normal bang kaya mong magpalit anyo? Normal na bang maging mangkukulam? Isa ka ring halimaw, Ruby!"

"Nora hindi sa ganun. At hindi ko rin ginusto to.  Makinig ka naman muna. Ako parin to si Ruby, ang kaibigan mo."

"Wala akong kaibigang traydor!"

Sinamaan niya ito ng tingin at pumunta sa may pintuan.

"Palayain mo na ako, Ruby. Hindi mo ko pag-aari." Aniya dito bago lumabas ng kubo. Utos iyon at hindi isang pakiusap.

Nagtuloytuloy siya sa paglalakad kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na.

Si Rogue naman ng mga panahong iyon ay di parin sumusukong makita si Nora. Hanggang bigla nalang humalo sa hangin ang isang mabining amoy. Ang asawa agad ang naisip niya. Agad siyang tumakbo at sinundan ang amoy. Bawat pag-angat ng mga paa niya sa lupa ay unti unti ring nagbabago ang kanyang anyo. Hanggang tuluyan na ulit siyang nag-anyong lobo. Muli siyang tumungo para amuyin ang lupa. Pero nawala ang amoy na kanina ay sinusundan niya. Kahit walang kasiguraduhan ay nagpatuloy parin siya sa pagtakbo. Bahala na!

"Norrraaa..."

Malakas niyang pagtawag sa asawa. Nakarating naman iyon sa pandinig ni Nora.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Si Rogue!

"Rooooogue..."

Ganting sigaw niya kahit hindi niya naman alam kung talaga bang totoong narinig niya ang asawa. Para kasing humalo lang sa hangin ang pagsigaw nito.

"Rooooogue..." Ulit niya ngunit tanging katahimikan ang sumalubong sa kanya.

"Rogue ano ba!" Naiiritang sigaw niya. Parang naiiyak na siya sa kaba. Nasaan na si Rogue? Baka may ginawang masama si Ruby dito.

Lumingon siya at nakita niya si Ruby. Nkasunod pala ito sa kanya.

"Tantanan mo na ko, Ruby. Para mo ng awa."

Kita niyang bumadha ang lungkot sa mukha nito ngunit hindi siya nagpaapekto. Hindi na siya magpapaloko dito. Hindi na niya hahayaang ilayo ulit siya nito sa asawa niya.

Napahinto naman ito sa paglalakad. Nanlalaki  ang mga mata nito at iginala ang paningin sa paligid ng bigla nalang mula sa kung saan ay may malaking abuhing lobo ang tumalon dito. Nagpapapasag ang babae dahil sa kabiglaan. Inilagay nito ang mga kamay sa harapan at ubod lakas na itinulak ang lobo. Binuka naman ng lobo ang napakalaki nitong bibig at akmang kakagatin ang babae.

"Waaag!" Natatarantang sigaw niya.

Kahit pa galit siya dito ay hindi niya rin naman ito gugustuhing mapahamak. Sa kamay pa ng asawa niya. Hindi kay Rogue!

Umalis naman sa ibabaw nito ang asawa niya at naglakad palapit sa kanya. Tumayo narin ang babae ngunit imbes magpasalamat ay bigla nalang nitong dinaluhong ang asawa niya. Kitang kita niyang parang napasong napalayo ang asawa niya. Nagmistula itong umiiyak na tuta habang may kung anong dinidilaan sa may paanan nito. Iglap lang ay nagbagong anyo ito at bumalik sa anyong tao. Ibig sabihin may pinsala ito.  Patakbong nilapitan niya ito ngunit mas naunang makalapit ulit si Ruby dito.Ngayon ay kita niya na ang inumang nito sa asawa niya. Pilak? Pilak ang kahinaan ng asawa niya! Walang pagdadalawang isip na pinulot niya ang nakitang malaking bato at ipinukpok iyon sa ulo ni Ruby bago pa man nito masaktan ang asawa niya. Nawalan naman ito ng malay dahil sa lakas ng pagkakahampas niya. Dali daling tinayo niya ang asawa. Kailangang madala niya agad ito kay Tiyo Berting para magamot. Lalong lumalim ang naramdaman niyang puot para sa dating kaibigan dahil sa ginawa nito kay Rogue. Sana lang hindi na muling magsanga ang landas nila dahil pagnangyari ulit iyon ay titiyakin niyang kaya niya na itong labanan. Maaaring namamana nga ang pagiging mangkukulam pero ang kaalaman sa kulam ay maari prin namang matutunan.

Nasa ganun siyang pag-iisip ng mula sa kung saan ay bigla nalang may malaking ibon na lumipad papunta sa kanila. Iglap lang ay tangan na nito ang asawa niyang wala paring lakas dahil sa ginawa ni Ruby.

"Rogue!" Nanlaki ang mata niya sa naganap. Huli na ng mag sink in sa kanya na tangan na palayo ng nasabing lumilipad na nilalang ang asawa niya.

"Rooooogue..."

Malakas niyang sigaw. Ngunit nilamon na lamang ng malalakas na pagaspas ng mga pakpak ng nilalang na lumilipad ang kanyang palahaw.

To be continued...




Waaahhh... Salamuch sa inyo mga dearest readers. (Dumidearest na ako hahaha). Anyways maligayang maligaya po talaga ako dahil sa inabot ng reads ko. Sobrang saya ko kasi may nagbabasa ng pinaghirapan ko. Salamuch po talaga. Please support my other story din po.

Isla(on going)
Gayuma(completed)
Sumigaw Tumakbo Magtago(Completed/episode)

KulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon