Agad tinulungan ng mga nandun ang lalaki na si Gian pala. Dinala nila ito sa pinakamalapit ng ospital. Pagdating doon ay agad itong inasikaso ng mga doktor at maski sila ay nagulat sa nakita. Ang ari kasi ni Gian ay tila tunaw na kandila na ngayon. Nagsisisigaw ito dahil sa nakita at kung di pa naturukan ng pampatulog ay di ito kakalma. Sinabihan naman ng doctor ang mga magulang ng binata na iuwi nalang ito dahil wala na silang magagawa pa. Kinagabihan naman ay malungkot na umuwi sa Mercylito sa boardinghouse. Birthday niya kasi at wala man lang nakaalalang bumati sa kanya maski isa. Hapong hapo siyang pumasok sa loob.
"Happy birthday, Mercylito!!!" Masayang bati sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Talagang nasurpresa siya akala niya talaga walang nakaalala ng birthday niya. Yun pala kumpleto pa ang mga itong babati sa kanya.
"Make a wish and blow your candle na, Mercy." Nakangiting pukaw ni Sharliene sa pagmumunimuni niya.
Pumikit siya saglit para umusal ng isang kahilingan at inihipan ang kandila. Nagpalakpakan naman ang mga ito.
"Ano nga palang hiniling mo, Mercy?" Tanong nmn ni Lynne.
"Oo nga kuya." Ayon nman ni Deak.
"Hiniling ko na sana magustuhan din ako ng babaeng gusto ko." Wika niyang bahagyang sinulyapan si Ruby na nakatingin din pala sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata kaya't napuno ng kantiyaw at hiyawan ang paligid. Nasa ganun silang sitwasyon ng may kumatok.
"Ako ng magbubukas." Ani Abegail.
"Asan si Nora?" Bungad kaagad ng kumakatok na si Gian pala kasama ang Ina.
"Bakit?" Sumungaw si Nora sa pinto at pinigil niyang matawa ng makita ang itsura ni Gian. Nakabukaka ito na tila may iniiwasang masanggi sa pagitan ng hita. "Anong kailangan mo?"
"Nandito ako para humingi ng sorry dahil sa ginawa nmin sayo. Please tigilan mo na ang pangkukulam mo. Dalang dala na ako. Hindi namn kita nasilip,eh. Sina Miko, James, at Jamal lang."
"Huh? Anong kulam ang pinagsasasabi mo? Ngayon ko nga lang din nalaman na kasama ka pala dun sa mga bomoso sa akin, eh. At saka-
"Hoy impakta wag ka ng mag maangmaangan pa. Alam ko ikaw ang may gawa niyan kay Gian pati ndin dito sa nangyari sa mukha ko." Putol ng bagong dating sa si Dhalle sa sasabihin pa sana ni Nora.
"Anong nangyayari?" Lumabas na din si Joboy kasunod ang iba pa. Di naman nila napigilang matawa sa itsura ng mga nasa labas. Kung si Gian kasi ay nakabukakang tila may iniiwasang masanggi sa pagitan ng hita. Si Dhalle naman ay magang maga ang bunganga at naglabasan pa ang mga malalaki at nangingitim na ngipin.
"Hala Nora lagot ka. Anong ginawa mo?" Natatawang akusa ni Zhed sa kanya.
"Ba't ako? Wala akong kinalaman dyan, huh. Baka si Ruby."
"Mercy oh pinagbibintangan ni Nora yung Ruby mo." Pang-aasar nmn ni Lynne. Pulang pula nmn si Ruby dahil sa hiya lalo na ng nakangiting tumingin sa kanya si Mercylito.
"Seryoso kami sa ipinunta namin dito. Ayon kasi sa pinuntahan namin ay may kumukulam daw sa anak ko. At ang dapat daw niyang gawin ay humingi ng tawad dun sa taong sa tingin niya siyang kumukulam sa kanya para daw mahinto na ang kulam." Paliwanag ng Ina ni Gian.
"Anong tingin niyo kaso yun na pwdeng iurong kung kelan gusto."
Nagkatinginan sila sa naging reaction na iyon ni Abegail.
"Pasensya na kayo sa abalang nadulot namin. Kung ano man ang kasalanan ng anak ko sana ay patawarin na ninyo siya." Mapagpaumanhing wika ng nito bago umalis.